"Tyler, we need your help. Alam ko na pwede niyo kaming matulungan na mabawi ang kapatid ko at matapos na ang kasakiman ni Andy at ng Hari." "Tala, alam kong gustong gusto mong mabawi ang kapatid mo. Pero hindi madali ang sinasabi mo. Malakas at marami ang kakalabanin natin, at hindi ko alam kung papayag pa akong mabawasan nanaman kami" Nagpakawala ako ng malalim na paghinga dahil sa pagkadismaya. "Gusto kong tumulong Tala, the thing is, we haven't recovered yet from that huge war that happened last time." "Sobrang daming nasawi sa amin. Almost three forth of us died during the war, and it was so devastating. Maraming pamilya ang nawasak dahil doon, at ayokong isabak nanaman sila sa giyera." Naiintindihan ko siya. At alam ko na ginagawa niya ang tungkulin ng isang leader para sa nas

