Zennon's POV Nang matapos akong umihi ay walang pagmamadaling lumabas ako sa cubicle. Nagtungo ako sa harapan ng salamin at binuksan ang gripo na naroon. Tinitigan ko ang sarili ko. Kung makakaharap ko siguro ang past self ko, kagaya ni Gabby na hindi ako makilala, malamang hindi ko rin makikilala ang sarili ko ngayon. Biglang nagkaroon ng confidence ang mga mata ko na nag-radiate sa buong pagkatao ko. Ngayon ko lang naramdaman ang tunay na kahulugan mg salitang rebirth. Hindi lang dahil sa muli nga akong nabuhay from my past self kundi dahil unti-unti na ring nawawala ang dating ako. Wala na akong balak na ibalik ang dati kong pag-uugali. Dahil kapag ginawa ko iyon, siguradong kamatayan ko na naman ang magiging kasunod. I must cherish my life this time. Live my life properly and cho

