LABIS na kalituhan ang aking nararamdaman. Isang oras lang ay nakarating na kami sa hospital kung saan isinugod si Sabrina. Makailang beses akong kumurap habang pinagmamasdan siya. Nakatulala siya sa kawalan at tila wala sa sarili. Sa tabi niya ay si Daddy na tahimik na nakamasid sa kaniya. Bakas ang matinding pag-aalala niya. Ayaw ko man ngunit nakakaramdam ako ng inggit. Sinulyapan ko muli si Daddy, pakiramdam ko sa ilang araw lang na hindi ko siya nakita ay labis ang itinanda niya. Naroon din si Helena sa tabi niya na panay ang punas ng luha. Nilapitan ni Phillip si Sabrina. “Sab, what happened?” tanong niya sa babae. Pagkarinig sa boses ni Phillip ay noon lang si Sabrina lumingon sa gawi namin. “P-Phillip?” tila nabuhayang bulalas niya. Kitang kita ko ang pagliwanag ng mukha niya bag

