Nakatikim ako ng dugo kaya't sinipsip ko lang ito hanggang sa humagod ito sa aking lalamunan. Pagkabukas ko ng mata ko ay bumungad saakin ang nakangiting mukha ni Jack. "How's sleep?" Masaya niyang tanong. Hindi ko siya pinansin at inilibot lang ang paningin. Umupo ako at nakita ang emperor na wala ng buhay habang may mga nakadikit na bato sa katawan niya. Ang ibabang parte ng katawan niya ay basa, samantalang ang itaas ay may apoy na halatang kaka-kalma lang. Nakita ko din si Damon na ganon pa rin ang itsura, malayong malayo sa nakita ko sa.... panaginip? Nakatulog ba ako? Bakit parang totoong totoo yung nangyari kanina lang. Napatingin ako sa likuran ko kung saan may mga taong naglalabas ng puting mahika sa kanilang palad na siyang pumapatay sa mga natirang kalaban. Nadoon din sila

