.....Hoyyy Carmie.... Nangangarap ka na naman ng gising ?
Nakatulala at lumilipad ang isip, habang nag mamasid sa nag lalaro ng football game si Carmie jean. Sense high school hanggat college ay grabe na ang pagka inlove nito sa campus crush ng kanilang paaralan na si Brient Xyjhone. Isa sa pinaka mayaman na college classmate niya, kahit nag aaral pa ito ay marami ng achievement na na accomplish nito sa larangan ng business. Bukod sa gwapo at matalino ito, ay magaling itong humawak sa kumpanya ng kanyang pamilya.
"Tigilan mo na nga pangangarap carmie tingnan mo nga ang sarili mo your so old fashion"
Sambit nito nang kanyang best friend na si Whenlyn nag iisa niyang kasama sa paaralan.
Isang old fashion talaga si Carmie kung manamit, naka suot siya ng T-shirt at may kasamang jacket sa loub at saya na hanggang paa ang haba dagdag pa ang kanyang salamin na parang pang 40's ang grade.
Maganda naman si Carmie cubillo matangos ang ilong at hearts shape na lips at curve ang katawan at makinis na babae dala narin sa kanyang pananamit ay parang hindi nagasgasan ang kutis nito,ngunit hindi ito napapansin dahil sa kanyang pananamit na parang babaeng 90's pinanganak.
"Tara na carmie gutom na ako kahit anong titig mo diyan ay hindi mapapa sayo yan si Brient wag ka na kasing mangarap please masasaktan ka lang.
Pilit nitong yaya kay carmie habang hinihila siya paalis.
"Alam mo whenlyn kaya nga nag aaral ako ng mabuti para makapagtapos para sa kanya.
Sagot naman nito kay whenlyn mga ilang araw nalang ay gragraduate na ito sa kanilang pag aaral Accountancy ang kinuha nito ang nag papaaral sa kanya ay ang kanyang tito na may ari ng isang banko ito ang nag papaaral sa kanya dahil ulila na sa ina si Carmie isang bakero ang kanyang ama sa sarili nitong Patty's sa probinsya.
"Kahit na makapag tapos ka carmie ay hindi ka parin mapapansin noon dahil langit siya lupa ka.
Sagot naman ng kanyang kaibigan na parati nalang siyang dini discouraged sa kanyang subrang paghanga ky Brient
kaya iniripan niya ito.
"Hale ka na nga at pumunta na tayo sa loob baka nag papractice na sila doon para sa graduation at baka nandoon narin si brient.
Kaya pumasok sila sa luob ng paaralan para mag in place sa kanilang darating na graduation.
Matalino si Carmie lalong lalo na sa math. Math major ang special course niya kaya accountancy ang kinuha niya at doon balak magtrabaho sa banko ng kanyang tito na nag papaaral sa kanya.
Walang anak ang tito niya kay itinuring siyang parang sariling anak kaya subrang comportable ng ama niya na patirahin siya nito.
Parang nanginginig ito dahil malapit siya kay brient sa kanilang line in sa graduation patuloy parin ang kanyang paghanga nito kahit ni tingnan ay hindi nga ito nagawa ni brient sa kanya parang nandiri pa nga ito dahil sa itsura at pananamit nito.
Alam ni brient na subra ang paghanga ni Carmi sa kanya dahil sense highschool up to college ay sinundan-sundan pa siya ni carmi sa pagaaral at kung top 1 itong si brient ay top 2 naman sa klase itong si Carmi kaya impusibleng hindi niya ito kilala ngunit sanay na ito dahil halos lahat ng babae ay nag kaka gusto sa kanya.
Lumipas ang ilang araw ay gagraduate na sila at lahat ng parents ay dumating sa kanilang paaralan para dumalo.
Dumalo naman ang papa ni carmie subrang proud ang tita at tito nito dahil nakatapos si carmie sa kanilang mga kamay.
Subra naman ang paghanga ng ama ni Brient sa kanya, divorce na kase ang ama at ina nito at nang ibang bansa na ang kanyang ina kaya ang ama nalang ang kanyang kasamang na mamahala sa kumpanya nila.
"Eduardo...ikaw ba yan kumusta ka na?
Sambit naman nang ama ni brient na iki nagulat ni carmie sa kanyang pag lingon dahil ang ama nang kanyang hinahangaan ay old classmate pala ng tito Eduardo niya kaya pag lingon niya ay tumitig siya kay brient ngunit kunot noo naman itong tumingin sa kanya na nakitang niyang tumitig ito kaya inalis nalang niya ang kanyang mata para hindi na ito mainis.
ooohhh..Renante ang tagal na nating hindi nag kikita okay lang naman ako sinamahan ko lang ang aking pamangkin dito.
sumagot naman ang ama ni brient at tumingin kay carmie bilang respito at agad namang sinuklian ang kanyang ngiti pati na ang ama nito.
"Hindi naman pweding mag kita tayo na hindi man lang magkakausap o magkumustahan iimbetahin ko nalang kayo mamaya sa isang dinner dalhin mo ang iyong pamilya at magka kilala naman tayo.
Agad naman umo oh ang tito eduardo ni carmie sa yaya ng ama ni brient dahil nagyon lang ito nagkita, kaya pagdating ng hapon ay sumama agad si carmie sa kanyang tito, parang mag ama na kase ang turingan nitong dalawa hindi na sumama ang kanyang ama at nag paalam na babalik na sa probinsya dahil meron pa siyang mga trabahong kailangan gawin hindi kase ito social na tao.
Pagdating nila doon ay isang pagtitipon pala iyon para kay brient dahil naka tapos na ito.
Maraming mga mayayaman ang nadoon, nahiya si carmi sa suot niya dahil napaka badoy nito, siya lang ata ang pinag titinginan roon.
Wala namang paki alam ang tito Eduardo sa kanya dahil sanay na ito, at pinapa bayaan lang siya sa kaniyang mga gusto para siyang yaya sa tita emelda niya at tito Eduardo sa tingin ng mga tao sa kanya.
Hinanap naman agad ng mga mata nito si brient, ni anino ay hindi na napansin ang presinsya niya kasama ang kanyang mga mayayaman na kaibigan.
Kumuha siya ng wine at niyarok ang isang baso gusto pa yata niyang mag lasing dahil sa nakikita niyang mga babaeng naka palibot kay brient.
Magaganda at mayayaman pa, sino ba naman siya para mapansin nito.
Ilang oras na ang lumipas ay napasarap na ang kwentohan ng tito niya sa ama ni brient, kaya naparami narin siya ng inom tulad rin brient na parang hindi na makatayo.
Nag siuwian na ang ibang bisita at dalawa narin ang natira sa kasama ni brient hindi na niya halos makita ang kanyang cellphone kung nasaan niya nilagay at ang nakikita lang niya ay si brient na hilong hilo nang tumayo at papunta sa isang room katabi ng venue sa party.
Sinundan niya ito sa patungo roon kahit na hindi na halos makatayo pag pasok niya roon ay nakita niyang nakahiga si brient sa kama.
Parang siyang isang babae sa bar na pumasok sa kwarto ng lalake.
Nilapitan niya ito hindi niya masyadong nakita dahil bitbit niya ang kanyang salamin kahit alam niya ang ginagawa niya dahil hindi pa naman siya gaanong lasing ay parang dinadala talaga siya ng kanyang mga paa palapit sa nakahigang lalake. Nilapit niya ang kanyang muka kay brient.