"Hiwalayan mo ang pinsan ko at wag na wag ka ng mag papakita sa kanya kahit kailan. Lumayo ka kay Rondell bago pa may mangyari sayong masama Zianah" Lumunok ako ng laway at pilit sinisink-in sa utak ko yong sinabi niya pero kahit nag sink-in na ito sa utak ko para parin akong nabato sa sobrang gulat. Hindi ko alam kong anong maging reaksyon ko dahil kahit anong pag iisip ko na nag Jo-joke lang ba siya sa sinasabi niya, di ko magawa dahil walang bahid na joke sa mukha niya. Kundi seryosong-seryoso ito. "Hindi sa ayaw ko sayo.. kundi inaalala ko lang ang kapakanan ninyong dalawa. The truth is gusto kita para sa pinsan ko pero hindi pwede na mapapahamak kayo" sabi niya ulit Kahit naguguluhan ako sa sinasabi niya umiling-iling ako ng sunod-sunod. "Ayaw ko! ayaw kong hiwalayan si Rondell.

