Zianah POV Para akong nabato sa kinatatayuan ko habang pabalik-balik ang tingin sa batang nasa harap ko at kay Rondell. Parang nanunuyo ang lalamunan ko na dahan-dahang sinisink-in sa utak ko ang nakikita ko ngayong bata. Di ko alam kong anong gagawin ko. Para akong namanhid sa di ko malamang dahilan. Gusto kong tumakbo at lumayo kaso di ko maigalaw ang dalawa kong paa. Parang nabato na ito sa semento. Totoo ba talaga ito. Si Rondell may anak na, paanong nangyari yon. Hindi ko akalain na ang bilis niyang kalimutan ako, ang bilis niyang makalimot, ang bilis niyang palitan ako. Samantalang ako hanggang ngayon mahal ko parin siya. Walang gabi na hindi ko siya iniisip tapos siya may anak na agad. "Good for you" sabi ko kay Rondell at tinapik ang balikat niya. Nagpapasalamat ako dahil hind

