SHAN looks at Anzel. Naka-upo ito sa katapat na upuan. Mataman itong nakatingin sa kanya. Nakikita niya sa mga mata ng lalaki ang tapang na alam niyang meron ito. Naputol ang pagtitigan nila ng inilapag ni Kristine ang dalawang tasa ng kape. Umupo ito sa tabi ng asawa pagkatapos. “Gusto kong malaman kung bakit nandito ka, Mr. Wang?” pormal ang boses na tanong ni Anzel. Pinatili niya ang walang emosyon na mukha. Ibinaba niya ang isang brown envelop sa harap ng mga ito. “I know now what really happen years ago. May gusto lang akong malaman mula sa inyo.” Nakita niyang napakuyom si Anzel. “Ano pang kailangan mong malaman? Mukha naman nasabi na sa iyo ng ama mo ang lahat.” “Ya. Everything was will written in that contract.” Tinuro niya ang envelop na nasa mesa. “Gusto ko lang malaman kung

