Chapter 11 : Rico

1478 Words
Arriane Cruz Medina “Rian, isuot mo muna itong jacket ko at masyadong malamig dito.” Napatingin na lamang ang dalaga kay Rico at tahimik na isinuot ang jacket na iniaabot nito. Alam niyang puro kapakanan niya lamang ang iniisip ng kaibigan at nanghihinayang kung bakit hinde na nga lang siya ang pinili ng puso. Pati hood ng jacket ay isinuot na din niya sa ulo. Hatinggabi na ng nagpasya silang umalis sa seaside, masyado ng gabi ngunit madami pa din ang mga taong nakatambay sa lugar kahit pa sarado na ang establisimento duon. “Itay, ihahatid po muna namin kayo sa may warehouse at tutuloy muna po kami ni Rian sa bahay ni pareng Kiko.” Sabi ni Rico. “Sige Totoy ihatid mo muna siya sa sakayan bago ka bumalik duon at kami na ang bahala sa kargada.” “Huwag mong intindihin Kuya ang pagbababa at kami na ang bahala duon, basta si Ate Rian muna ang unahin mo duon.” Singit na naman ni Alvin na halatang nanunukso ang mga mata lalo na ang pagkakangiti nito. “Alvin, Itay, maraming maraming salamat po uli ha.” “Ito naming Ineng kong ito hinde na natapos tapos ang pasasalamat, salamat din sa masarap ng hapunan, nawa’y maulit ulit.” Sagot ng matanda na nakangiti. “Ate, salamat din ha, mas naiintindihan ko na ngayon ang ibig sabihin ng kaibigan, kasi nung nakasama ka namin, natakot ako na baka mabulilyaso tayo pero nung nakatakas na tayo ng magkakasama, naisip ko na hinde pala puro pera ang mahalaga. Tulad mo, nagkapera ka nga e pano kung napahamak ka hinde mo din yon mae-enjoy di ba.” “Tama Vin, kaya ‘wag kang papadala sa bugso ng damdamin dahil madalas mapapahamak ka kapag padalos-dalos.” Bilin ng dalaga sa binatilyong si Alvin. “Naku Vin, nagdrama ka pa, halika na at ng makapagpahinga na din kayo,” singit ni Rico. “Wehhh Kuya di nga, baka naman gusto mo lang masolo ang Ate Rian bago kayo magkahiwalay.” Nagulat na lamang sila ng biglang dumapo ang kamay ni Rico sa ulo ni Alvin, binatukan kasi siya nito sa pagkapahiya. “O loko, ano-ano kasing sinasabing mong bata ka, nakatikim ka tuloy ng di oras sa Kuya Rico mo,” natatawang sabi ng matanda. Tahimik na silang pumunta sa pinagparadahan ng kotse at wala ng umimik pa kahit pa ang makulit na si Alvin dahil alam niyang mainit na ang ulo ng kaibigang si Rico. Pagdating sa parking ay niyakap muna ng dalaga ang dalaga bago tuluyang sumakay. “Salamat po,” naluluhang sabi ng dalaga sa matandang itinuring niyang ama sa loob ng dalawang araw. “Salamat Vin.” “Naku, eto na naman kami sa walang humbay na pasalamat,” sabi ng matanda na nakangiti. “Salamat din Ate, at lagi ka sanang mag-iingat san ka man patungo. Sana talaga magkita pa tayo.” Naluluha na din si Alvin at mahigpit na gumanti ng yakap sa dalaga. “O, tama na,” sabay hatak ni Rico sa kamay ni Alvin. “Ay si Kuya seloso, ayaw pahawakan e di naman niya syota.” Akma na naman siyang babatukan nito kaya mabilis na siyang tumakbo sa likod ng kotse. “Ito kasing batang to, hinde mapigilan ang bibig. Tama na ‘yan, sakay na.” Saway ng matanda. Mas mabilis ang naging byahe nila ngayon dahil wala ng masyadong sasakyan sa daan kaya naman thirty minutes lamang ay nasa may warehouse na sila. “Itay, dito ko na lang din po kayo ibaba ng hinde na kami mapansin pa ng guwardiya.” “Itay, Vin, salamat ha, mag-iingat po kayo.” Sabi ni Rian bago makababa ang dalawa. “Ikaw nag mag-iingat Ineng, ikamusta mo ako sa Inay at Itay mo ha.” “Bye Ate, mamimiss kita.” Sabi ni Alvin bago iniabot ang papel. Nakasulat dun ang kanyang numero. “Tawagan mo ko Ate kapag handa ka ng makipagkita sa amin ha. Aasa ako.” Tuluyan ng bumaba at naglakad palayo ang dalawa kaya agad na ding pinaandar ni Kiko ang sasakyan. “Rian, dun na muna tayo sa bahay ng kaibigan ko magpapalipas ng oras sa may Malibay, Pasay.” “Sige. Salamat ha kasi hinde din ako kumportable sa Warehouse, natatakot akong makita ako ng ibang tao duon.” “Saan ka ba pupunta? Kahit ‘yun man sana ay ipagkatiwala mo sa akin para naman maihatid kita sa sakayan mamaya pagputok ng liwanag. Kailangan ko din kasing makabalik sa bodega bago mag alas siete dahil magbababa ng kargada at babalik din kami ng Sta. Monica bukas.” “Sa may ano, sa may—Sta. Mesa ako pupunta Rico, nandun ang mga Inay.” Nauutal na sagot ng dalaga. Hinde sana balak sabihin ng dalaga kung saan siya pupunta pero si Rico naman ay may napatunayan na sa kanya na kaya siyang iligtas nito at alam niyang hinde siya ipapahamak ng kaibigan. “Kung ganoon, gusto mo bang duon na kita ihatid ngayon at mas safe ka duon.” Tanong ng binata. “Talaga? Sige pwede at para bukas ay makabyahe na din kami pa probinsya.” Excited na tugon ng dalaga. Bumalatay ang lungkot sa mukha ng binata. Alam niyang hinde niya na makikita ang babaeng itinatangi mula noon hanggang ngayon. “Gusto mo bang tawagan mo na sila ngayon, at ihahatid ko na din kayo sa sakayan kung saang probinsya man kayo pupunta? Para hinde nadin mahirapan ang Itay mo sa pagbabyahe bukas. Natigilan ang dalaga sa tinuran ni Rico, magandang ideya ang naisip nito kaya lamang ay lubos na siyang nakakaabala sa binate. “Sigurado ka bang okay lang sa’yo Rico? Kasi nakakahiya na sa iyo kahit pa alam kong mas magiging maayos ang Itay kaysa sumakay kami ng pampasahero.” “Oo Rian, ito na lang ang huli kong magagawa para sa iyo ngayon. Aaminin ko Rian na mahal na mahal kita kahit hinde mo ‘yun suklian sa ngayon. Handa ako maghintay.” Maiiyak na pahayag ng binata. Hinde inaasahan ni Rian ang biglaang pagtatapat na ito ni Rico ng pagatatangi sa kanya kaya naman hinde din siya nakasagot agad. “Patawarin mo ako, Rico. Kung matuturuan lang ang puso ay ikaw ang pipiliin ko. Hayaan mo at pinapangako ko sa’yong tatawagan kita.” “Talaga ba Rian?” Sa nadinig ng binata ay nabawasan ang lungkot na nararamdaman niya kahit paano. “Salamat Rico, tatawagan ko muna si Rizza.” Kinuha na niya ang telepono at idinial ang numero ng kapatid. “Hello Ate.” “Rizza, pakigising mo sina Inay at gumayak na kayo ngayon at uuwi na tayo ng probinsiya pagliwanag.” “Hinde nga kami makatulog Ate at kahapon ka pa naming hinihintay.” “Ganoon ba? Pasensiya na at nagkaproblema kasi kami duon sa Sta. Monica kaya kanina lang kami nakadaong sa Pier.” “Kami Ate? Sino ang kasama mo? “Si Rico, papunta na kami ngayon diyan at may dala kaming sasakyan kaya maihahatid niya tayo sa terminal ng bus. Pakigayak ninyo na ang mga gamit at pagliwanag ay aalis na tayo.” “Okay Ate, sasabihan ko ang Inay, nandun kasi sa kwarto at inaasikaso ang Itay. Kami naman ni bunso ay maghihintay sa’yo dito sa labas.” “Pakibigay mo sa akin ang palatandaan ng lugar, meron akong address pero hinde ko pa iyan napuntahan.” “Sige Ate, sa may likod lang ito ng Puregold sa stop and shop, Albina Street sa may tabi ng simbahan ng Sta. Mesa dun ka liliko. Dire-diretso lang sa gawing kanan may panaderya at sa likod nun ay may mga apartment, pangalawa sa dulo. Kakasya ang sasakyan dito dahil maluwag ang daanan.” “Rian, patingin ako ng address at ako na ang bahalang mag waze niyan.” Singit ni Rico. Waze ay isang application sa cellphone kung saan pwedeng makita ang direksiyon ng isang lugar basta meron kang internet connection. “O sige na Rizza at magkita na lang tayo mamaya, nandito kami ngayon sa may Las Piñas at nasa byahe na kami papunta diyan.” “O sige Ate, hihintayin namin kayo dito. Anong kulay ba ng sinasakyan ninyo?” “Nakasakay kamo tayo sa puting Toyota Vios.” Bulong ni Rico. “Rizza puting Toyota Vios ang kotse.” “Okay Ate, ingat kayo ni Kuya Rico.” At ibinababa na niya ang tawag. “Alam ko ang lugar na ito, wala namang taffic kaya siguro ay mga isang oras ay nanduon na tayo. “Salamat talaga Rico.” “Walang anuman Rian, umasa kang hinde kita papabayaan.” Habang bumibyahe pa Sta. Mesa ay tahimik lng ang dalawa at walang may gustong magsalita. Sa may Roxas Blvd sila dumaan at lalabas ng Nagtahan Bridge. Malapit iyon sa Polytechnic University of the Philippines kaya madaling matunton ang daanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD