ISANG malaking kabaliwan ang umasang mamahalin ako ni Phillip. Makailang beses na niyang sinabing hindi niya ako kayang mahalin. At dahil doon ay gumuho na ang aking kumpyansa sa sarili. Alam ko namang may kasalanan ako sa kaniya. Pinilit ko siyang itali sa kasal. Hindi ko siya binigyan ng kalayaang pumili ng babaeng mapapangasawa niya. It’s true that I am selfish. Walang lalaki ang gustong makasal sa babaeng hindi niya gusto, kung kaya nga nais ko mang ipagtanggol ang sarili ay hindi ko magawa. Wala akong magawa kundi tahimik lang na lumuha at indahin ang masasakit na salitang ibinabato niya sa akin. Pakiramdam ko lalo ay ang t*anga ko dahil sa kabila ng lahat ng iyon, alam kong gusto ko pa rin siya. Sa kaibuturan ng aking puso ay umaasa pa rin ako. Mas lalong dumudurog sa puso ko kapag

