[Eve's POV]
Mabuti na lang at maagang umalis ang mga kapatid ko kaya naman sobrang payapa na ng araw kahit hindi pa naman nagsisimula, maliban na lang sa hapdi na nararamdaman ko sa aking binti.
Paika-ika akong nag-commute at humaharentado pa ang puso ko. Habang papalapit sa Lighthouse ay nagdadalawang-isip ako kung tutuloy ba ako, thinking about the things that happened... I bet all those employees are gossiping about me.
I've spent time with them, kilala naman nila ako... pero paano na kung– ahh! I've always been indecisive.
Since nakapagbitaw na ako ng salita kay Jacob, kailangan kong tuparin iyun. Plus, I've missed him! Parang gamot na rin... I felt drained these past few days.
Pagpasok ko sa Lighthouse, agad akong napatingin sa mga empleyado para tingnan kung pinag-uusapan ba nila ako matapos ang nangyari pero busy silang lahat sa kani-kanilang mga trabaho.
"Jacob?" Patanong na tawag ko habang nakatitig sa lalaking nakatalikod sa akin, nakasuot ng kulay puti na polo shirt na naka-tucked in sa kanyang faded chinos.
Unti-unti siyang humarap at napaawang ang labi ko dahil halos hindi ko na siya makilala. Isang linggo pa lang siyang nawawala pero madami na ang nagbago sa facial features niya. His muscles grew quite a bit and from tan, parang pumuti siya. Nagpagupit na rin siya, not that he needed it.
"I missed you," he sweetly said and he was the one who came running to me. I found myself locked between his arms. I felt butterflies streaming around my stomach as I inhaled his Tom Ford perfume.
"Thank you," maluha-luhang ani ko at niyakap siya pabalik. "For coming back."
He chuckled and pulled away from me. I can't help but be mesmerized by his expressive eyes, it's so soothing to look at, parang nawawala ang mga problema mo sa isang tingin lang.
"I'll always come running back to you, Eve." Napanguso ako para pigilan ang aking pagngisi nang guluhin niya ang buhok ko.
"Let's play. I want to see your improvement while I was away." Agad na nabura ang ngiti ko sa kanyang sinabi. Nakatalikod siya kaya hindi niya napansin ang pagbabago sa reaksyon ko.
"Eve?" Tawag niya nang hindi ako sumunod. Mabilis kong binalik ang ngiti ko at sumunod sa kanya.
"T-tara."
He was the first one to play and it was a strike just like what I expected. Inuwestra niya ako patungo sa ball holder at napatulala na lang ako sa mga bolang nakahilera roon. Napalunok ako at 'di sadyang napaatras nang unti-unting lumalabo ang aking paningin.
"You know what, let's get out of here. We can have a date... anywhere you like." I was speechlessly relieved for what Jacob said.
Umangat ako ng tingin sa kanya at kahit nakangiti siya ay pansin ko ang kanyang pag-alala.
"Tara?"
Everything about him makes my life so peaceful, so worthy to live it. Hindi niya ako pinipilit at sobrang naiintindihan niya ako kahit hindi ko pa sabihin.
"Saan mo gusto?" Tanong niya nang makalabas na kami ng Lighthouse.
"K-kahit saan," nahihiyang sagot ko.
"Nakapunta ka na sa Seaside?" Agad akong napailing na ikinangiti niya nang malawak.
"Great! Doon tayo."
.
First time kong nakasakay sa kanyang sasakyan at hindi ko maiwasang tuksuhin siya dahil sa kalat sa backseat. May mga popcorn na nagkalat doon, wrappers ng candies, and even mga polbo.
"Were you guys partying inside your car?"
"Mga kaibigan ko lang. Alam mo naman ang mga nagaganap kapag lahat kayo lalaki sa barkada." Tumawa siya at parang napahiya rin dahil nakalimutan niyang linisin bago ako pinapasok.
Seaside was just three miles away and we got there fast since Jacob is an expert driver.
Agad na napaawang ang labi ko nang makapasok kami sa gate ng Seaside. It's a seaside obviously but with a lot of stands, restaurants, there were also playgrounds and arcades. There were lights hanging everywhere on the palm trees, hindi nga lang gaanong obvious since sobrang aga pa.
Wala rin masyadong tao since gabi talaga siya dinudumog. Kakaonti lang, kahit open din ang dagat ay walang naliligo. The highlight of this place are the foods. I've heard it from my classmates but I wasn't that really interested, the same with my friends kaya hindi pa kami nakakapunta rito.
Bumili si Jacob ng buko juice at nachos. Umupo kami sa ilalim ng puno kung saang merong mga bench na mapagtambayan. Jacob put the snacks between us and I heard him let out a sigh.
"Bad things happened while I was away." It wasn't a question. It's more like he's talking to himself.
Napalunok ako at sumulyap sa kanya, agad akong napayuko at kumuha ng nachos nang makitang nakatitig siya sa akin nang may pag-alala sa kanyang mga mata.
"Tell me, Eve."
Mabilis akong napailing. "It doesn't matter now, Jacob. It's fine. Nandito ka na." I smiled to assure him that I'm fine but he wasn't buying it.
"What about that? Tell me." Tinuro niya ang naka-band aid kong binti. The cut wasn't that wide but it was deep, I guess swerte ako at hindi natamaan ang buto.
"Nadapa ako. You know how clumsy I am." I tried faking a laugh but it was obviously fake. I'm not good at anything especially acting.
"Was Caleb that harsh to you?" Mariin akong napakagat sa labi ko nang banggitin niya si Caleb. Parang may bumara agad sa lalamunan ko at halos hindi ako makapagsalita. Takot akong magsalita dahil sigurado akong iiyak ako. Ngayon pa nga lang ay ramdam ko na ang pamumuo ng mga luha sa gilid ng aking mga mata.
"It doesn't matter." Halos hindi ko na makilala ang sarili kong boses nang mabasag ito.
"It does matter, Eve. You matter. You were improving and when I came back, you're suddenly afraid to touch the ball."
Tears started rushing down my cheeks because of the softness in Jacob's voice. It was one of the things I missed. Hindi ako sinisigawan tulad ng ginagawa ni Caleb at ng mga kapatid ko. I feel understood and it breaks my heart out of longing.
"Eve," pumunta siya sa harap ko at pinunasan ang mga dumadaloy kong luha. Tumawa ako nang makita ang taranta sa kanyang mukha.
"I just missed you. Wala 'to." Suminghot ako.
"I know you're lying."
"I just... can't say it." Para akong baliw. Mula sa umiiyak na natatawa ngayon ay napahagulgol naman ako. "Check the CCTV if you want."
"Okay, I will. Sa ngayon, umiyak ka lang muna. Nandito lang ako, Eve." Jacob planted a kiss on my forehead before messing with my hair.