Chapter 28 - Dylan and Dyne's Plan

2235 Words

“Daddy, are you okay?” Napatingin si Dylan sa hamba ng pinto niya nang marinig ang boses ng anak niya at nakita si Dyne. Hindi niya napansin na nakabukas na pala ang pinto ng kwarto niya dahil sa lalim ng iniisip niya. Iniisip niya kasi ang mga nangyari sa buhay niya noon. Kahit ayaw niyang balikan ang mga araw na ‘yon dahil isa iyon sa masasakit na alaala ng buhay niya ay hindi niya maiwasan na maisip 'yon dahil bigla na lang itong pumapasok sa isip niya lalo na kapag wala siyang ginagawa. Kaya nga mas pinipili niya na maging busy para hindi maalala ang mga araw na ‘yon. Lumapit ito sa kanya kaya naman kinarga niya ito at naupo sila sa dulo ng kama. “Yes, Baby. Bakit mo naman naitanong?” Hinaplos niya ang malambot nitong buhok. “Tulala ka po kasing nakatingin sa bintana. Mukhang malal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD