Magandang Araw sa inyong lahat! Ang parte ng librong ito ay compilation ng mga istoryang naikw-kwento sa amin ng aming mga guro at mga mag-aaral sa isang paaralan sa Nueva Ecija.
Aminin natin na lagi nating tinatanong ang ating mga guro tungkol sa kanilang mga buhay para mapahahaba ang oras at hindi nila tayo pagawin ng mga activities o kaya naman magturo ng lesson.
Ang batch namin noon ay sagana sa technique na ito. Lagi naming kinukulit ang aming mga guro na magkwento ng nakakatakot na istorya. Isa sa mga laging nakw-kwentuhan ng aming guro ay ang aming class President. Kaya naman noong wala kaming teacher sa math naisipan niyang kwentuhan kami ng mga nakakatakot na istorya na naganap sa aming paaralan.
Kung kayo ay makakaita ng statue o santo madalas ninyong mapapansin sa nakatayo ito at walang anumang ihaharang dito.Hindi din ito itatago at ilalagay lamang sa sulok lalo na kung itong statue ay ang patron o simbolo ng paaralan.
Kolehiyo ni San Juan ang pangalan ng amin paaralan. Sabi ng aming guro hindi ba kayo nagtataka kung bakit ang rebulto ni San Juan ay itinatago ng paaralan natin? tanong ng aming Presidente.
Sabi ng ilang guro dating dito din nag-aral ang statue daw ni San Juan ay nasa gitna ng ating Paaralan. Pero may ilang pangyayari daw na nakikita ito ng guwardiya at nang ibang staff na nago-overtime na gumagalaw ang rebulto o kaya naman ay tumatakbo o naglalakad ito sa loob ng paaralan.Minsan magugulat sila na wala na ito sa dating kinatatayuan niya at bigla itong sumisilip sa bawat pintuan ng classroom o kaya naman ay dumudungaw sa mga bintana.
Ginagawa nila lahat ng makakaya nila para lang hindi ito makaalis.Una nilagyang nila ito ng mga pabigat at hinarangan ng mga upuan. Pero hindi pa rin ito napigilan.Kaya itinago nila ito sa sulok ng eskwelahan, sinementuhan ang mga paa at nilagyan ng mabibigat na bato.
Sabi nila huwag kang lalapit sa estatwa kung ayaw mong manghina o kaya naman ay magkasakit sa susunod na araw.
Hindi sana ako maniniwala pero naalala ko na noong mga Grade 5 pa lamang ako. Nakisama ako sa isang handaan at sakto dahil gabi na noon isa sa mga kapatid ng aking kalaro ay nagkwento tungkol sa istoryang iyon.
Sinabi niya na may rebulto daw sa kanilang paaralan na iyon ang matagal nang itinago dahil may isang librarian na inatake sa puso matapos makitang tumatakbo papunta sa kanya ang estatwa.