Rocket PABALIK na sana si Rocket sa kanyang opisina ng harangin siya ng assistant nurse niya. "Dr. Ree, nagwawala po yung pasiyente sa private room." Napahinto siya sa paglakad at nilingon ang nurse. "What do you mean?" Kunot noong tanong niya na ikinalunok ng kaharap. "Eh Doc, ang sabi po kasi nya, bakit kailangan daw po nya ulit maoperahan?" Nahihintakutang sagot nito. Sumeryoso ang mukha niya sa narinig. "Tell him na tatlong bala ang nasa ulo nya. Hindi pwedeng tanggalin nang sabay-sabay dahil tiyak na pag ginawa ko yun maaga syang mamamatay." Paliwanag niya na ikinatango nito. Mabilis na itong nagpaalam sa kanya, nang mawala ito saka palang ulit siya nagpatuloy sa pagtahak sa opisina niya. Kanina pa dapat siya natapos sa ginagawa kung hindi lang dahil sa huling naging pasiyen

