ISANG sign ang taimtim na hiningi ni Rosaura. Kung hindi magpapakita sa munisipyo si Lazarus sa araw na iyon ay iyon ang sign na hinihingi niya. Kapag hindi matuloy ang kasal nila sa araw na iyon ay bukas na bukas din ay mag-aalsa balutan siya at diretsong uuwi sa San Elizario, sa kanilang mansion. Haharapin na lamang niya marahil ang tunay na kapalarang nakatakda sa kaniya at iyon ay maikasal sa isa sa mga apo ni Donya Allegra Trigueros. Nakasasalay kay Lazarus ang kaniyang huling pagpapasya. Nakasalalay dito kung uuwi na siya sa poder ng ama at tatalikuran ang nasimulan na niyang misyon. Iisipin na lamang marahil ni Rosaura na isa lamang si Lazarus sa mga taong dadaan lamang sa buhay niya at wala itong papel para manatili. At ganoon din siya rito. May mahalaga man ang nangyari sa kani

