"ANO BA kasi ang iniisip ng kapatid mo at iyon ang ginawa niya?" tanong ni Liam sa kanya. Nasa Dark Club sila ng mga sandaling iyon. Dalawang linggo na rin ang nakalipas mula ng iwan ng kapatid sa araw ng kasal nito si Kaze. Sobra silang naawa kay Kaze na hindi niya alam na may gusto din pala ang kanyang kapatid. He just found out that day. Kung hindi pa sinabi sa kanya ni Joshua ay hindi pa niya malalaman. Well, hindi niya masyadong nakakasalamuha si Kaze o Maze kaya talagang di niya malalaman. Kung alam lang niya, sinabi na sana niya sa kapatid at siguradong hindi iyon aalis ng bansa. "Iwan ko kay Shilo. Mahal niya iyong tao pero iniwan niya naman. Nagpakalasing nga siya sa bar namin dahil daw sa may ibang lalaking gusto si Kaze. At nakita daw ng dalawang mata niya. Hindi niya ba alam

