Chapter 13 : Paghihiwalay nila Rian at Rico

1387 Words
Arriane Cruz Medina Mula Sta. Mesa pa Cubao ay aabutin din ng tatlumpong minuto humigit kumulang. “Hinde po ba kayo nahihirapan diyan?” Pagbasak ni Rico sa katahimik habang nasa byahe. Apat kasi ang nakasakay sa likuran at sila ni Rian sa harapan. “Okay lang po kami Kuya Rico, sexy naman naman kami kaya kasya.” Nakangiting sagot ni Rizza. “E Kuya, ikaw ba ay okay lang?” Ganting tanong ni Robert. “Oo naman Bert, okay lang na ihatid ko kayo.” “Hinde naman po ‘yon ang ibig sabihin ko sa tanong ko, Kuya.” Sabi pa ni Bert na nangiti na sinabayan ng tawa ng mga nasa likod. “E di ba, sabi mo kung okay lang ako, ano bang ibig mong sabihin sa tanong mo?” Nakakunot ang noo ng binata habang nakatingin sa rear view mirror para masilip si Robert. “Kuya Rico, ang ibig sabihin ni Bunso, e kung okay lang ba sa’yo na malalayo na si Ate Rian at hinde na kayo magkikita.” Sagot ni Rizza. “Wala ka pala e, ang hina mo pala.” Pambubuska pa ni Robert habang malakas na tumatawa. Ang dalawa naman ay natahimik sa tanong ng binatilyo. “E, malulungkot ako siyempre, ngayon pa nga lang ay nalulungkot na ako.” Sabi naman ng binata. “Kasi naman ay bakit hinde ka pa nagtapat dati pa ng nasagot ka na ng Ate Rian.” Dagdag pa ni Rizza. “Boto naman kami sa iyo Totoy.” Singit pa ng ama ng dalaga. “Ganon po ba? Hayaan ninyo po at magsisimula na ako manligaw kay Rian ngayon, malapit na po tayo sa Jollibee, treat ko na po.” Nakangiting sagot ng binata. Sa mga nadinig ay lalo namang naguilty ang dalaga dahil alam niya sa kanyang sarili na hinde niya pa kayang pag-alayan ng atensyon ang binate. Teka bakit para yatang ako lang ang hinde nakakita, nakapansin at nakaalam na gusto ako nitong si Rico. Tanong niya sa sarili habang namumula at pinagmamasdan ang binata na nakangiti kahit nakatutok sa daan sa pagmamaneho. Ang mga nasa likod naman ay nagbibiruan at nagtatawanan na dahil sa panunukso sa dalawa at si Rico naman ay nakikisakay kahit nagkausap na sila ng dalaga at alam na wala namang pagtingin sa kanya ang kaibigan. “Ate, ano may pag-asa ba si Kuya Rico sa’yo.” Nagulat ang dalaga sa tanong ng bunsong kapatid. “Ah, wala pa sa isip ko ang ganyan ang gusto ko ngayon ay makahanap ng trabaho dun at makapagsimula tayo ng bagong buhay.” Tugon naman ng dalaga. “Huwag kang mag-alala at handa kitang hintayin Rian hanggang sa matutunan mo din akong mahalin.” Madamdaming tugon ng binate. “Wait lang, may something ah, nakapagtapat ka na ba sa Ate nung nagbabyahe kayo?” Tanong ni Rizza. “Oo nga Kuya, binasted ka noh?” Singit naman ni Robert. “Sssshhhh, kayo talaga ang gagaling ninyong mambuska. Oo nag-usap na kami ni Rico at sinabi ko na sa kanyang hinde pa ako handa.” Saway ni Rian para tumahimik na ang mga kapatid. Talagang ang mga kapatid niya ay matatalino at ang bilis ng pick-up sa mga bagay-bagay kaya naman natawa na lang din ang dalaga. Naaawa din naman siya kay Rico lalo at malaki ang naging tulong nito sa kanya. Hinde niya magagawa ang makatakas kundi dahil sa kaibigan at habang buhay niyang tatanawin ‘yon. Ilang sandali pa ay nagpapark na si Rico sa Jollibee sa kanto ng Aurora Blvd. sa Cubao. “Guys, nandito na tayo.” Masayang sabi ni Rico. “Yehey, Jollibee.” Excited na sabi ni Robert kasabay ng pagpalakpak dahil bihira naman talaga silang makapasok duon. Sa Sta. Monica ay malayo sa kanilang lugar ang mga mga ganoong kainan at halos isang oras ang gugugulin bago makarating sa mall, hinde tulad dito sa Kamaynilaan na halos tabi-tabi ang mga food chains at iba’t ibang establisimento. Inalalayan ni Aling Malou ang asawa na makababa at makapaglakad. Si Robert ay nauna na sa kanila sa pagpasok sa Jollibee upang mamili ng oorderin. Sila Rizza, Rian at Rico naman ay sabay-sabay na ng pagpunta sa loob kasunod ang mag-asawa. “Anong gusto ninyo.” Tanong ni Rico. “Rico, ako ng ang magbabayad, nakakahiya naman sa iyo. Ikaw na ang naabala ay ikaw pa ang gagastos. Itabi mo na lang iyan para sa mga kapatid mo.” Sabi ni Rian sa binata at pinigil ito sa pagdukot sa bulsa. “Nagsabi na ako kanina na treat ko ‘to e.” Maktol ni Rico. “Hinde na nga, kasi nahihiya ako sa’yo, basta ako na. Pinal na sabi ni Rian. “Ako ang lalaki, ako ang dapat na magtreat sa’yo dahil nailibre mo na ako kagabi.” Pamimilit pa ng binata. “Totoy, hayaan mo na si Rian, dahil malaki ang natipid namin sa pagkakahatid mo sa amin ngayon.” Pagputol ni Mang Gardo sa pagtatalo ng dalawa. Kung hinde kasi niya ito aawatin ay maaksaya lang ang oras dahil walang gustong magpatalo. “Sige na nga po, hinde naman din talaga ako mananalo dito e.” Pagbibigay daan ni Rico. “Ako Ate, gusto ko ng Chicken Joy at Coke Float, pakisamahan mo na din ng Spaghetti tapos malayo yata ang byahe natin, pa take-out naman ako ng Burger Steak.” Banat ni Robert. “Hala, patay gutom ka? Mapagsamantala.” Singit ni Rizza. “Ako po Ate, Chicken Joy at Ice Tea lang po.” “Baka gusto mo din magpatake-out Riz, i-order mo na din.” “Talaga po ba, Ate?” Masayang tanong ni Rizza. “Kita mo ‘yan, mapagpanggap ka lang pala.” Pamumuwisit ni Robert. “Sssshhhhh, bunso ‘wag mo ng inisin ang Ate Riz mo.” Saway ng ina. “Ate, Yumburger na lang po take-out ko.” Nahihiyang sabi ni Rizza. “Kayo po Inay, Itay, Rico? Order na po kayo.” “Anak, Chicken Joy na lang din kami ng Tatay ninyo.” Sagot ni Aling Malou. “Rico, sige na huwag ng mahiya.” Pamimilit ko kay Rico. “Sige Chicken din. Magrereserve na din ako ng seats natin.” “Okay sige, ako ng bahala sa orders natin. Maupo na din kayo duon.” Bilin ni Rian sa mga kapatid. Lumapit na siya sa counter at nag-order ng mga sinabi ng mga kasama. Pagkabayad ay naupo nan a din siya sa table at naghinatay na lang sa pagdating ng order. “Thank you Ate,” pasalamat ni Rizza. “Magpakabait kayo ‘dun ha pagdating ninyo sa probinsiya,’wag ninyong papasakitin ang ulo ng Nanay at Tatay ninyo.” Bilin ni Rico sa dalawang nakababatang kapatid ni Rian. “Opo Kuya,” sabay na sagot ng dalawa. Maya-maya pa ay dumating na ang kanilang order at nagsimula na silang kumain. . “Robert, ito ‘yung mga take-out natin ha. Ikaw na muna ang madala. Ito naman Rico, ay para sa inyo nila Tatay Tonyo.” “Naku, talaga namang isinama mo pa kami sa take out.” Gulat na tanong ni Rico. “Burger lang naman ‘yan. Hayaan mo na.” Nakangiting sabi ni Rian. “Ang sarap talaga ng Jollibee hano?” Tuwang-tuwa si Robert sa kanyang kinakain. “Dahan-dahan bunso baka mabulunan ka.” Nakangiti ang ama habang pinapanuod ang anak. “Rian, kumain ka ng maayos, hinde mo yata ginagalaw ang pagkain mo?” Tanong ng ina. “Kasi po busog na busog pa ako sa kinain namin kagabi.” Pangangatwiran ng dalaga. Pagkatapos nilang kumain ay sumakay na sila sa kotse at nag U-turn sa Edsa para makarating sila ng Five Star Bus Terminal. Mabuti na lamang ay mayroon ng biyahe ng San Antonio ng ganoon kaaga. Tinulungan sila ni Rico na magsakay ng mga bagahe bago sila nagpaalam rito. “Rico, thank you so much ha, sobrang salamat.” Pamamaalam ni Rian. “Kuya, yumakap ka na sa Ate at ng makaiskor ka man lang.” Pangungulit pa ni Robert. Sa nadinig ay siya na mismo ang kusang yumakap sa binata ng mahigpit habang naluluha. “Mag-iingat po kayo duon ha.” Pamamaalam ni Rico. Nagmano muna siya sa matatanda at kinamayan si Rizza at Robert bago sumakay ulit sa kotse pabalik ng Las Piñas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD