Gaya ng pangako ni Alaysha sa dalawa niyang kaibigan ay pumunta sila ng club kinagabihan pagkatapos ng trabaho nila. Natatawa na lang siya sa dalawa dahil hindi talaga siya hinayaan ng mga ito na mawala sa paningin ng mga ito. Takot lang na takasan na naman niya. Wala naman siyang balak na tumakas sa mga ito. Sa ngayon kasi ay feeling niya ay gusto niya din magpakasaya, at magpakalasing na din dahil sa pinagdadaanan niya ngayon. Hindi lang sa pagiging heartbroken niya kay Ronald kung hindi na din ang pangungulit sa kanya ni Dylan. Mukhang may balak pa ito na i-blackmail siya. Natatawa na lang siya sa isip dahil kalalaking tao nito ay nangba-blackmail pa sa kanya na isang babae, at ito pa talaga ang may gusto na panagutan niya ito dahil sa nangyari sa kanila. Kung makapagsalita naman ay a

