Phillip crushed his lips onto mine. Wala sa loob na napakapit ako sa balikat niya ngunit dagli niyang inalis ang kamay ko sa pagkakayakap sa kaniya. I have been waiting for this moment. I longed to experience the sweetness of his kiss. Bigla ay kinagat niya ang labi ko at napaungol ako sa sakit. He is kissing me so roughly that I am experiencing pain rather than pleasure.
No! This isn’t right. This is not how newlyweds are supposed to kiss.
I finally understood that this is his way of punishing me. Sinubukan kong iiwas ang mukha sa kaniya ngunit wala akong nagawa sa lakas niya. Napadaing ako sa sakit nang muli niya akong parusahan.
“P-Phillip—“ daing ko.
“Why? Isn’t this what you want, huh?” sarkastiko niyang tanong. Tiningnan ko siya sa mga mata at gusto kong pagsisihan ang ginawa. It's the first time I've ever seen him so enraged.
“W-Why are you so mad? It was my dad who wanted us to get married—“
“Because you manipulated him!” sigaw niya. Napatitig ako sa kaniya at ramdam ko ang pamamasa ng aking mga mata. Hindi ko akalaing magagalit siya ng ganito.
“Can't you just wait for someone to actually love you? Why do you have to force yourself into me? Regina, kung gusto kita sana noon pa ay niligawan kita!”
Bakas ang matinding pagkadismaya sa boses at mukha niya. His words pierced my heart like a knife. Tahasan niyang sinasabi ngayon na hindi niya ako gusto.
You’re so pathetic, Regina! sigaw sa akin ng isang bahagi ng isip ko.
I blinked back my tears. Ako si Regina Acuesta. Hindi ako ang tipong magpapadala sa galit niya. I never let anyone humiliate me.
“Phillip, kahit ano pang sabihin mo, we are married. You are mine,” idiniin ko ang bawat salita.
Lalong umapoy ang mga mata niya sa galit. The sound of his breathing got louder too. Napalunok ako sa takot ngunit hindi ako nagpadaig sa nararamdaman. I just stood there staring at him.
“You think you own me just because we are married?” mahina ngunit may bakas ng pagbabantang tanong niya. His eyes are mocking me as well.
“I have never been yours, and I never will be.”
Agad umahon ang galit ko. Wala pang sino man ang tumanggi sa akin. At alam ko kung bakit hindi niya ako magawang mahalin. The image of my step-sister's innocent face flashed through my mind.
“Bakit? Was it because of Sabrina?” tanong ko. I tried hard not to cry. Buong akala ko ay magiging masaya ako kapag ikinasal kami. Tiningnan lang ako ni Phillip. His face was blank.
“Yes, she is the one I want. Not you.”
Para akong sinampal sa tahasan niyang pag-amin. Hindi ako nakakilos. I tried everything to make him fall in love with me. Ngunit sa huli ay si Sabrina pa rin ang nagwagi. Bakit ba kailangan pa niyang dumating sa buhay ko? And now she's taken everything away from me, including the man I love.