Chapter 3

1287 Words
Imbes na masaya siya sa sarili niyang kasal ay malungkot ito dahil hindi masaya si brient sa simula pa lang hanggang dulo ng kasal at nag lasing pa ito sa gabing iyon. Kahit na ayaw ni brient makasama sa iisang kwarto si carmie ay nag tiis nalang siya dahil kailangan nila ngayon mag sama sa isang kwarto dahil araw. ng kasal nila. "Ugly girl umalis ka nga diyan sa baba ka matutulog tabeee.. Sa papel lang tayo kasal wag kang mag assume na tatabi ako sayo.. Lasing na sabi nito habang na kahega siya sa kama kaya parang nadurog ang puso niya habang umaalis at sa baba humiga. Humiga naman ng naka dapa si brient sa kama kaya kinuha niya ang mga sapatos at tiniis ang sakit na nararmdaman. Noong kina umagahan ay agad na nag impake si brient sa kanyang gamit para umalis "Mula ngayon na natapos na tayong ikasal aalis na ako, sa papel lang tayo kasal malaya parin akong gawin lahat ng gusto ko at malaya karing gawin ang gusto mo. Singhag nito at lumabas sa kwarto. Tinitiis nalang niya ang mga sakit na sanabi sa kanya ni brient at hindi nalang umiimik akala niya ay maangkin na niya si brient. Hindi niya alam saan siya pupunta dahil nahihiya siyang pumunta sa kaniyang ama at tito sa kanyang nagawa. Habang bitbit ang malita palabas ng Hotel ay sinalubong sila ng ama ni brient "Dito na kayo sumakay sa akin may ibibigay ako sa inyo. Nagtaka naman silang dalawa at kusang sumama laking gulat ni carmie dahil isang maliit na bahay ang kanilang pinarkingan at luxurious lahat ng gamit Sakto lang ito sa dalawang mag asawa may kusina dalawang room at dining lahat ay magagandang gamit at furniture ang nasa loob. Kaya wala nang nagawa si brient dahil hinatid na siya ng sariling ama sa bago nilang tirahan. Nag linis siya sa buong bahay pagdating nila at sa kabilang kwarto niya nilagay ang mga gamit niya dahil alam niyang hindi papayag si brient na sa iisa silang kwarto matutulog. Si brient naman ay umalis agad pag alis ng kanyang ama nagdadabog pa ito pag labas ng bahay, nilinis naman ni carmie ang kwarto ni brient at inayus ang mga gamit nito at kama kahit na ayaw ni brient sa kanilang situation ay pag sisilbihan niya ito dahil mahal naman niya ito masaya na siya dahil may matitirhan na siya kasama pa ang kanyang mahal. Pagkatapos nitong maglinis ay naghaponan nalang siya mag isa alam naman niyang hinding-hindi ito kakain si brient sa kanyang mga niluluto at maaga siyang natulog mag isa. Nagising siya sa gulat dahil may ingay sa labas ng kanyang kwarto kaya lumabas siya agad nagulat siyang lasing na lasing si brient na nakapa malapit sa pinto. Pinilit lang niyang maka abot sa bahay sa kalasingan at kahit pag sara ng pinto ay hindi na nito magawa. Agad niyang kinuha ang mga braso nito at tutulungan sana niyang ihatid sa kanyang kwarto ngunit paghawak nito ay tinulak siya nito at tumama siya sa pader kaya ramdam niya ang sakit sa kanyang siko at balikat tinuloy lang niya ang kaniyang ginagawa at pinigilan ang kaniyang luha na lumabas sa kaniyang mga mata naisip niyang sa kalasingan lang ito kaya siya natulak. Hiniga agad niya ito sa kama pagka higa ay nag salita ito kaya hindi niya na napigilan ang mga luhang lalabas sa kaniyang mga mata. "Huwag mo nga akong hawakan pangit na babae ...umalis ka at nandidiri ako sayo.... Sinabi ito ni brient kahit lasing na lasing na sa alak Parang piniga ang dibdib niya sa sakit na nararamdaman kaya umalis siya habang umiiyak at pumasok sa kwarto at doon nilabas lahat ng sakit. Kina umagahan ay gumising siya ng maaga para magluto, nag babaka sakaling mag almusal si brient Ngunit kahit na nasa iisa lang sila ng bahay ay para siyang gamit na nilagpas lagpasan lang nito ni hindi nga siya pinansin nito o tingnan man lang. "Sa susunod wag kanang mag luto dahil hindi ako kakain ng galing sayo, kahit amoy at itsura ng pagkain pangit pa din tignan kagaya mo. Singhag nito nang nakita ang pagkain sa lamesa na hinanda niya. Para siyang hihimatayin sa sakit na nararamdaman niya pinigilan niya ang luha na lalabas sa kaniyang mata. Huminga siya nang malalim nang umalis na ito sa kanyang trabaho, pagkatapos nitong magsalita. Parang wala na siyang magagawa kay brient ganyan na talaga ang trato niya sa kanya. Titiisin niya araw-araw dahil pinili niya itong pinasukan. - Haggang kaya kung tiisin ang lahat ng kanyang pananakit na salita sa akin ay mag titiis ako, baka sakaling matutunan niya rin akung mahalin o kahit pakisamahan man lang pag dating ng panahon. Araw-araw ay naglalaba ako sa kanyang mga damit at nililinisan ang kanyang kwarto para akung isang katulong dito sa bahay hindi isang asawa niya. Lahat ng ginagawa ko araw-araw ay para sa kanya ngunit ara-araw rin ay nararamdaman ko na para akung isang basura na naka pasok sa bahay para sa kanya. Natapos na naman ang araw, bandang alas singko na ng hapon. Maghahanda na ako sa aking sarili pag dumating iyon. Kailangan walang kahit anong bagay ang makikita niyang naka kalat para walang siyang masisimulang galit, baka murahin na naman ako noon pag may maliit na bagay siyang hindi nagustuhan pagadating niya. Tatapusin ko nalang din itong aking tinatahi na saya. Pag dating niya ay hindi na naman ito nag salita parang nasira na naman ang hapon niya dahil ako ang kanyang nakita, sanay na ako sa araw-araw ay ganyan ang aming sitwasyong dalawa. "Pwede ba huh.! pag alam mong oras nang uwi ko wag kang lalabas sa kwarto doon mo gawin ang iyong ginagawa, mas lalo akong napagod sa pagmumuka mo. Kung nakakamatay ang kirot ng puso siguro ay matagal na akong inouud ngayon. Pumasok ako sa aking kwarto na parang sinaksak ana aking puso. Pina bayaan ko na siya sa labas. Pag labas ko balak ko sanang uminom ng tubig ay wala nang tao ang aking nakita siguro'y pumunta na naman yun sa bar at mag papakalasing. Hindi tuloy mawala sa isipan ko na hanggang andito ako at nakikita niya ay parang imperno ang buhay niya tulad din ng nararamdaman ko sa kanya. - Nagising ako dahil may ingay akong narinig si brient na naman ito alas onse na ng gabi ay ngayon lang naka uwi. Pag bukas ko sa pintuan hindi ko masyadong nakita ang muka dahil pinatay ko kanina ang ilaw pero may dalawang taong naghahalikan sa sofa. Kumabog ang dibdib ko dahil ang alam ko ay si brient lang naman ang may alam sa door code nitong bahay. Tumitig ako ng maayus si brient nga ang aking nakikita may kasamang babae na naka pula at naka high heels ang damit kulot ang buhok nito sa likuran palang ay alam kung maganda ito. Hindi ko mapaliwanag ang sakit na nararamdaman ko habang pinapanood ang kanilang ginagawang ka baboyan dito pa talaga niya dinala sa bahay halos hawakan ko ang aking ilong sa pag iyak at singhot sa sipon ko dahil sa aking naramdamang sakit. ""aaaaahhh your so hot babe..! Halos mahimatay ako sa kakaiyak dahil sa aking naririnig na unggol nilang dalawa. "Common on baby, let's go to my room " No i want to end it here babe,sarap na sarap ba ako .. Umupo nalang ako na nakatalikod sa likod ng aking pintuan habang umiiyak at naririnig ang ginagawa nilang dalawa. "Don't worry i give you what you want but not here, let's go to my room. Magdamag akong walang tulog sa kakaiyak at ka imagine sa kanilang ginawa kahit anong gawin kung pikit at pwesto sa aki g sarili ay hindi parin ako makatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD