Chapter 4

1635 Words
Shein TINANGHALI si Shein ng gising, pano ba naman kasi may umistorbo pa sa kanya kagabe. Tumawag lang naman ang manliligaw niya. Si Deo. Isang modelo si Deo sa kumpanyang pinapasukan niya. Pero kahit mabait at gwapo din naman ang binata. Hindi naman niya ito gusto. Sa katunayan, mas maraming dahilan nga ang ginagawa niya para lang makaiwas dito. Pero sadyang makulit din gaya niya ang binata. Hindi talaga siya nito tinan-tanan kagabi hangga't hindi siya umu-oo sa pakiusap nito. Niyayaya lang naman siya nito na kumain sa labas after ng photo-shoot nito sa studio. At dahil sumagot siya ng oo, kailangan niyang harapin ng maayos ang binata. Kainis naman! May plano pa naman siya sa araw na ito. Pupuntahan sana niya si Doc Eon. Hindi pa siya tapos sa pangungulit sa binata. Kaunti lang kasi ang naging oras niya, dahil pagod din siya kagabi sa dami ng trinabaho niya sa studio. Nagkasakit kasi ang photographer nila. Kaya siya ang pumalit. Sobrang arte pa naman ng modelo kaya halos abutin sila ng maghapon, kakaulit niya sa mga posing na ipinagagawa niya. Palibhasa kaibigan ng may-ari kaya ang lakas makapag demand. Kung ano lang ang gusto nitong anggulo ang masusunod. Na sobra talagang nakaka bwesit. Mabuti na lang kahit paano natanggal din ang pagod niya ng makita niya si Doc Eon. Aksidente lang talaga na sumabay siya sa binata. May sundo naman talaga siya, ang kaso bigla niyang nakita si Deo. At para hindi siya nito makita. Sumakay agad siya ng taxi at nagpahatid sa ospital. Kaso gabi na din lumabas si Doc. Isang oras pa niyang inantay ang binata. Napabuntong hininga siya bago sumakay sa kotse ng ama. Hatid-sundo naman siya lagi sa trabaho. Iyon kasi ang gusto ng ama niya. Hindi naman din kasi siya marunong magmaneho katulad ng ate niya na kung saan-saan nagpupunta. Hindi naman sa takot siya. Sadyang hindi pa siya handa na matuto. Kaya nga kahit gusto na siyang bilhan ng ama ng kotse, todo ang tanggi niya. Isa pa, gastos din kasi, kahit pa nga mayaman din naman sila. Ayaw niyang iasa sa ama ang ganung bagay. Gusto niya, kung magkakaroon man siya ng kotse, galing sa bulsa niya. Sariling sikap. At alam niyang matutupad niya ang lahat ng gusto niya basta sipagan lang niya ang pagtatrabaho. "Alis na po tayo Mang Lito." Kausap niya sa driver ng ama. Sumakay na siya sa kotse at habang nasa biyahe, naisipan muna niyang umidlip. Antok pa kasi siya. Trenta minutos pa naman bago siya makarating sa studio kung saan siya ang magiging photographer ng mga bagong modelo ng kumpanyang pinapasukan niya. Nang makarating sila sa studio, umasim bigla ang mukha niya. "Ang aga namang pagbisita nito." Bulong niya, nang makitang palapit sa kanya si Deo. "Good morning Shein, flowers for you." Nakangiting bati nito matapos iumang sa kanya ang hawak na bulaklak. "Good morning din, at salamat." Tipid niyang sabi na pilit ang ngiti. 'Yung date natin wag mong kalimutan." Bilin nito. Pabiro siyang tumawa habang marahang tumatango. "Hindi ko nakakalimutan, sige na may trabaho pa ako." Ani nalamang niya matapos ay nagpaalam na siya. Hindi naman na ito humabol pa. Nagmadali na din siya sa paglakad dahil baka may makalimutan pa itong sabihin. At bigla na lang ulit siyang kausapin. Mahirap na, todo iwas pa naman siya. Hindi nga niya inaasahan na pupuntahan pa siya nito sa studio. Para lang ipaalala ang pagyaya nito sa kanya na date pala nila. Na ang akala lang niya ay kakain sa labas. Napabuga na lang siya ng hangin bago simulan ang trabaho niya. **** Rocket NAPASANDAL si Rocket sa kanyang swivel chair at malalim na napabuntong hininga. Ipinikit niya ang mga mata habang panaka-nakang hilot ang sentido. Napagod siya sa araw na iyon, dahil sa dami ng dumating na pasiyente. Tatlo ang kinailangan niyang operahan simula ng dumating siya sa ospital ng ala cinco ng umaga, naging matagumpay naman ang operasyon niya sa mga inoperahang pasiyente. Mananatili na lang muna ang mga ito sa ospital hanggang sa tuluyang gumaling. At dahil natapos na niya ang duty sa araw na iyon pupwede na siyang umuwi. Pero dahil masakit pa din ang katawan niya at nadagdagan pa ng pagsakit ng ulo. Iidlip na lang muna siya bago umuwi. Papikit na ang mga mata niya ng mabulabog na naman siya dahil sa pagsulpot ni Marika. Mariin niyang naipikit ang mga mata ng paulanan na naman siya nito ng mga tanong. "Alam kong itinatago mo si Keejel sa bahay mo. Kung ako sayo ilalabas ko na sya! Hindi nya ako pwedeng pagtaguan habang buhay. Paki sabi din sa kanya na tigilan na nya ang pagtatago sa palda ng mga babae nya! At pati na din sayo. Dahil kung malalagay ka sa katauhan ko. Mahirap Rocket. Mahirap maghanap ng taong ayaw magpahanap sayo!" Mahabang salita nito sa malakas na boses bago siya basta na lang ulit talikuran. Napapikit na lang ulit siya ng mariin. Nadamay pa talaga siya. Wala siyang pakialam sa problema ng mga ito. Kaya nga siya nagbuhay binata para iwas kunsumisyon. Kaya bakit hahayaan niyang maranasan ang nararanasan ngayon ni Marika. Wala siyang balak makipagrelasyon. Hindi siya tulad ni Topas na hindi nakakatulog ng walang nakakasiping na babae, at ni Arc na baliw na baliw sa asawa nito. At lalo ni Stone na kumplikado din ang relasyon sa asawa nito. Gusto lang niya ng tahimik na buhay kung saan maayos niyang nagagawa ang trabaho niya. Prayoridad niya ang panggagamot. Wala siyang pakialam kahit tumanda pa siya ng walang kasama sa buhay. Hindi niya ikamamatay kung hindi man siya makikipagrelasyon. ** Shein DAHIL tapos na ang photo-shoot makakauwi na si Shein. Matapos iligpit ang mga gamit niya, lumabas na siya ng studio. Pero pagtapak palang ng mga paa niya sa pintuan ng studio, parang gusto ulit niyang bumalik. Hindi na niya maiwasang hindi mapangiwi ng makita niya si Deo habang nakasandal sa pinto ng kotse nito. May hawak ulit na bulaklak ang binata. At kahit nakikita niya na guwapong-gwapo ito sa suot na pants at dilaw na polo. Hindi pa rin niya makuhang hangaan ang binata. Lumunok siya bago dahan-dahang humakbang palapit sa kinatatayuan nito. Nang makalapit, tumikhim siya at pilit ang ngiti niya ng tumingin ito sa kanya. "Shein!" Masayang bigkas nito sa pangalan niya. Saka inabot sa kanya ang hawak nitong bulaklak. "Kabibigay mo lang kanina ah." Wika niya na ikinakamot nito sa ulo. "Hindi mo ba nagustuhan?" Nahihiyang tanong nito na gusto sana niyang sagutin ng oo pero hindi niya ginawa. Baka kasi masaktan ang binata. "Okay lang naman, kaso hindi ko pa naiuuwi 'yung una mong naibigay." Tipid ang ngiting sagot niya. Nagkamot na naman ito sa ulo at nahihiyang tumingin sa kanya. Nahuli pa niya ang pamumula ng pisngi nito at pagkataranta habang iginigiya siya papasok sa kotse nito. "Pasensya na kinakabahan lang, ito kasi ang unang beses na pumayag ka na kumain sa labas kasama ako." Siya naman ang nakaramdam ng hiya sa sinabi nito. Sa totoo lang makailang ulit na nga nitong tinangka na ayain siya sa labas. Pero todo tanggi talaga siya. Kung minsan nga ay pinagtataguan pa niya ito. Kaya hindi rin niya ito masisi kung ganito ang reaksiyon nito. Pakiramdam tuloy niya ang sama-sama niya. "Pasensya kana Deo sa mga pag iwas na ginawa ko." Hinging paumanhin niya habang hawak ng mahigpit ang bulaklak na bigay nito. Nakakaunawa namang ngumiti sa kanya ang binata. "Wala yon, so saan mo gustong kumain?" Napangiti na siya ng marinig ang pagsigla ng tinig nito. Yung ngiti na hindi na napipilitan. "Pwedeng sa Abby's restaurant? Gusto ko kasi ang fried chicken nila dun. Matamis at maanghang." Nangingislap pa ang mata na sabi niya. "Sure, basta ikaw." Tugon nito bago pumasok sa kotse. Siguro naman magiging masaya ang gabing iyon. ** Rocket HINDI na umidlip si Rocket ng makaalis si Marika. Nagpasya na lang siya na umuwi. Pero dahil alam niyang nasa bahay ang kapatid kaya naisipan niyang sa labas na lang kumain ng dinner. Nadaanan niya ang Abby's Restaurant. Doon na lang siya kakain. Nang maipark niya ang sariling kotse bumaba na siya at naghanap ng mapupwestuhan. Sa dulong bahagi ng restaurant siya kumuha ng pwesto. At ng makaupo, agad na may lumapit sa kanyang waiter. At hiningi ang order niya "Good evening po Sir, ano pong order nila?" "Isang chocolate mousse, fries and sweet and hot spicy fried chicken, and one order of ham and cheese burger. Paki bigyan din ako ng mineral water." Agad namang tumalima ang waiter sa order niya. Nang maiwan siya nito kinalikot lang niya sandali ang phone niya para alamin kung may mga importante ba siyang message na hindi pa nababasa. Nailing na lang siya ng puro message mula kay Stone at Topas ang laman ng inbox niya. Mga pasaway talaga! Itinago na niya ang phone sa bulsa ng suot na pantalon. Sumandal siya sa upuan at inilibot ang tingin sa loob ng restaurant. Matagal na siyang kumakain sa Abby's Restaurant. Paburito niya ang chocolate mousse. Lalo na ang fried chicken doon na pinaghalong tamis-anghang. Hindi naman talaga siya mahilig sa sweet o mga pritong pagkain. Natutuhan lang niyang kumain niyon dahil kay—Nahinto siya sa pag-iisip ng mahagip ng mga mata niya ang mesa kung saan nakaupo si Shein. Napailing siya ng makita itong masayang nakikipag-usap sa kasama nito. Nakita na niya minsan ang lalake, isa ito sa mga modelo sa pinapasukang modeling agency ni Shein. Nalaman niya iyon, nang bigla na lang siyang abalahin ni Shein. Ginugulo daw kasi ito ng lalake. Pero sa nakikita niya ngayon. Para bang may malalim nang ugnayan ang dalawa. Ang mga babae nga naman! Sala sa init sala sa lamig. Ang hirap espilengin ang ugali. Tsk! saharazina
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD