“Good morning!” Napangiti agad si Luna nang masigla siyang batiin ni Jayvee nang umagang iyon pagkagising niya. Ilang araw na rin mula nang umalis si Jaycee. Palagi naman itong tumatawag at ayon dito ay on-going parin ang imbestigasyon tungkol sa pananabotahe sa restaurant nito. Ang good news ay may development na sa kaso dahil napatunayan ngang sinabotahe ang ilang branches ng restaurant ni Jaycee. And bad news ay hinahanap pa kung sino ang nasa likod ng nasabing pananabotahe. Wala ring maiturong pinaghihinalaan si Jaycee dahil wala naman daw itong kagalit doon kaya palaisipan pa rin kung sino ang may gustong siraan o pabagsakin ang negosyo ni Jaycee. Kailangan din daw munang mag-stay pa roon ni Jaycee para masigurong hindi na mauulit pa ang mga insidente ng paglalagay ng toxic chemica

