Rico Santos (Mondragon) Isa pala siyang illegitimate child ng Mondragon kung ganoon ay nararapat lang na bigyan siya nito ng maalwang pamumuhay. Galit na galit siya sa ama sa nalaman. Isa lang pala siyang accidental child. Sinabi ng kanyang ina-inahang si Cedes ang lahat at ayon dito ay mahal na mahal ng kanyang tunay na ina si Don Ramil sa kabila ng kaalaman nitong may pamilya na ito at inakala ng Don na mamatay nuon si Doña Camilla kaya naman malungkot ito at naghanap ng kalinga sa piling ng kanyang ina. Ayon pa dito ay hinde alam ng Don na nabuntis nito ang kanyang ina dahil matagal na silang hiwalay nuon at nalaman na lang nito nung humingi si Inay Cedes ng tulong sa pagpapalibing dito dahil walang wala din sila nuon at hinde naman nagdalawang isip ang ama na bigyan ng libing at hin

