NARAMDAMAN ko ang pagluwag ng mga braso ni Phillip na nakayakap sa akin. Dahil doon ay mahigpit akong nangunyapit sa balikat niya. Ayaw ko pa. Ayaw ko pang mahiwalay sa kaniya. “H-Huwag,” tutol ko. Bigla siyang natigilan. Yumuko siya at tinitigan ako. Bakas ang matinding pagtataka at pag-aalala sa mga mata niya. “Anong nangyari? Bakit takot na takot ka?” tanong niya. “P-Puwede bang umalis na tayo dito? S-Si Joshua…n-nakita ko si Kim,” sambit ko na hindi malaman kung paano ipapaliwanag ang mga natuklasan. “What? Please calm down,” aniya. Halatang nagugulohan siya sa mga sinasabi ko. Hinila niya ako paupo sa gilid ng kama. Hindi niya ako binititiwan at ipinagpapasalamat ko iyon. Ang presensya niya ay sapat para mabawasan ang takot ko. Nang makaupo ay pilit kong kinalma ang sarili. Iniis

