Nagising si Aya sa yugyog ng isang pamilyar na mukha. "Bish, gising na. Aalis na tayo." She groaned as she felt a quick stab of pain in her head. Nagtunugan ang leeg at likod niya matapos niyang umupo ng tuwid. F*ck! Where am I? Lalong sumakit ang ulo niya nang marinig ang malalakas na tawanan sa 'di kalayuan na mesa. Napansin niyang may katandaan na naman ang mga ito pero hindi pa rin alam ng mga ito ang tamang asal kapag mag-iinom. "Wala na bang ilalakas 'yang mga boses niyo?" saway niya sa mga ito habang minamasahe ang mga nananakit na sentido. Naramdaman niya ang paghampas ng katabing babae sa braso niya bago ito humarap sa mga sinita niya. "Sorry po. Lasing na po 'tong babaeng 'to. Aalis na po kami. Enjoy lang po kayo." Pagkatapos nitong humingi ng paumanhin ay ag

