Zennon's POV Tahimik na tiningnan ko ang rose gold Cartier wrist watch na suot ko. Kalahating oras na ang lumilipas pero parang walang indikasyon na matatapos nga kaagad ang mga appointments ng lalaking iyon. Kung meron nga ba o wala, tanging kalangitan na lang ang nakakaalam. Pumikit ako ng mariin. Damang-dama ko ang kumakalam kong sikmura dahil sumubo lang ako ng ilang kutsara kaninang almusal. Sino bang makakakain ng maayos sa lagay na nag-iisip ka kung paano kakausapin ang lalaking tinakasan mo noon? Ano kayang masarap kainan sa labas?1 Ahh, wait. I didn't bring my wallet. Tsk. Paano ako kakain kung kahit piso wala akong bitbit? Napa-face palm na lang ako. Bahagya kong hinilot ang sentido ko. Sa sobrang pagmamadali kong makaalis kaagad sa bahay, nawala sa isipan kong magdala ng

