Ilang araw pa ang lumipas pero wala siyang natanggap na tawag o text message galing kay Pablo. Hindi naman sa nalulungkot siya dahil doon pero nagtataka siya. Hindi ba nakuha ni Pablo ang calling card niya? Pero nakita pa niya itong tumakbo papunta sa direksiyon nila matapos niyang itapon sa labas ang calling card niya. Ano kaya ang dahilan ni Pablo kung bakit hindi pa siya nito kinokontak? Nagtatampo ba sa kanya si Pablo? Galit ba ito dahil basta na lang siya umalis sa park? Pero hindi naman niya puwedeng piliin si Pablo kumpara sa mga asawa niya kaya kung sakaling mauulit ang insidenteng iyon ay iyon pa rin ang gagawin niya, lalayo pa rin siya kay Pablo para maiwasan ang gulo. Hindi kaya naharang nina Jayvee at Jaycee ang kung anong text o tawag mula kay Pablo? Pero imposible. Hind

