Pagkagising ko ay agad-agad akong napatayo sa sofa. Hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako kagabi. I did not even notice I was crying. Naramdaman ko nalang na sinisipon na ako ngayon.
I also noticed na ang basa kong damit ay hindi ko na suot. Suot kona ngayon ang isang t-shirt at isang pamilyar na amoy.
"Leo!" Galit kong sigaw at padabog na pumunta sa masters bedroom namin.
Wala talagang pakealam ang lalaking iyon. I know that he is my husband, pero sa isang papel lang naman iyon. Wala parin siyang karapatan na hawakan ako o kahit na anong gawin niya sa akin.
Hindi rin naman first time niyang makita ang katawan ko, we have our days noong kami pa. We have our fun pero iba na ngayon. Hindi na kami at wala nang namamagitan sa amin. At bakit nagmamalasakit siya ngayon sa akin? Hindi ba iniwan na niya ako noon?
When I reached the room, pumasok kaagad ako dahil bukas naman ang pinto. Nakita ko agad si leo sa higaan.
Leo was lying on the bed, topless. Natutulog. Sobrang lamig ng kwarto na kahit sa paghakbang ko ay nanginginig ang mga tuhod ko.
I scanned his face on the side of the bed, mukha siyang batang maamo na natutulog. Mas lalo akong nainis dahil kahit anong gawin niya ay sobrang gwapo parin niya.
His room was as big sa kwarto ko sa naunang bahay namin. It is my mom and dad's first ancestral home na ipapamana sana nila sa akin at sa susunod na henerasyon ko. Ang lakalia Mansion.
But sadly, naibenta rin namin iyon noong maliit pa ako dahil naging board of member na si dad noon sa company ni lolo at kailangan naming pumunta palagi sa city. I wished I could buy that house again. Pero palagay ko ay hindi na. Sa laki ba naman ng utang namin ay panigurado akong kahit gate ay hindi ko ma-aaford.
Napaisip kaagad ako kung anong igaganti ko sa lalaking ito. As I slowly reach his face para takpan sana iyong ilong niya ay bigla niyang hinawakan ang beywang ko at inilagay sa gilid sa kama.
Bumilog ang mata ko at dali-daling tumayo sa gilid.
"What are you doing, asshole?" Galit kong pagkakasabi at tinakpan ang katawan ko gamit ang aking mga kamay.
Nakasuot lang pala ako ng panty at t-shirt. I wasn't wearing any bra at alam kong kitang-kita niya ang dibdib ko.
He slowly moved and opened his eyes. Napaayos siya ng upo, habang nakasandal ang likod niya sa kama. Tiningnan niya ako ulo hanggang paa. His face didn't show any emotion.
"Don't act like I didn't see every inch of you" sabi niya at ginulo ang buhok.
Ang kapal ng mukha.
"Excuse me... that was before. Don't ever mention out past or else you would regret it. "
Simula ng magkita kami
"Ugh... it's still early in the morning, Isabelle. You're filling the house with your loud voice. "
He sighed and was going to close his eyes again when a sudden noise was heard from downstairs.
"Leo! Isabelle!" A familiar voice called us.
I was shocked at hindi alam kong anong gagawin.
Naririnig ko na ang boses ni Mrs. Lazara na papalapit sa kwarto namin.
Mrs. Lazara is a sweet lady at sobrang mahinhin. Manang-mana si Leo sa kaniya. She also has green eyes at matangkad. Kahit pa noong kami pa ni leo, Mrs. Lazara was always sweet to me at mabait, parang hindi makakabasag ng pinggan.
Contrasting to Leo's dad, Mr. Lazara ay medyo may gulang narin at maagang nag retired kaya ang mga ari-arian nila ay si Leo na nagmamanage. Ang pagiging grumpy at snobber ni leo ay namana niya sa kaniyang dad.
Hindi alam ng mga magulang namin na peke lang ang kasal o ang lahat ng ito.They all just know na nagkabalikan kami at nagpakasal agad. I know how sinful it is, pero wala akong choice. Alam kong magagalit ng lubusan ang pamilya ni Leo kapag nalaman nila ang katotohanan.
Kinuha ni Leo ang kaniyang boxer sa cabinet at sinuot.
"Ano ba, Leo? Pwede bang sa banyo ka na lang magbihis?" sabi ko, medyo inis.
"Bakit? Eh mag-asawa naman tayo, 'di ba?" sagot ni Leo, sarkastiko ang tono.
Sa gitna ng pagtatalo namin, biglang bumukas ang pinto at pumasok ang mga magulang ni Leo. Nagulat ako at agad kong binago ang aking reaksyon. Kailangan kong magkunwari na sweet kami ni Leo. Kaya, bigla akong lumapit sa kanya at umupo sa tabi niya sa kama.
"Ay, nandito pala kayo! Ang tagal niyo namang hindi dumalaw," sabi ko, pilit na nakangiti habang niyayakap si Leo.
Nakita ko sa sulok ng mata ko na natawa si Leo sa ginagawa ko. Ngunit bago pa siya makapagsalita, kinuha ng nanay niya ang polaroid camera at kinuhanan kami ng litrato.
"Ay, ang cute niyo naman! Perfect couple talaga kayo," sabi ng nanay ni Leo, tuwang-tuwa.
Napilitang ngumiti si Leo at niyakap ako ng mahigpit, sabay bulong, "Next time, mag-usap tayo ng maayos kung ayaw mong malaman nila ang katotohanan."
Tumango lang ako at nagpanggap na masaya habang hawak-hawak ang kamay niya. Kung wala lang ang parents niya kanina ko pa ito tatadtaran ng suntok. Sana matapos na itong palabas na ito.