Chapter 9 : Matagumpay na Pagtakas

1367 Words
Arriane Cruz Medina Naging matagumpay ang pagdaong nila sa Pier at ngayon ay tinatahak na nila ang kahabaan ng Roxas Boulevard. Nakalabas na din ang dalaga sa maliit na taguan sa likod ng truck at prenteng nakaupo katabi si Rico na may ngiti sa mga labi. "Hayyy, salamat sa Diyos at nakalabas na po tayo dun." Buntinghininga ng dalaga. Para siyang nabunutan ng tinik at labis na kasiyahan ang nadarama. Nakakatakot ang pinagdaanan niya sa pagtakas mula pa sa Sta. Monica hanggang sa paglabas ng RORO. "Ineng, sigurado ka na ba sa desisyon mo?" Tanong ng matanda. "Opo Itay, pakibaba na lang po ako sa may MOA, Mall of Asia po yata ang tawag dun sabi po ng kapatid ko." Sagot ni Rian. "Oo Ate, MOA nga 'yon, maganda duon kasi dagat 'yung likuran na pwedeng pasyalan." Sabi ni Alvin. "Mamasyal muna kaya tayo mamayang gabi duon tutal naman ay bukas pa ng umaga tayo magbaba ng kargada." "Pwede ninyo naman akong iwan dine sa truck at mahahapo lang ako sa pamamasyal, ayaw kong sumama." Sagot ng matanda. "Isa pa, 'di pwedeng walang bantay ang truck baka malusutan tayo." "Naku huwag na Vin kasi maabala pa kyo." Sabi ng dalaga. Gustong gusto niya na rin kasing makita ang kanyang pamilya ngunit hinde naman siya basta makakaalis dahil hinde niya kabisado ang lugar. "Rian, papadilim na, hinde din naman ako papayag na humiwalay ka pa sa amin ngayon. Bukas ka na pumunta sa pupuntahan mo at delikado rito sa Maynila. Gusto ihahatid kita kung saan kita ligtas iwanan, halimbawa sa sakayan kung san ka papunta." Nagpapasalamat siya at merong siyang kaibigang katulad ni Rico na hinde siya iniwanan, ganun na din sa dalawang tumulong sa kanila. "Oo nga Ineng, tama si Rico isa pa ay 'dun lang kita maibaba sa may Baclaran at hinde kami pupwede huminto ng MOA, bawal kami duon, e ang kaso delikado duon sa Baclaran 'pag gabi baka mapahamak ka pa." Dugtong pa ng matanda. "Ganoon po ba? Sige po kayo po bahala kung ano ang mas mainam para sa akin, isa pa po matagal na tayo magkikita kaya samantalahin na natin na magakakasama tayo ngayon." Nakangiting sabi niya sa mga kasama. "Ayan Ate, tama 'yan ng matagal pa kayong magkasama muna ni Kuya Rico. Tutal ay pag-alis mo bukas baka di ka na magpakita pa sa amin," sabay kindat nito sa binata. Mga alas singko ng hapon sila dumaong at mga kalahating oras ang ginugol sa paglabas dahil madami ding mga sasakyan ang kasama nila sa biyahe. Ngayon ay alas-siete na ng makarating sila sa warehouse ng mga Mondragon sa parte ng Las Pinas. Lahat ng produkto ay dito ibinababa at may mga delivery trucks duon na nagsusupply ng mga produkto sa iba't ivang palengke at supermarkets. Sa araw ay puno iyon ng mga empleyado sa opisina, mga drivers at helpers sa delivery. "E, bababa napo kaya ako bago tayo pumasok duon kasi po ay baka may makakita o makakilala pa sakin diyan sa loob." Nag-aalalang sabi ng dalaga. "Huwag kang mag-alala at may barracks kami diyan na tinutuluyan, at may kotse ang kaibigan ko diyan na pede nating mahiram para sa pamamasyal mamaya," sagot ni Rico. "Sigurado ka ba Rico? Kasi natatakot ako." Nag-aalalang tanong ng dalaga. "Ineng, tama si Rico walang makakakita sa'yo dun dahil panigurado mamayang madaling araw pa dadaong ang iba at wala ka na rito nuon pagdating nila." Pagbibigay assurance ng matanda. "Itay, baka naman po pwede na kayong sumama sa amin, sagot ko po ang dinner natin ngayong gabi bilang pasasalamat ko po sa inyo." "Opo nga naman 'Tay. Isarado na lang nating maigi ang lona at alam naman natin ang bilang ng sako niyan, isa pa bihira lang ito." Pamimilit ni Rico. "Wow Lolo, tara na po. Sige na." Banat pa ni Alvin. "O siya sige na nga." Sagot nito. "Ang kukulit ninyo kahirap tumanggi." "Ahahahah" nagtawanan na lang sila sa sinagot ng matanda. Ilang sandali pa ay papasok na sila sa compund ng warehouse at nakatago ang dalaga sa likod ng kurtina upang hinde mapansin ng mga guard na nakabantay sa gate. Ipinarada ni Tatay Tonyo ang truck malapit sa kanilang tinutuluyan sa loob, madilim ang bahaging iyon kaya kahit bumaba siya ay hinde mapapansin agad. "Vin, samahan mo muna ang Ate Rian mo sa loob ng makapaglinis ng katawan, makaligo at pupuntahan ko si Kiko para mahiram ang kotse. Sana ay wala siyang lakad ngayon." Bilin ni Rico. "Rico, 'wag mo ako masyado intindihin, okay lang ako." Nakangiting sabi ni Rian dahil labis labis ang pag-aalaga nito sa kanya. "Sakali na hinde mo mahiram ang sasakyan ay magkwentuhan na lang tayo sa loob at mautusan na lang itong si Alvin na mamalengke at ng makapagluto tayo ng masarap na hapunan." Sabi naman ng matanda. "Hinde tayo nakakain ng maayos sa biyahe natin dahil sa pag-iintindi sa sitwasyon." Pagpasok sa loob ay itinuro ni Alvin ang banyo kaya iginayak na ng dalaga ang pamalit na damit na nasa dalang bagpack, mouthwash, toothbrush, shampoo, sabon at cologne na gagamitin sa paliligo. Sa banyo ay napansin niyang maayos ito at malinis, may gripo at shower kaya tuwang tuwa siya sa paliligo dahil wala namang ganuon sa probinsya. Nag-iigib lamang sila sa bukal ng pampaligo at panghugas ng mga pinggan. Duon din galing ang tubig na ginagamit nila sa pagluluto at ang para sa inumin ay pinapakuluan na lamang nila. Masarap ang buhay sa probinsya kung tutuusin dahil ayos naman ang sahod nila at ang pagkain ay matatagpuan naman sa paligid, tanging karne at isda na lamang ang binibili nila sa palengke, mga groceries at toiletries. Mabait sa tauhan ang mga Mondragon, nakukuha nila ang sapat na sahod na para sa kanila, katunayan nga marami silang mga scholar ng pamilya. Ang mag-asawang Don at Doña ay iginagalang ng mga tao ganun din ang nag-iisa nilang anak na si Damien. Nakatapos ng maligo ang tatlo ng makabalik si Rico sa barracks. "Iho, nakaready na kami, nahiram mo ba ang kotse?" Excited na tanong ng matanda. "Opo 'Tay, maliligo lang din po ako saglit at aalis na po tayo. Rian, dalin mo na ang gamit mo at mamaya ay dun na muna tayo sa bahay ng kaibigan ko at baka maagang dumating ang mga Sta. Monica dito bukas. Mainam ng hinde ka nila makita pa dito." Sabi ni Rico. Ng makapasok si Rico sa loob ay inihanda niya na din ang mga kagamitan. "Tay, salamat po sa tulong ninyo, hinde po ako makakatakas kundi dahil sa inyo," naluluhang sambit ng dalaga. "Naku, Ineng ano ba naman ang sinasabi mo eh lahat ng taga duon ay parang mga anak ko na. Kaibigan ko din ang iyong mga magulang kaya makakaasa ka na hinde kita papabayaan." Malungkot na sabi ng matanda dahil alam niyang baka hinde na sila magkita ng ama ng dalaga na naging matalik din niyang kaibigan. "Tay tanggapin ninyo po itong konting halaga na ito para makatulong po sa pamilya ninyo." Iniaabot niya sa matanda ang limang libong piso mula sa bente mil na dala niya sa bag. "Ano ka ba, bakit mo ko bibigyan niyan, mas importante yan sa'yo dahil magagamit mo 'yan sa paglayo at sa pagdadalang tao mo, huwag mo kaming intindihin." "Malaki naman po ang naibigay sakin ng Don, para po talaga sa inyo ito." Pangungulit ng dalaga. "Ano ka ba, sinabing hinde na tutal sagot mo naman ang masarap na pagkain natin mamaya." "Tay sige na po tanggapin ninyo po ito." "Sabi ng huwag na, ito talagang batang ito. Sige ganito na lang, akin na ang isang libo at ibibili ko na lamang ng pasalubong ang Inay ninyo." Sabi ng matanda dahil alam naman niyang hinde siya titigilan nito. "Alvin, ito o, kunin mo na din itong isang libo at pambili mo ng damit mamaya, ito namang isang libo ay pakibigay mo na lang kay Rico pag-alis ko at hinde din niya ito tatanggapin kapag binigay ko." "Ate, salamat ha," nakangiting sabi ni Alvin habang iniaabot ang pera. "Ito namang dalawang libo ay ubusin natin sa pagkain mamaya." "Dalawang libo? Ipangkakain lang natin?" Singit naman ni Rico ng makalabas ng banyo. "Oo bakit ba eh minsan lang tayo magse-celebrate." Proud na sabi ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD