Kahit itinaboy siya ni Ezrah ay hindi pa rin magawang lumayo ni Scylla. Nasasaktan siya. Sobra. Mabigat sa dibdib ang mga sinabi nito pero ayaw sumuko ng puso niya. Alam niyang may hindi magandang nangyari rito na naging dahilan para makalimutan siya nito. Ngayon higit kailanman siya kailangan ni Ezrah. Kung nagkapalit sila ng sitwasyon at siya ang nakalimot dito, alam niyang hindi rin siya nito susukuan. So, she followed him around like a puppy. Kapag nagtutungo ito sa counter ay sumusunod din siya. Kapag umaakyat ito ng mezzanine ay naroroon din siya. Alam niyang alam nito na nakabuntot siya rito kahit hindi ito lumilingon sa kanya. Nakikita niya ang pagbuga ito ng hangin na tila nauubusan na ng pasensya. Naupo sa dulong table si Ezrah, nakaakbay ito kay Astrid. Nilalaro naman ng mal

