Arriane Cruz Medina Maglilimang buwan na ang kanyang nasa sinapupunan at lahat ay excited na sa paglabas ng kanilang anghel. Hinde na din siya hirap sa pagbubuntis at nagiging matakaw na rin siya. Hinahayaan naman siya ng ina sa pagkain dahil nga sobrang hirap ng dinanas niya sa paglilihi. Ngayon pa nga lang nanunumbalik ang kanyang katawan. Dalawang Linggo mula ngayon ay malalaman na nila ang gender ng kanyang baby at tamang tama sa blessings ng bahay dahil malapit na malapit na itong matapos. Nasa finishing stage na sila. Pagkatapos ng flooring ay sisimulan na ang masilya at pagpipintura. Puti at gray lang naman ang kanyang napili ngunit sila na lamang ang gagawa niyon para makatipid isa pa ay nagvolunteer naman si Rico at Alvin na tumulong gayun din ang kanyang tiyuhin. Nasa isang m

