Pawisan at pagod ako nang makarating sa opisina ng aming kumpanya. Matapos ang kasal kahapon, umaasa akong magiging maayos ang lahat, ngunit pagpasok ko sa opisina, tila nagdilim ang paligid ko.
Ang lobby ng Montenegro Corporation ay puno ng mga armadong lalaki. Mga kalalakihang mukhang sanay sa gulo, ang bawat isa ay may baril na nakasabit sa kanilang mga balikat. The hallway is full of scattered papers at halatang sinira nila ang mga computers at mga paintings sa wall.
Ang mga empleyado namin ay nagkalat, takot at nanginginig sa gilid. May mga sirang kasangkapan, mga basag na salamin, at mga nagkakalat na papel sa sahig.
Mabilis akong tumakbo patungo sa opisina ni dad. Habang papalapit ako, naririnig ko ang mga sigawan at pananakot mula sa loob.
Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang isang eksenang hinding-hindi ko makakalimutan.
Si Papa, nakaluhod sa harap ng isang malaking lalaki na may hawak na baril. Ang lalaki, na tila boss ng mga shark loan, ay mukhang galit na galit at hindi magdadalawang-isip na saktan ang aking ama. Ang mga tauhan niya ay nakapaligid, handa sa anumang oras.
"Ano’ng ginagawa mo dito, Isabelle? Bumalik ka sa labas!" sigaw ni Papa nang makita niya ako. Puno ng sugat ang kaniyang mukha. My heart immediately beat fast.
Pero hindi ko siya pinansin. Lumapit ako sa lalaki, hindi alintana ang takot na nararamdaman ko. "Ano po ang kailangan ninyo? Bakit niyo po ginagawa ito sa amin?"
Tumawa nang malakas ang lalaki, isang halakhak na puno ng paghamak. "Ah, so this is the famous Isabelle Montenegro. You look beautiful as they say. Alam mo na siguro. Your father owes us a lot of money, and we need it now."
Naramdaman kong nanlalamig ang buong katawan ko. Alam kong may utang si Papa, pero hindi ko inakalang ganito na ito kalala. Threatening him this bad is a crime.
"Please, give us more time. Magbabayad talaga ako, I promise."
Muling tumawa ang lalaki, pero may halong kabangis sa kanyang mga mata. "Time? Do you think we have time? We need our money now, or else..."
Lumuhod ako sa harap ng lalaki, nakakalimutan na ang lahat ng pride at dignidad. "Please, give us a chance. I will do anything. We just need a little more time."
Nakita kong nagulat ang lalaki sa ginawa ko, pero hindi siya nagpakita ng awa. "Anything, huh? Okay, here's the deal. You have until the end of the month to pay us back. If you fail, I will destroy your family's name and your father's face."
Tumango ako, walang pag-aalinlangan. "I understand. We will pay you. Just please, leave us for now."
Ngumiti ang lalaki, isang ngiting puno ng pananakot. "Good. I will hold you to that promise, Isabelle. Don't disappoint me."
Pagkatapos noon, umalis na sila, nag-iwan ng isang nagkawasak na opisina at takot na takot na mga empleyado. Agad akong lumapit kay Papa, tinulungan siyang tumayo. "Papa, we need to get you to the hospital."
Umiiling si Papa, pero kita ko ang sakit at pagod sa kanyang mukha. "Isabelle, I'm so sorry. I didn't want this to happen. Wala na akong nagawang tama"
"Huwag ka nang magsalita, Papa. Kailangan nating lumabas dito."
Habang tinutulungan ko siyang makalabas, nakikita ko ang mga mata ng mga empleyado namin, puno ng takot at pag-aalala. Kailangan kong maging matatag para sa kanila, para sa aming pamilya.
Mabilis naming narating ang ospital. Habang hinihintay ko sa labas ng emergency room, hindi ko maiwasang mapaluha. Ang dami nang nangyari, at ngayon, kailangang solusyonan ko lahat ng ito.
Nang makalabas ang doktor, sinabi niyang kailangan ng pahinga ni Papa. Bumalik ako sa kanyang tabi, hawak ang kanyang kamay. "Papa, gagawin ko ang lahat para maisalba tayo. I promise."
Tumango si Papa, ang mga mata niya'y puno ng luha. "I trust you, Isabelle. I know you can do this. I'm sorry for everything, darling"
Kahit na hindi siya naging perpektong ama ay alam kong ginawa ni Papa ang lahat upang mabuhay ako simula noong na aksidente ako at si mama.
At doon, ipinangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat. Kahit gaano kahirap, kahit gaano kasakit. Para sa aming mga tao, para kay Papa at sa mommy ko.