Kinabukasan ay maagang naligo si Alaysha kasama si Dyne at dahil sa hindi pa gano’n kataas ang sikat ng araw ay napagdesisyunan niya na magsuot ng two piece na kulay puti. Ito ang napili niya kahapon habang namimili sila sa store. Nakita niya kung papaano napanganga si Dylan nang makita ang suot niya nang makalabas siya sa kwarto niya. “Wew! You look sexy, Mom,” komento ni Dyne dahilan para medyo mahiya siya. Ito ang unang beses na pinuri siya ng isang bata hindi dahil sa pagiging maganda niya kung hindi dahil sa pagiging sexy niya. Iba pala talaga ang pakiramdam kapag bata ang pumupuri sa ‘yo dahil nakakatuwa lalo na’t ang sabi nila ay hindi marunong magsinungaling ang mga bata. Alam niyang hindi naman lahat pero alam niyang hindi nagsisinungaling sa kanya si Dyne. “Hindi ba pangit t

