BUHAT kay Ralph ay natuon sa akin ang mga mata ni Phillip. Lumapit siya sa akin at inabot ang braso ko. Tiningnan niya iyon at halata ang pag-ahon ng galit niya sa nakitang mga sugat ko. “What happened to you? Nahuli na ba ang may gawa nito?” tanong niya. Kunot na kunot ang noo niya at hindi ko mawari kung sa akin ba siya galit. Sinipat niyang muli ang mga sugat ko at napansin kong lalong nagdilim ang mga mata niya. “Hindi. K-Kasalanan ko naman kung bakit ako nahagip noong motor,” mahinang paliwanag ko. Halata ang pagkadismaya niya sa sagot ko. “Regina, why are you in that area?” Nag-aalala ang boses niya ngunit kalakip din niyon ay ang iritasyon. Nahihiyang sinulyapan ko si Ralph na naroon lang at nakikinig sa usapan namin. Halata ang pag-aalala niya habang nakamasid sa amin ni Phill

