Zennon's "Saan ka galing?" Nakahalukipkip na tanong ni mommy noong naabutan niya akong nagluluto ng almusal sa kusina. Katulong ko sa paghihiwa ng mga gulay na kailangan ko si Clare. Ang ingay-ingay niya umagang-umaga pa lang. Ang dami niyang kwento. Nakangiting lumingon ako kay mommy. "Nakitulog po siya sa kwarto ni Ate Amelia Mam Erena. Kaya doon po kami natulog na tatlo," excited na kwento ni Clare. Naabutan namin siya kagabi sa bahay nila yaya Helen at nakikigamit ng laptop ni Amelia, kaya naman noong malaman niya na doon ako matutulog ay nakigulo na rin siya sa kwarto ni Amelia. Ako ang nahiga sa kama habang sila naman ay nagkatag ng isa pang kutson sa ibaba ng kama at magkatabi silang natulog. Iyon ang unang beses na nakatulog ako kasama ang ibang tao. Never naming ginawa ni

