Shein NALALAPIT na ang araw ng runway event para sa mga modelo ng modeling agency na pinagta-trabaho-an ni Shein. Kanina pa siya nilalamig sa loob ng opisina ng boss niya. Habang katabi ang lahat ng mga photographer ng kanilang kumpanya na tila mga kalmado lang. Hindi niya nakitaan ni isa man ang mga ito ng takot o pag-aalala. Kalmadong-kalmado habang siya kanina pa kabado. Mas lalo siyang kinabahan ng tawagin na sila para pumunta sa conference room. Hindi raw sila mahaharap ng big boss ng kumpanya sa halip ay ang head nila ang magsasabi ng resulta para sa mapipiling photographer. Sampu lang sa kanila ang pipiliin para sa magaganap na event na gaganapin sa Russia. At labing pito silang lahat na naroon. Magagaling ang mga kasamahan niya. May ilan sa mga ito ang batikan na sa larangan n

