Don Ramil Lopez Mondragon
Dumating ang araw ng kasal ni Damien at maagang nagsigayak ang lahat. Hinayaan niyang gumastos at magpatuloy ang preparasyon dahil walang pwedeng makaalam ng kanilang balak. Tanging ang asawa lamang ang kinakausap niya tungkol sa plano sa loob ng mansyon at kapag nasa labas ay tsaka niya tinatawagan ang dalawang inatasan niyang magligtas sa dalaga.
Sa panahong ito ay matagumpay na niyang naialis ang pamilya ng dalaga sa tulong ng kanyang personal driver at bodyguard na si Rolan. Nkahanap na din ito ng driver na susundo at magliligtas sa dalaga ngunit bukod sa kaalaman ng lahat ay may isa pa siyang kinausap para siguraduhing makakalabas ng Sta. Monica ang dalaga. Ni ang asawa ay walang alam dito.
Nakaupo na sila sa simbahan at anumang oras ay magsisimula na ang seremonya, halata ang nerbyos sa kilos ng mag-asawa.
"Mahal ko, relax ka lang," bulong ng kanyang butihing may bahay.
Hinde naman umimik ang Don at pinisil lamang ang kamay nito.
Alam niyang nasa lokasyon na ang dalaga dahil naibalita na ito sa kanya ang kaso lamang ay parang hinde niya mapagkakatiwalaan ang kinuhang tauhan ng kanyang kanang kamay kaya naman agad niyang sinabihan ang naka standby na tao na magliligtas sa dalaga.
Pagkasend ng mensahe ay agad niya na din itong binura.
Nagsimula ang himig ng musika para sa ikakasal at inilibot niya ang tingin sa paligid. Napansin niya ang babaeng nakaitim at malakas ang hinala niyang ito na si Rian kaya naman isinenyas niya sa asawa ang babae.
Tumango naman ito sa kanya at pareho silang matamang nagmamasid hanggang sa sumigaw na ito at nagkagulo. Nakita niya ang lihim na tauhan at tinanguan bilang hudyat na simula na ng kanyang trabaho na kaagad naman nitong naintindihan at kaagad na sinundan ang dalaga.
Hudyat din iyon upang umalis na siya sa simbahan dahil hinde din niya kayang makita ang anak na nasasaktan dahil sa kagagawan niya.
Muli niyang nilingon ang anak sa harapan ng altar na nagwawala, kasabay ng pag-usal ng salita.
"Patawarin mo ako anak, pero ito na lang ang naisip kong dahilan para hinde mo danasin ang mas malupit na sakit sa hinaharap," sabi ng Don bago tuluyang lumabas ng simbahan at sumakay sa kotse.
Idinadalangin din niya ang kaligtasan ng dalaga.
"Boss, hinde siya bumalik sa kotseng sinasakyan, hinde ko alam kung saan siya nagpunta."
Nabasa niya ang mensahe ni Rolan na agad niyang binura.
"Kung ganoon, bahala na ang isa niyang inutusan niya para sa kaligtasan nito." 'Yan na lamang ang tanging nasabi niya sa sarili.
Kilala niya ang anak sa negosyo, marunong itong sumabay sa dumi ng paglalaro sa mundong kanilang ginagalawan kaya naman alam niyang madami din itong tauhan na hinde nila kilala kaya nag-aalala din siya sa kaligtasan ni Rian.
Ngayon parang gusto niyang magsisi na baka siya pa ang maging susi sa kapahamakan ng dalaga kaya naman lubos lubos ang kanyang pagdarasal para sa kapakanan nito.
Bukod din sa kaalaman ng lahat ay madami din siyang lihim na tauhan na pinagkakatiwalaan.
Pagdating sa bahay ay hinde siya mapalagay sa paghihintay. Paghihintay ng balita galing sa kanyang inutusan.
Lumipas ng dalawang araw at wala pa din siyang balita kaya sobra sobra na ang kanilang pag-aalala lalo at nalaman nila ng esposa na pinapahanap na nito si Rian. Buong akala nila ay hinde ito makilala ni Damien kaya naman lalong tumibay ang hinala niyang mahal ito ng binata.
Sinubukan din niyang tawagan ang dalaga at ang taong kanyang inutusan ngunit hinde siya nagtagumpay dahil pareho silang hinde matawagan. Wala siyang balita kung ito ba ay nagtagumpay sa pagligtas sa dalaga.
Ikatlong araw ng makatanggap siya ng balita na maayos na itong nakarating ng Maynila at ngayon ay nasa byahe na papuntang probinsya na hinde na niya alam kung saan.
Ang bilin lang niya sa tauhan ay siguraduhing nakarating ito ng ligtas sa Maynila at mula duon ay hinde niya na sasaklawan pa ang buhay ng dalaga.
Natuwa ang mag-asawa sa nalamang ligtas na ito sa piling ng pamilya kaya naman pinadalhan na niya ito ng allowance tulad ng napag-usapan.
Bago pa dumating ang araw ng Linggo ay naideposito na niya sa account nito ang isang milyong kabayaran.
Nagpadala na din siya ng mensahe sa dalaga.
"Mag-iingat ka, pinapahanap ka na niya. Tulad ng napag-usapan ay, makakatanggap ka ng sampung libong allowance kada buwan sa loob ng limang taon. Salamat at 'di natuloy ang kasal. Ito na ang huling message ko sayo."
Nagulat ang Don ng makareceive ng reply mula sa dalaga, marahil ay dahil sa notification na natanggap nito tungkol sa pinadala niyang allowance nito.
"Pwede po bang humiling na sana po ay iadvance ninyo na lang ng buo ang limang taon dahil kakailanganin ko din po iyon sa pagsisimula. Makabili man lang sana po kami ng maliit na lote at makapagpatayo ng simple bahay. Pasensiya napo kayo."
Nang mabasa iyon ay agad niya itong sinabi sa esposa.
"Mahal ko, ano pang hinihintay mo, asikasuhin mo na agad ang pagpapadala mo ng pera sa kanila dahil kailangan nilang magsimula ng bagong buhay dun, maliit ang isang milyong ibinigay mo kapalit ng kalayaan nila ng kanyang pamilya."
Nagulat din siya sa naging reaction ng kanyang esposa kaya naman agad niyang tinawagan ang sekretarya upang asikasuhin ang pagpapadala ng isa pang milyon sa dalaga.
Itutuloy pa din niya ang monthly allowance nito dahil malaki din ang hinala niyang nagdadalang tao talaga ito.
Ganun pa man ay labis ang naging pasasalamat niya sa Diyos na nakatakas ito ng ligtas.
Lumipas ang ilang araw at walang hinto ang anak sa pagpapahanap sa dalaga. Alam niyang mahihirapan ito dahil hinde nito alam na nasa malayong probinsya na ang dalaga ngunit kita din niya ang frustration nito. Nagsimula na itong mangayayat at malulong sa alak kaya naman lagi niyang inaalalayan ang anak at lagi niyang itong binabantayan.
"Anak, lakasan mo lang ang loob mo. Sana ay magawa mo ng aminin sa sarili mo na pagmamahal ang dahilan kung bakit mo hinahanap si Rian at hinde dahil sa kagustuhan mong magantihan ito. Alam kong mahal mo na siya."
Sabi ng Don sa anak ng minsang iniuwi niya itong lasing na lasing galing sa isang bar.
Si Emilia rin kasi ay nangibang bansa na kasama ang lalaking tunay na nakabuntis dito ngunit hinde niya alam kung paano itong ipapaalam sa anak. Hinde ito madaling mapaniwala sa basta salita lamang ngunit wala pa siyang sapat na pruweba upang mapatunayan na niloloko ito ni Emilia.
Hinde pa nakakapagbigay ng valid proof ang imbestigador na inutusan niya para maipakita kay Damien ang panloloko ni Emilia.
Awang awa din siya sa anak hanang pinagmamasdan itong nakatulog na sa kalasingan ngunit hinde niya papabayaan at susukuan ang anak. Masyado niya itong mahal kaya kailangan din niyang harapin ang bangungot na dulot ng kanyang kagagawan.
Lumalakas lamang ang loob niya dahil sa suporta at pang-unawa ng kanyang si Camilla. Dati-rati ay inayawan niya din ito ngunit ito pala ang magiging tanging lakas niya at sandigan kaya laking pasasalamat na rin niya at natutunan niya itong mahalin at pahalagahan.
Tama nga ang kasabihang alam ng magulang ang makabubuti sa anak. Siya mismo ay living proof sa kasabihang ito dahil kung hinde siya ipinakasal ng ama sa kanyang may bahay ay hinde niya mararanasan ang saya ng buhay sa piling ng isang minamahal.
Ganon din ang gusto niyang maranasan ng anak sa piling ni Rian ngunit sa ngayon ay mahirap ng asahan na matutupad pa ito dahil sa mga nangyari na dulot niya sa buhay ng mga ito.
"Haysst, Lord kayo na po ang bahala sa buhay naming ito," mahinang panalangin niya habang nagmamaneho ng kotse pauwi ng mansyon kasama ang tulog na binata.
Malabo man ang sitwasyon ngunit alam niyang mahahanap ng tadhana ang daan pabalik sa dalawang tang itinakda.
Sana, sana at sana. Tanging salitang kanyang inaasahan sa panahong ito. Sana na lang talaga.