Aya was awoken by the constant vibration of the table where her head’s currently rested onto. This again? Parang nagising na siya ng isang beses sa ganitong senaryo. Napapadalas na yata ang pag-inom ni Ana. Pero di hamak na mas tahimik ang mga katrabaho nito ngayon kumpara no’ng nakaraan. “Oh! Gising na pala ang prinsesa!” tudyo sa kanya ng isang di kilalang lalaki na katapat ng katabing kaibigan ni Ana. Nagtinginan sa kanya ang lahat. “Tinulugan mo na naman kami,” pagsakay pa ng babaeng nasa tapat lang niya. Nakaramdam siya ng pagkainis sa mga ito. Tumayo siya para mag-walk-out na sana at pumunta sa bahay ng lalaki niya. Pero nahagip ng paningin niya ang mismong lalaki sa tabi ng isang magandang dalaga. Naramdaman niyang kumulo ang dugo sa nakita. “Grabe, ang laki tal

