[Eve's POV]
I love watching Jacob play bowling. I just love his confidence and the fun in his eyes is amazing to look at.
Madaming mata ang nanonood sa kanya but he doesn't seem to mind. He smoothly released the ball and the people inside the Lighthouse gave him a round of applause. After a badger, he sat beside me and released an exhausted sigh.
"Ba't ka tumigil? You could've get a five-badger."
"Exactly. I could have or I could have not. Kung hindi rin pala ako makakatira ng strike sa panlimang frame ay sayang lang 'yung badger record ko." Ngumuso siya bago uminom ng tubig mula sa kanyang echo flask.
It's funny to think that he's already 24 but still acting like 17. Ang gaan sa loob niyang kasama.
"See? Ang baba kasi ng tingin mo sa sarili mo."
Tinuruan ako ni Jacob ng mga techniques para makaiwas sa split. He also taught me additional postures to exert greater force on the ball.
"Kinakabahan ka? Come on, Eve. Nakapag-District Meet ka na, you don't have to feel nervous. It's just me."
No, Jacob. It's not just you. I'm nervous because of you. I like you and I am afraid to mess up in front of you.
Komportable ako kasama si Jacob pero sa tuwing manonood na siya sa paglalaro ko ay kinakabahan ako at hindi makapag-focus.
"Damn!" Mura niya at mabuti na lang at nasalo niya ako. Masyado akong lutang at kinakabahan na hindi ko namalayan na lumampas na pala ako sa linya. The alley is so slippery because of the oil used for the ball to glide kaya delikado kapag umapak ka.
"Let's take this off. I'll ask for a new one." Nakatulala lang ako at hindi makapagsalita habang pinapanood siyang hubarin ang sintas ng sapatos ko. The shoes are filled with oil kaya kailangang palitan.
Tumayo na siya at naiwan akong umiinit ang pisngi. Naghaharumentado ang puso ko at ramdam ko pa rin ang init sa mga paa ko na hinawakan niya kanina.
"N-nasaan na yung sapatos?" Napalunok ako matapos nauutal siyang tinanong.
"Let's take a break. Come on, libre ko."
Kagat ang labing sinuot ko na ang crocs ko bago sumunod sa kanya. That white shiny smile of his can never make me say no.
"What do you want?" Tanong niya sa akin habang parehos naming pinagmamasdan ang mga stands ng iba't ibang pagkain sa food court.
"Waffles, pwede 'ba?" Nahihiya kong tanong. Hindi ako nakapagdala ng extra para sa pagkain. I only brought the exact amount to pay for five games.
"Oo naman, ano pa? Dagdagan mo."
"Nah, 'yan lang."
Jacob bought me two bavarian waffles and an iced tea, while he bought himself a slice of pizza.
Habang nag-uusap kami ay hindi ko maiwasang mapansin ang iilang mga taong tumitingin sa gawi namin, more like nakatingin kay Jacob. Aliw na aliw lang ito sa pagkwento ng kung ano at hindi pinapansin ang paligid.
He's attractive. He has a natural fair skin and side fringe dark brown hair. His jawline is so perfect in my eyes especially with his few facial hair that made him even look mature and hot.
His presence is perilous but the moment you hear that sweet and gentle voice of his, all the intimidation fades. Nararamdaman mo na lang na sobrang secured ka sa kanyang tabi. He's fun to be with and it'll be too late to realize that you already fall for him. Yes, you will for him so easily... like I did.
"I'm only good in angles and speed in real situations pero kapag sa papel lang na sinasagutan ay nahihirapan ako." I explained. Our class just ended and I went straightly to the Lighthouse.
Jacob is helping me do my maths in my breaks. Wala naman masyadong naglalaro dahil weekdays. Sunday talaga ang araw na puno ang Lighthouse at Sunday din ang araw na tinatamad akong maglaro.
"Paano mo 'yun nagagawa?"
"Ang alin?"
"Pag-estimate ng angles sa laro mo pati na rin ng speed."
"At first may variable ako sa starting point which is zero degrees, iyun ay kapag hindi ko pa nabibitawan ang bola. As the ball goes to the right the angle increases. Like for example," tumayo ako kumuha ng bola para ipakita sa kanya ang ibig kong sabihin.
"I'll go for the right pocket pero sa gitna tumama which causes the pins to split, I will take note of the curve that the ball made which is five degrees. Ia-adjust ko 'yung speed para hindi mag-curve ang ball at diretsong tatama sa right pocket."
Bumwelo ako at mas nilakasan ang pagtulak sa bola. Mabilis itong pumadaosdos sa right pocket at tinamaan nga ang mga pins. Tatlong pins na lang ang natira sa kabilang pocket.
"Your adjustments are concise." Humahangang ani Jacob habang tinatanaw pa rin ang tatlong pins na nakatayo.
"Yeah, but not always. Kadalasan ay chamba lang."
Habang tumatagal ako sa laro ay nagiging komportable na ako kapag nanonood si Jacob. Whenever I missed a strike, he would tell me that it's okay... that not everything needs to be perfect. Things just need to be the way it is.
[Jacob: not coming over?]
Napangiti ako nung mabasa ko ang kanyang mensahe. Nagtipa ako ng reply habang naglalakad kasama ang barkada.
[Me: Hindi muna, gagala ako kasama ang barkada.]
[Jacob: Okay, have fun! :)]
"Nasaan na 'ba si Lea? Akala ko ba kanina pa siya rito?" Kamot sa ulong tanong ni Ron nung hindi makita si Lea.
Panay lingon namin at hanap sa kanya pero natigilan kami nung makita siyang may hawak na tray sa loob ng isang fastfood chain. Napanganga kami at hindi makapaniwala sa nakikita.
"Shutangina, kanina pa kami naghihintay, nandito ka lang pala." Nakasimangot na hinarap siya ni Pierce nung makapasok kami.
"Ang bagal-bagal niyo, yan tuloy naghanap na lang ako ng trabaho." Reklamo niya at napanguso.
"Seryoso ka, Lea? Does your parents know about this?" Nag-aalalang tanong ko. I wonder what her Mom's reaction would be if she sees her only princess working in a fastfood chain wearing a hairnet.
"I bet your Mom would go crazy if she sees you here."
"I don't have any choice. Mas makakalaro agad ako kung iipon ako ng pera at sa ibang court na lang maglalaro." Nagkatinginan kami sa sinabi niya.
"Lea, maybe you should just focus more on your studies–"
"Lea!" Napalingon kami nung may tumawag sa kanya at nakita ang isang babaeng nakasuot ng apron, may suot din siyang hairnet kaparehos nang kay Lea.
"Got to go back, may trabaho pa ako. Kayo na lang tumambay muna," she smiled and waved at us before walking away, leaving us dumbfounded and in disbelief.