[Eve's POV]
"Oh? Hindi ka pupunta sa Lighthouse ngayon?" Napanguso ako sa tanong ni Ron. Sa bahay kasi ako ngayon magpapahatid sa kanya, usually kasi sa Lighthouse. Me and Ron are just streets away, sa kanya rin ako pinapasabay nina Mom at Dad kasi may tiwala naman sila kay Ron at sa driver nito. Trusting Ron is one of the things I don't understand about my parents.
Ayon nga sa kanila ay mapapagkatiwalaan si Ron kesa kay Eion. They've met Eion many times before especially during business gatherings and they just don't like his aura. Well, suplado nga si Eion pero ilang ulit ko na silang sinabihan na mas maayos ang utak ni Eion kung ikukumpara kay Ron.
"Hindi na. Magpapahinga muna ako. I have a lot of time naman since malapit na ang sem-break." Pagdadahilan ko at umiwas ng tingin. Itinuon ko na lang ang mga mata ko sa mga tanawin sa labas ng bintana.
Para akong tanga na basta-basta na lang mapapapikit nung sumagi sa isipan ko ang ginawa ko kahapon.
Fuck, I made a fool out of myself.
Eto ako ngayon, takot na humarap kay Jacob. Ba't kasi napaka-impulsive ko? Mas malala pa ako kay Lea. Arghh!
"Hoy, anong nangyayari sayo?"
"W-wala, napupuwing lang." Kumurap ako at nagkunwaring my kinukuha sa mata.
"Since compliance lang naman bukas at walang masyadong gagawin, laro na lang kaya muna tayo sa Lighthouse."
Nataranta ako sa naging suhestiyon ni Ron. "H-huwag na, banned ako roon." I lied. "Tsaka, you don't know how to play bowling, 'di ba?"
Sumandal siya sa backrest ng upuan at inunan ang kanyang mga braso. "I'm just curious, you know. Simula nung bumukas 'yung Lighthouse, araw-araw ka na roon. To think that you only train during saturdays or holidays."
"W-wala kasing tao roon, alam mo na." Pagrarason ko at bumuga ng hangin.
"Ay kaya pala. Now, I know." Mapanuyang ngumisi siya at pumikit na.
Ilang gabi ako hindi makatulog dahil sa hiya tuwing naaalala ko ang ginawa ko. Kaya nagulat na lang ako isang araw nung makita si Jacob sa may parking lot.
"Sasabay ka ba, Eve?" Bumaling sa akin si Ron at agad ko namang iniwas ang tingin sa kinatatayuan ni Jacob. Hindi ako nito napansin dahil abala ang mga mata sa kanyang cellphone habang nakahilig sa hood ng sasakyan.
"Oo, t-tara na."
Kagat ang labing binuksan ko ang phone, baka sakaling nag-text si Jacob. I turned on the dark mode just in case Ron would try to sneak a peek.
[Jacob: Hey, ilang araw ka nang wala sa Lighthouse. May problema ba?]
[Jacob: Pupunta ako sa school niyo, let's talk.]
[Jacob: Hey, nandito ako sa school niyo ngayon. I'll treat you some waffles, your favorite.]
[Jacob: If you're worried about the kiss and the confession, don't be. Hindi mo ako kailangang iwasan dahil lang don.]
[Jacob: Please, Eve. Don't ignore me.]
I could feel my heart melting away because of the warmth of his messages. Jacob has given me more reasons to fall in love with him over again.
[Me: We can meet tomorrow. Nakaalis na kasi ako eh. I want to say sorry about the kiss.]
Mariin akong napapikit at tinago ang mukha sa mga palad ko. I want to freaking squeal right now. The blood rush is just too much.
"Ano ba?!"
"Ano bang kinababaliwan mo ha!"
Sinamaan ko siya ng tingin habang nakahawak sa ulo kong binatukan niya.
"Patingin nga, patingin!" Sinubukan niyang agawin sa akin ang phone niya hanggang sa mapasubsob ako sa may bintana ng sasakyan.
"Sige ka, isusumbong kita kay Belle na panay pa-cute mo sa mga kasama ni Pierce sa swimming."
Pinanliitan niya ako ng mga mata bago unti-unting bumalik sa kanyang kinauupan.
"Affected ka naman diyan," pagtukso ko. "As if naman may pake 'yun sayo!"
Agad akong nataranta sa paglagay niya ng kanyang kamay sa sariling pwetan. Unti-unti siyang ngumisi kaya mabilis kong kinuha ang handkerchief sa bulsa at inilagay sa ilong.
"Bwisit ka!" Mangiyak-ngiyak na mura ko dahil kahit may panyo ay amoy ko pa rin ang mabantot niyang utot.
"Serves you right!"
.
Hindi ako makatulog matapos basahin ang reply ni Jacob kanina sa mensahe ko.
[Jacob: Come on, don't make it sound like you regret kissing me.]
Hindi na ako nag-reply dahil hindi ko alam kung ano pa ang pwedeng sabihin. Nakatulala lang ako tas ngingiti bigla hanggang sa 'di ko na namamalayan ay alas dos na pala ng umaga.
The Lighthouse opens at exactly eight kaya timing na alas otso din ang dating ko. Wala akong tulog pero buhay na buhay pa rin ang sistema ko.
"Oy, ikaw ah."
"Galing mo, Eve."
"Bilis makanakaw, ah."
Napanguso ako at napayuko dahil sa tukso ng mga nagta-trabaho a Lighthouse. Unti-unti ay nakaramdam ako ng init mula sa leeg ko pataas sa magkabilang mga tenga ko nung makita si Sir Alaric na naglalagay ng oil mga alley. Ngumisi siya sa akin at tinataas-baba pa ang mga kilay.
"Jacob, ang aga ng prestige client natin oh!"
Agad na nagtungo ang mga mata ko sa gawi kung saan nakatingin si Sir Alaric. I saw Jacob talking to one of the coaches and my heart started pounding as he slowly shifted his stance towards us. Nakakrus ang mga braso nito sa kanyang harapan. He's wearing his usual blue-colored uniform tucked inside his brown chinos. His black shoes are shining, perfectly flourish just like his well-gelled black hair.
Natataranta akong napaatras dahil sa tagal ng pagtitig ko ay hindi ko na namamalayang nakalapit na pala siya.
There he is, standing meters away from me with his playful grin that reaches his brown hazelnut eyes.
"You look startled. Don't be so uncomfortable with me." The sweet tone of his made the rhythm of my heart ruffled.
Nung hindi pa rin ako makapagsalita dahil sa pinaghalong kaba, hiya, at pagkamangha ay hinila niya ako sa braso at dinala sa may sulok, malapit lang sa kwarto para sa mga empleyado.
"Hey, talk to me." Para akong bato at hindi makagalaw lalo na nung hinawakan niya ang magkabilang kamay ko.
"Why don't we both have a contest instead? Kung matatalo mo ako, libre kang makakalaro buong sem-break."