"Saan ka pupunta?" "Diba may usapan kami ni hiro?" Ngiti kong sagot. "Ahhh. Muntik ko ng malimutan." Sagot naman ni agnes. Namula siyang pumasok sa silid niya at kitang kita sa mukha niya ang mga ngiti. Tuluyan na akong lumabas sa kwarto niya at naglakad palabas ng kastilyo. Wala akong nakitang kahit anino ni hiro kaya nag antay ako ng ilang minuto. Bigla ko naman napansin si Jack sa labas kaya kinabahan ako. Tumungo ako sa kaniya ng makitang walang tao sa paligid. "Anong ginagawa mo dito?" "Ahh ehh, wala lang" "Paano kung mahuli ka nila? Baka patayin ka nila. Ako dapat ang papatay sa'yo hindi ba." pagbiro ko. "Mukhang maayos ka na. Nakuha mo ng magbiro.." "Ate!" Nanigas ako ng marinig ko ang boses ni Agnes. "s**t. f**k" Tatakbo na sana si jack pero hinila ko siya. Magtatak

