"What are you?" Tanong ko nang magpalit siya ng anyo bilang ako. "I'm all of you." Sagot nanaman niya at nag palit bilang si kuya. Napaatras ako ng lumapit siya saakin. Nag palit nanaman siya bilang mama ni kuya atsaka ngumiti. "I just want to tell you that, you will be like your parents." Wika niya at nag palit ng anyo. Kaharap ko na ngayon ang lalaking palagi kong napapanaginipan. Ang aking ama. "Sino ka ba talaga?!" Tumawa naman siya saakin atsaka nag palit ulit bilang babae na nasa panaginip ko din palagi. Ang aking Ina. "Kung hindi niyo ititigil 'yang pinaplano niyo...." iling-iling niyang sabi. Nag palit ulit siya at anyo na ni Agnes ang nakikita ko. "Ako na ang tatapos sa kapatid mo." Sambit niya atsaka ako tinulak. Napahiga ako sa lupa at nakita siyang humalakhak ng mala

