**** Reyson's PoV ****
Ouch! sh*t! mabilis kong daing ng may isang bagay na tumama sa aking mukha.. Napa balikwas ako ng magising sa ilalim ng puno. F*ck! naka tulog pala ako piping usal ko sabay tampal sa aking noo..
Nilingon ko ang bagay na tumama sa aking mukha isang laruan "it's a remote control airplane toy" tumayo ako at tumingin tingin sa paligid ngunit wala naman akong makita na bata at isa pa gabi na para mag laro at mag palipad ng laruang eroplano..
Napag pasyahan ko nalang na bumalik sa villa dala dala ang laruan na eroplano papasok na sana ako sa villa ng makita ko si Amethyst sa isang gilid may kahalikan na isang lalaki.. I don't care kung ano ang gusto nyang gawin kaya't dumaan lang ako na parang wala lang... I didn't even bother to look at them basta langa ko lumakad papasok..
Uy pare san ka galing?? tanong ni Francis na nasa hallway pababa ng hagdan..
Dyan lang nag pahangin sa labas san kayo pupunta??
Dyan din sa may tabing dagat mag iinom kami ni clark sama kana bro.. pag yaya pa nito na agad ko naman tinanguhan..
Ohh andyan ka lang pala Rey hinanap kita sa kwarto mo saad nito sabay tingin sa hawak kong laruan.. ohh di mo naman sinabi na gusto mo pala ng laruan eroplano sana binilhan kita.. dagdag pang aasar pa nito..
No! Nahulog lang to sa kung saan at dinampot ko. matabang kong ani..
Let's go inom na tayo at bukas ay uuwe na tayo kailangan na natin sulitin ang araw.. ani ni francis bago kami lumakad palabas ng villa.
Nang makarating kami sa bandang Pang pang ng dagat ay inilipag ni Francis ang dala dala nitong case na nag lalaman ng beer in can na naka sawsaw sa tubig na may yelo..
Ako na man ay dala ang eroplanong napulot ko at basta na lang umupo sa buhanginan at kumuha ng isang lata ng beer..
Alam mo bro? kung ako sayo hahanap na ako ng ibang babae na mag papasaya sa akin.. biglang sambit ni Francis na ngayon ay nakaupo na rin pala gaya namin ni clark at may hawak na beer..
Kaya nga bro! ang hirap ng mag isa at malungkot magiging masaya ka naman kung gugustuhin mo lang e ikaw lang kasi e masyado mong ikinukulong ang sarili mo sa isang taong wala na at malabo mo ng makita pa.. dagdag naman ni clark..
You two know my answer about that so please don't mention it again.. I can decide on my own.. time will come sagot ko sa mga ito..
Pero pare.. payong kaibigan lang hindi kana pa bata syempre kailangan mo ng anak na mag mamana sa mga nasimulan mo na.. ako plano ko na rin mag seryoso hahanapin ko lang muna yung tamang tao.. sambit ni Clark bago yumuko..
Gaya ko ay Minsan na siyang sumubok sa pag ibig pero natalo pa.. hindi nalalayo ang sitwasyon namin pareho ang kaibahan nga lang ang sa kanya ay wala na talagang pag asa dahil may sarili ng pamilya ang babaeng sobra niyang minahal..
Samantalang ako wala pa akong ka ide ideya kung nasaan na sya at kung ano na ang lagay ng pamumuhay nya.. The though na may sarili na rin siyang pamilya ay labis na nag papasakit sa aking damdamin..
How can I embrace the pain when the time comes na mahanap ko na sya at gaya kay clark sa oras na yun ay may sarili na rin itong pamilya.. f*ck that though..
You know Rey.. (pukaw ni Francis sa aking atensyon) I think this is the time na dapat mo na siyang kalimutan.. kasi kung patuloy kang mag papa kulong sa nakaraan walang mangyayari sayo.. mabubulok lahat ng semilya mo at kawawa lagi ang inodoro ng bahay mo.. mabilis na lumipad ang hawak kong lata ng beer na kauubos ko palang sa kanyang mukha pero na salag nya ito..
Kahit kailan ka talaga wala kang matinong sasabihin.. natatawang ani ni clark..
Napapailing nalang ako sa kaibigan kong ito.. akala mo ganyan sya na masayahin at maloko pero isa rin naman may problema sa pag ibig.. paano nainlove ba naman sa katulong.. hays..
Matapos ang mahabang oras naubos na namin ang beer may tama na rin ako at umiikot na ang kapaligiran ko ng biglang may umakap sa akin mula sa aking likuran..
Mapupungay na ang aking mata ng lingunin ko ito and dismay will read at my face at this time.. "Leave me alone Amey please! And stop pestering me".. malakas na sambit ko sabay baklas ng mga kamay niyang nasa aking bewang..
Ano bang kasalanan ko sa iyo para gawin mo sa akin to ano bang problema mo?? (malakas ding bulyaw nito sa akin kaya't tumayo ako)
.
You really want to know what did you do and my problem with you huh?? Fine! You ruin my life!! your the reason why she left me! ang babaeng nag iisang mahal ko! Now you know? are you happy now?? so please! pakiusap lang! lubayan mo ako! (madiin kong ani dito)
.
Akmang tatalikod ako ng muli nitong hawakan ang aking braso at akapin ako mula sa likod (please Reyson give us chance.. give me a chance I'm better than her don't you see?). sambit nito na lalong nag pa kulo ng aking dugo..
.
That's Bullsh*t! No one better than her.. alam mo ba ang mga sinasabi mo?? sinira mo kami para sa sarili mong kagustuhan.. How Come that you are better than her huh?? tell me?? ito lang ang itatak mo sa isipan mo! (Siya lang ang mahal ko siya lang ang mamahalin ko!) saad ko rito sabay martsa patungo sa villa..
.
Bago pa man ako makapasok ng villa I heard her shout "Your insane for nothing!" pero isinantabi ko yung at tinungo ang aking kwarto at nag kulong dito.. napaisip ako habang nag shoshower.. Paano nga kung totoong nag kakaganito ako para sa wala?? No! No! hindi ako papayag... piping usal ko..
.
Matapos kong Maligo ay nag tungo na ako sa aking kama at humiga napatingin ako sa kisame ng kwarto.. What if hindi ko na siya makita?? anong mangyayari sa akin?? naghihintay at naghahanap lang ba ako ng wala?? No! Hinding hindi ako papayag.. piping usal kong muli bago tuluyang lamunin ng antok..
****
**** Mira's PoV ****
Habang tumutugtog ng gitara sa veranda ng aking kwarto ay nag lalaro ang dalawang bata sa aming silid pero napatigil ako ng pumalahaw ng iyak ang anak kong si Dos habang nakaturo sa labas...
Hey! why are you crying uno??? tanong ko rito ng makalapit ako...
Mommy his airplane fall outside mabilis an sagot ni Isa.. That's explain why Dos hand pointing the outside area..
Okay stop crying na Dos mommy will go downstairs to pick up your toy okay?? pag aalo ko rito..
O..o.okayy.. ppo.. humihikbing sagot nito sa akin..
Stay here now I'll go downstairs ate Isa will look for you okay.. bilin ko pa sa mga ito at tinungo ang pinto palabas ng aming kwarto.
.
Nang makababa ako ay nag bukas ako ng ilaw at lumapit sa main door ng akmang bubuksan ko na ito ay lumapit si Tatay Rene..
Ohh saan ka pupunta anak?? malalim na ang gabi ah.. tanong nito sa akin..
Ahh hahanapin ko lang po ang eroplano ni Dos tay nahulog daw po mula sa veranda at nag iiyak doon sa kwarto.. sagot ko kay tatay rene..
Hay naku! namumuyat nanaman ang dalawang batang makulit.. ohh siya umakyat kana doon at ako na ang kukuha ng kanyang laruan at may kukunin din ako s alabas yoon ba yung remote control helicopter niya yun.. saad tanong nito..
Oho tay.. makikisuyo nalang po at patutulugin ko na ang mga bata.. maraming salamat po tay matulog na rin po kayo.. saad kong muli..
Sige na iha ako ng bahala. matulog na kayo at bukas aalis ang mga guest natin mag lilinis tayo.. saad ni tatay ng naka ngiti..
Sige po tay akyat na po ako.. sagot ko bago umakyat sa hagdan patungo sa aming kwarto..
Nang buksan ko ang pinto ay nakita kong nakahiga na ang dalawang kambay sa loob ng kanilang play pen.. Doon kasi sila natutulog may isang King size bed sa loob ng play pen kung saan sila natutulog na dalawa at sa tabi noon ang aking kama..
Isa isa ko silang hinalikan sa noo bago inayos ang kanilang kumot.. Ipinatay ko na rin ang ilaw sa aming kwarto at ini on ang side table lamp bago humiga sa aking kama..
This is how we used to sleep ayaw nilang tumabi sa akin dahil minsan na silang nahulog dahil sa kalikutan nila sa pag tulog since maliit lang rin ang kama ko para sa aming tatlo..
Habang naka higa ako sa aking kama ay napa tulala ako.. How are you? piping tanong ko sa aking isipan.. Kamusta na kaya siya? sana ay masaya siya ngayon.. May mga anak na kaya sila?? dagdag tanong ko pa sa aking isipan..
Hays! pinahihirapan ko nanaman ang sarili ko mahinang saad ko sabay palis ng luhang bigla nalang dumaloy sa mag kabilang gilid ng aking mga mata..
Madalas natetempt akong mag search sa socmed about him pero diko naitutuloy lagi ko nalang iniisip na mas makakabuti kung hindi ko siya iistalk o makikibalita sa kanya..
I remember my last visit on socmed and search about him ay hindi ko kinaya baby pa sila Isa at Dos noon kayat ilang araw akong iyak ng iyak hindi makakain mabuti na lamang at narito sila nanay gemma, tatay rene at si Ana..
Naging maayos ako noon ng araw araw ipaintindi ni gemma ang aking sitwasyon at ang mga anak ko. hindi nila kilala kung sino ang ama ng kambal hindi na nila kinilala at hanggang ngayon ay hindi sila nag tatanong dahil alam kong iniisip nila na baka mangyari ulit ang nangyari noon..
Habang nasa malalim na pag iisip ay hindi ko na namalayan na naka tulog na pala ako at nagising nalang ako sa malakas na iyak ng kambal.. napatingin ako sa bedside table naroon ang aking orasan it's already 3 in the morning nagugutom ang dalawa kaya't mabilis kong inasikaso ang kanilang mga bote at nag timpla ng kanilang gatas..
Matapos kong maibigay ang gatas ay tumahimik naman ang dalawa at nag patuloy na s apag tulog.. ako rin ay muling humiga at hindi rin nahirapan na bumalik sa pag tulog..