Chapter 31 : Ang Paglilihi

1405 Words
Arriane Cruz Medina "Oh my gosh Ate, anong nangyayari sa'yo?" Nag-aalalang tanong ni Rizza ng magising at madinig ang pagduduwal ng kapatid. Inabutan niya itong nakatalungko at nasa bowl ang ulo sa kakasuka, namumutala na din ito. Hinahagod niya ang likod nito at walang tigil sa kakaduwal kahit wala ng ilalabas. "Bert, Bert," tawag niya sa kapatid na nasa kabilang kwarto. "Ate, ano ba 'yon ang aga aga pa ah," naiinis na tanong nito. "Ang Ate kasi eh, pakitawag nga ang Inay kung gising na pero kung tulog pa ay 'wag mong gigisingin ha." "Bakit Ate, ano bang nangyayari sa'yo?" Tanong ni Bert ng sumilip sa banyo bago nagmamadaling bumaba. "Bert, ang pagbaba mo magdahan dahan ka at natutulog pa ang mga Ate mo." Saway ng kanyang ina na nuon ay nagwawalis na sa ibaba. "Inay ang Ate Rian po pakitingnan nga po." "Ay Diyos ko, ano bang nangyayari sa Ate mo?" Nagmamadali ng umakyat ang kanilang ina. "Malou, ano 'yon?" sigaw naman ng ama na nagmamadali na ding bumangon. "Bert, halika at tulungan mo ako." "Ang Ate po kasi Itay eh suka ng suka at namumutla na." "Naku, hirap siguro sa pagbubuntis, ganoon din ang Nanay ninyo sa inyo noon, kaya 'wag kayong mga pasaway at 'di ninyo alam ang hirap ng ina ninyo sa pagbubuntis sa inyo." Payo naman ng ama kay Robert habang hirap na hirap sa pag-akyat. "Anak," naluluhang sabi ng kanilang ina habang hinihimas ang likod ng anak na nanghihina na kakasuka. "Lakasan mo ang loob mo ha at mahirap talaga ang paglilihi." "Okay lang po ako Inay," pautal-utal na sabi ni Rian. "Rizza, anak, magsaing ka na at gumawa ka ng am, iappainum natin sa Ate mo dahil masustansiya iyon. Madali ka na at ng mainitan ang sikmura ng Ate mo." "Opo, opo Iany." Nagmamadali namang sabi ni Rizza. "Halika anak, tumayo ka muna at sa baba ka na mahiga ng madali para sa akin ang daluhan ka. Paliliguan muna kita." Naging sunod sunuran na lang si Rian dahil wala siyang lakas ng loob na magsalita pa. Pinaupo muna siya ng ina sa isang bangko sa loob ng banyo. Sige na duon muna kayong mga lalaki sa baba at ng mapaliguan ko muna si Rian, ibababa ko duon pagkatapos. Walang imik ang ama at kapatid na bumaba. Pagkaligo at ng mabihisan ay akay-akay niya ang anak at pianhiga sa kama sa taas. "Mabuti pa siguro Malou ay ipagpaalam mo sa kapatid mo na ibaba ang double deck dine sa kwarto at ng magsama sama na tayo rine sa baba at ng hinde na kayo nahihirapan duon tutal ay may banyo na din dine." "Opo nga po Inay para po maalagaan din ang Ate ng maayos," singit naman ni Robert na awang awa sa kalagayan ng kapatid. "Inay andine napo ang am," sabi ni Rizza habang hawak hawak ang mug. "Nilagyan ko napo iyan ng kaunting asukal at gatas." "Rian, bumangon muna at ng mainitan ang sikmura mo." Sabi ng ina habang inaalalayan siyang bumangon. Kusang tumulo ang luha ni Rian dahil sa depression sa hirap ng dinadanas na pagbubuntis. "Bakit ba umiiyak ka, di ba ikaw naman ang gumusto niyan," naiinis na sabi ng ama. "Gardo, tumahimik ka," ganting bulyaw ng kanilang ina. "Hinde ka nakakatulong." "Sorry po," naghihinang sabi ni Rian habang patuloy na umiiyak. "Anak, wag mong isipin ang sinabi ko, sorry ko," malungkot na sabi ng ama at marahang lumakad papunta sa anak. "Kasalanan ko naman po talaga lahat ng ito eh," patuloy na sabi niya. "Anak, okay lang 'yan, excited na nga kami sa magiging apo namin eh, basta nandito lang kami at lakasan mo ang loob mo ha. Madami ka pang hirap na dadanasin sa pagiging ina, hinde lang 'yan, kaya dapat handa ka." "Oo nga Ate pero nandito kami, kaming mag-aalaga sa baby natin, si Robert mahilig magpuyat siya ang magbabantay sa gabi," "Oh sure, para ako ang kilalanin niyang daddy," nakangiting sabi ni Robert. "Don't worry Ate, we got you." Inilahad ni Rian ang mga kamay at isa isang lumapit ang kanyang pamilya para sa isang group hug. "Tama nga ang Itay mo, ipagpapaalam ko muna kay Lina ang double deck, ibabalik na lamang natin kapag nagawa na ang bahay at tayo ng makalipat." "Mainam pa nga po Inay kasi hinde ko man lang naramdaman na nagising ang Ate kanina." Sagot ni Rizza. "Kayo ng tatlong Maria diyan sa malaking kama at kami ni Robert sa double deck tutal ay sa taas naman gusto ni Robert at ako sa baba," singit naman ng ama. Tinulungan sila ng kanilang tiyuhin na makahanap ng mga taong gagawa sa kanilang munting tahanan. Sabado pa lamang ay nagsimula na silang bumili ng mga materyales na gagamitin sa kanilang munting tahanan. Lunes ang simula ng konstruksyon at anim na tao ang gagawa, isang foreman, dalawang mason at tatlong labor. Ang sabi ay tatlong buwan ang pinakamatagal na gugugulin sa paggawa lalo at may 2nd floor ang kaniyang ipinapagawa. Ang pinal na plano ay may tatlong maliliit na kwarto sa itaas, isang banyo at maliit na terrace. Ang isa ay magsisilbing stock room muna. Mahalaga kasi na ang bawat isa niyang kapatid ay may sariling kwarto. Dalawang medyo may kalakihang kwarto sa ibaba, maliit na kusina, banyo at sala. Sa likod ang labahan. Aabutin daw ng halos isang milyon ang kaniyang magagastos. Kakasya naman ang perang naibigay ng Don. Sapat ang perang matitira para sa pag-aaral ng mga kapatid at gamot ng ama hanggang sa makapanganak siya at makahanap ng trabaho. Lumipas ang ilang buwan at malapit ng matapos ang bahay, Lumalaki na din ang kanyang tiyan, mabut na lamang at natapos na ang panahon ng kanyang paglilihi at medyo bumabalik na sa dati ang kanyang katawan. Nangayayat kasi siya ng husto dahil sa palaginag pagsusuka at hinde siya makakain ng maayos. Siguro ay mga tatlong Linggo pa at matatapos na din ang kanilang bahay kaya sobrang kasiyahan na din ang kanyang nararamdaman. Sila ng ina ang nag-aasikaso sa mga gumagawa dahil ang dalawang kapatid ay pumapasok sa eskwela. Mabuti na lamang din at tinutulungan sila ng Tiyahin at Tiyuhin sa pagpapagawa ng bahay. Duon na din sa bakurang iyon ang kanilang magiging daan. "Anak ilang panahon na lang ay magagawa na ang tahanan natin, dito kita palalakihin, patawarin mo ko ng hinde pa kita mabibigyan ng buong pamilya pero balang araw makikilala mo din ang iyong ama." Sabi niya sa anak habang hinihimas ang tiyan. Apat na buwan na nuon ang kaniyang tiyan at patuloy na ito sa paglaki. Excited na siyang malaman ang gender ng bata, regular din ang kaniyang check-up at regular pa din siyang nakakatanggap ng allowance na pumapasok sa kanyang account kaya kahit hinde nakakausap ang Don ay malaki pa rin ang pasasalamat niya dito dahil malaking ginhawa para sa kanila ang pinapadala nitong pera para sa gamutan at pag-aaral ng kanyang mga kapatid. "Patawarin po ninyo ako na inilihim ang batang ito." Tangi niyang nasambit ng buksan niya ang online application ng kanyang account at makita na nadagdagan na naman ang pera niya sa bangko. Nagulat na lamang din sila ng may bumusinang kotse sa harapan ng bahay. Hinde pa nila ito pinapansin nung una ngunit pumasok na ito sa loob at nakangiting kumakaway. "Rico? Anong ginagawa mo rito? Paano mo ito nahanap at paano mo nalamang nandirito kami?" Gulat na gulat niyang tanong sa kababata. "Rian, isa isang tanong lang, mahina ang kalaban?" Nakangiting sagot ni Rico. "Paupuin mo muna ang bisita at ng makapagpahinga anak," singit naman ng ina. "Ang laki na pala ni baby, pero bagay sa'yo lalo kang gumanda Rian," titig na titig ang binata habang sinasabi ito sa dalagang inang kanyang tinatangi nuon pa man. "Salamat Rico," nilapitan niya ang binata at niyakap. "Namiss kita," sabi ng dalaga na ikinalapad naman ng ngiti ng dalaga. "Si Kuya excited masyado iniwanan na kami duon at hinayaang magbitbit ng mga ito," reklamo ng isang binatilyo. "Alvin?" gulat na gulat na tanong ni Rian. "Ako nga, ang nag-iisang pogi ng taon," biro nito. "Oy, di ka sure," singit naman ng nakairap na si Gen. "Ay sino naman itong basta makabasag ng trip?" Ganting sagot naman ni Alvin. "Vin, si Gen, pinsan ko." Pagpapakilala naman ni Rian. "Yeah, Gen here at kami ang lehitimong lahi ng magaganda." Mataray pang sagot nito. Nagkakatitigan ang dalawang nag-aasaran at ramdam nila ang spark at the same time ay ang namumuong away sa pagitan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD