Chapter 15

2232 Words
Sabay kaming pumasok sa loob ng airport upang ihatid si Matt. Nakasunod lamang ako sa likod ni Zaire habang si Kim at Zaire ay kanina pa nag-aaway tungkol sa mga bagay na sila lang ang may alam. Si Matt naman ay nasa unahan na, naglalakad. Tumigil kaming apat sa paglalakad. "Matty boy, mami-miss ka namin," ani Kim sabay yakap kay Matt. Ako naman ay tahimik pa rin sa likod. Natawa ako nang agad hilahin ni Zaire si Kim at pagalitan na naman ito. "Matt, just tell Dad I miss him. And I'll visit him soon." Iyon lang, at tinanguan lamang siya ni Matt. Napatingin si Matt sa direksyon ko kaya napaayos ako ng tayo. Tinaasan ko siya ng dalawang kilay, may tanong sa mukha na "bakit," ngunit umiling lamang siya. Nilapitan niya ako, walang reaksyon ang mukha, at bigla niya akong niyakap habang may ibinulong. Natigilan ako roon, at kahit humiwalay na siya sa yakap ay hindi pa rin ako makagalaw. Tiningnan ko siya habang may sinasabi siya kay Zaire na hindi ko narinig. Si Kim naman ay nakatitig lamang sa naging reaksyon ko. Napalunok ako at pinagmasdan siyang tuluyang pumasok sa loob kung saan niya hihintayin ang oras ng flight. Usad-pagong ang biyahe pauwi ng bahay. Kahit si Kim ay tahimik lang na nakaupo sa tabi ni Zaire, dahilan ng pagkagulat ng lalaki. "Ang ingay mo ngayon, ah," sarkastikong sabi ni Zaire. Inirapan lamang siya ni Kim. "Nag-aalala lang ako kay Swan. Tingnan mo, parang namatayan ng anak," bulong ni Kim, na akala niya ay hindi ko maririnig. Tumingin si Zaire sa rear-view mirror upang kumpirmahin ang sinabi ni Kim. Pumeke ako ng ngiti. Naligo agad ako pagdating namin sa bahay. Pinaandar ko ang shower at tumayo lamang ako, letting the water run through my body. Part of me is blaming myself, if I would've known that Matt would not stay here, I should've spent every moment I could with him. But just to think that kakakita at kakakilala ko pa lang sa kaniya, he made me know where I belong. He gave me the comfort that I've been longing for. Lumabas ako ng banyo at eksaktong seven o'clock. Nagbihis agad ako at dali-daling pumunta sa school. Napag-usapan namin ni Kim na mauuna na akong pumasok dahil may meeting ang English Club. Nagsimula ito noong araw na inutusan at napagkamalan kami ni Kim ng isang member na kumuha ng folder ni Sir Lerio. Two days after, pinatawag ako sa room upang sabihing kailangan ng PIO ang English Club dahil ang dati nilang PIO ay nag-back out dahil sa personal na dahilan. Hindi na ako nakatanggi noon dahil sabi nila ay may plus points ito—at hindi basta kung anong klaseng plus points, kundi may dagdag mismo sa grade. Inaya ko si Kim, kahit member lang sana, ngunit hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ay umiling na siya. Sayang, kahit isang punto lang sana. Nakaupo ako sa pinakadulo ng mesa, nakikinig sa president. "So guys, this is gonna be so hard for all of us. Maraming clubs ang school kaya marami tayong kakumpitensya. I think it's nearly ten or twelve clubs ang sasali, and only two winners. Hindi sa nangpe-pressure ako, but we need to do our best to make our representative neat, clean, simple, but elegant. Understood?" tanong ng president. "Pres, I think we can do this and win this time. Marami na tayong natalo sa mas magagandang disenyo. And we all know that Aphrodite is the best designer. Naalala mo yung may gala? Ang design niya ang pinakanagustuhan ng mga judges," sabi ng isa. Tiningnan nila akong lahat. Seryoso ko lamang silang tiningnan pabalik, hiding my true feelings. "Yes, the peacock style. Actually, kapag peacock ang pinresenta mo, mahihirapan ka talaga dahil mahirap iyon gawin," sabi ng president habang tumitingala, parang nakikita ang peacock sa kisame. Iyon ang suot ng kaklase namin na ako ang gumawa. "Ikaw lang ba ang gumawa noon?" dugtong niya. Tumango ako. "Actually, may kasama akong kaibigan na gumawa noon, but all those designs were made by me. Hindi ko alam kung makakaya ko ang sinasabi ninyong contest. Ano po ba ang lalagyan ng design?" tanong ko. "Wala ka ba noong nakaraang meeting?" balik-tanong ng lalaking may eyeglasses. "Sorry po. Kahapon ko lang po nalaman na may meeting na pala. Ako po kasi ang PIO na ipinalit dito sa club," sagot kong seryoso at magalang. Kahit magkakaedad lang kami, mas mataas pa rin ang ranggo nila rito sa English Club. "PIO pero hindi alam ang meeting? Ang sipag at responsable naman pala ng ipinalit ni Ma'am kay Michelle," sabi ng babaeng katabi ng lalaking may eyeglasses. Ramdam sa boses niya ang hindi pagkagusto sa akin. Tiningnan ko siya—mata lamang ang gumalaw. "I'm sorry, it's my fault, Miss. Perfect. Wala akong kilala sa inyo. And Michelle, the girl you're talking about, didn't even give me one of your numbers. That is also her responsibility. And first of all, she did not even fulfill the responsibility you're talking about, right? Kaya nga siya pinalitan," kalmado kong sabi. "Wala kang alam sa pinagdadaanan ni Michelle," pasigaw niyang sagot. Halos sasabog na siya sa galit, namumula ang mukha, nanginginig ang kamay at katawan, parang gusto akong saktan. "Neither am I," I asked sarcastically. "Enough, Laila. And Miss Sanna, I hope this won't happen again. We need you here as the new appointed officer,” sabi ng president.," sabi ng president. Tumango ako. Ang tinawag niyang si Laila ay nilaro lamang ang mga papel sa harap niya at hindi sumagot. "Let's continue—" hindi natapos ng president ang sasabihin nang biglang bumukas nang malakas ang pinto. Iniluwa nito si Zaire na parang hindi nakita ang mga kasama ko. May narinig akong tumili, may nabigla, at ang iba ay napabuntong-hininga. Nilapitan ako ni Zaire at inabot sa akin ang phone. Napatingin ako sa mga kasama ko, lahat sila ay nakatingin kay Zaire. "It's Matt," rinig kong sambit niya. Tiningala ko siya at nakita kong masama ang tingin niya kay Laila. "Excusse me, can I borrow my friend? I know you all know who Mattia Niccolo Lombardi is, right?" Napatingin ang president sa kanya, saka sa akin, saka sa phone—at kalaunan ay tumango. "Okay, that's good." "And Laila, for your information, my friend is not an irresponsible person. And if you want to keep your position, shut your mouth," biglang sabi ni Kim mula sa pinto. Nabigla ako at namangha habang tinitingnan siya. Lumapit siya sa tabi ko at hinila ako palabas. Hindi siya nag-excuse at hindi niya ako pinaalam. Naiwan si Zaire sa loob, ngunit kalaunan ay sumunod din siya sa amin. "So, what's with you guys? Nakikinig kayo sa meeting namin?" direkta kong tanong. Hindi ko sila inaakusahan, pero nakita ko kung gaano kagalit si Kim kay Laila. Kim really knows what privacy means. CAT officer siya, kaya alam kong alam niya na hindi puwedeng marinig ng nasa labas ang meeting ng isang grupo. "Sorry. Kakatok na sana kami noon, Swannie, kaso narinig ko ang sinabi nung tinawag na Laila ng president ninyo," paliwanag ni Kim, kahit wala akong nakitang kahit kaunting pagsisisi sa mukha niya. Tinignan ko muna ang pangalan na nakalagay sa screen ng cellphone bago ito sagutin. "Swan..." Sabi ng boses sa kabilang linya. Napalunok ako ng laway. Hearing his voice made me miss him and his presence even more. "Hi, Matt." I said with a monotonous voice. Ayokong malaman niya na kung ano man ang nararamdaman ko para sa kaniya ngayon. "I wished we could've had proper goodbyes before I went back here." Maririnig mo talaga sa mga boses niya ang pagsisisi. I sighed. "Did you get there safely?" Tanong ko to change the topic. Itinaas ko ang mga mata at nakita ang dalawa na nakatingin na sa'kin. Ang ipinagtataka ko lang ay wala sa mukha ni Kim ngayon ang mapangtukso, at isa itong himala. Walang araw na hindi 'yan ganyan. Si Zaire naman ay parang nag aalala–kung gano'n nga, para kanino? May nalalaman ba sila na hindi ko alam? "I did, Swan." May halong kalungkutan sa kanyang boses. "I promised to come back for you, right? I'm afraid that I can't do what I promised, Swan." He continued. Nang marinig ko ang mga salita na nanggaling sa kabilang linya ay parang sinaksak ako ng isang daan na punyal sa puso. I shouldn't have expected. I should've never trusted him with my heart. Ngunit wala na akong ibang dapat sisihin kundi ang sarili ko. I've put my guard down for him and let him destroy what I've been building for years. Pilit kong pinipigilan ang mga luha na unti-unting namumuo sa aking mga mata. Yumuko ako para hindi ako makita nila ni Kim at Zaire. "Hmm..." simple kong sagot. "Sige na, may meeting kasi kami. Goodbye, Matt." I quickly bid. Narinig ko na may sasabihin pa sana siya pero pinatay ko na ang tawag. I wanted an explanation. I deserved one, right? But at the same time ayokong marinig kung ano man ang rason niya. Tama na para sa'kin ang hindi na siya babalik dito. Papalapit na sila ni Kim at Zaire sa'kin nang nakita nila na ibinaba ko na ang tawag. "Beshie..." Pag-alalang sabi ni Kim. Peke akong ngumiti sa kaniya para hindi niya ako mahalata. Tumingin ito kay Zaire at parang hinihintay niya na magsalita ito. "Aphrodite, 'wag ka naman sanang magalit kay kuya." Mahinang sambit nito. Tumango naman si Kim. "Makinig ka muna sa sasabihin ni Zaire, Swan." Kaya ibinaling ko naman ang tingin ko kay Zaire. Naghihintay sa kanyang sasabihin. Tumingin-tingin muna siya sa paligi at parang sinisigurado niya na walang makakarinig sa usapan namin maliban sa'ming tatlo. Hinila ako ni Zaire palayo sa hallway, sa bandang likod ng building kung saan tahimik at bihira ang tao, nakabuntot rin si Kim. Hindi siya nakatingin sa akin habang nagsasalita, parang pinipili ang bawat salita. "Swan," tawag niya, mababa ang boses. "May sasabihin ako sa'yo... pero hanggang dito lang." Napakunot ang noo ko. "Tungkol kay Matt?" Tumango siya, saka huminga nang malalim. "Hindi lahat ng ginagawa ni Matt pwedeng ikwento. Lalo na 'yung mga dahilan kung bakit kailangan niyang umalis." "Italy lang naman 'yon," pilit kong sabi, kahit ramdam kong hindi iyon sapat na sagot. Umiling si Zaire. "Hindi lang Italy 'yon. Hindi rin lang pamilya." Natahimik ako. "May mga bagay na kapag sinabi ko sa'yo ngayon, mas masasaktan ka lang," dagdag niya. "And there are things that are better left unsaid." "Better?" ulit ko, halos pabulong. Seryoso ba siya sa sinasabi niya? Ako ang nasasaktan dito. Ako ang naiipit. Tumango siya. "Alam kong mahalaga ka kay Matt, at mas mabuti sigurong matuto kang maghintay. Hindi dahil ayaw ka niyang balikan, kundi dahil may mga bagay siyang kailangang tapusin mag-isa." "Tapos kapag natapos na?" tanong ko. Saglit siyang tumingin sa akin, diretso, seryoso. "Kung makakabalik pa siya." Hindi na siya nagsalita pa. "Ano ba naman, Zaire? Kung makasalita ka ng ganyan ay parang wala lang sa'yo!" Galit kong sambit sa kaniya. Umalis ako papuntang room kung saan nag me-meeting kami. Hindi ko nagustuhan ang sinabi ni Zaire, at mas lalong hindi ko nagustuhan ang nalaman ko na hindi makakabalik si Matt dito as what he promised me. Nakatingin lang silang lahat ng pumasok ako ng kwarto, maliban kay Laila na iritang nakatingin sa'kin habang nasa baywang ang isang kamay. "Sana hindi ka na bumalik dito, patapos na ang meeting." She annoyingly barked. "Kung ikaw kaya ang tatapusin ko. Bida-bida ka rin eh 'no." Dahilan na nag-ingay ang ibang members ng club. Kinuha ko ang gamit ko at umalis na ng room kahit hindi pa sila tapos. Nang nakalabas ako ng room hindi ako makapinawala sa sarili na nasabi ko 'yon. Hindi ako ganyan. Hay nako, Swan. Habang naglalakad ako papunta gate, narinig kong tinatawag ako ni Kim at hindi ko na siya pinansin. Susunod rin naman sa'kin 'yan. "Swan, gusto mo bang sa bahay muna matulog?" Tanong niya sa'kin habang pauwi na. Hindi ako sumagot. Wala akong ganang makipag-usap, sa nangyayari, sa lahat-lahat. Literal na gumuho ang mundo ko. Hindi na ako nagsalita hanggang makarating kami sa bahay. Tahimik ang buong sasakyan, ibang klase ang katahimikan na parang may nakabitin sa hangin, mabigat at nakakasakal. Kahit si Kim, na sanay mag-ingay kahit kailan, ay hindi na nagbiro. Pagkababa ko ng sasakyan, diretso akong pumasok. Hindi ko na hinintay na sundan nila ako. Hindi ko na rin hinintay kung may sasabihin pa sila. Isinara ko ang pinto ng kwarto ko at isinandal ang noo ko roon. Doon lang bumigay ang mga tuhod ko. Dahan-dahan akong dumulas pababa hanggang sa nakaupo na ako sa sahig, yakap ang sarili kong katawan na para bang may mawawala kung bibitawan ko. Pilit kong pinipigilan ang hikbi, tinatakpan ang bibig ko gamit ang palad ko para hindi marinig ng kahit sino. Hindi ka na babalik. Paulit-ulit iyon sa isip ko na parang isang sirang plaka. Hindi ko alam kung alin ang mas masakit, ang umalis siya o ang aminin niyang hindi na niya kayang bumalik. Tumayo ako at tinignan ang kama. Nandoon pa rin ang hoodie na minsan niyang iniwan nung birthday ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko pa iyon tinatanggal. Dahan-dahan ko iyong dinampot at inilapit sa mukha ko. Nandoon pa rin ang ang amoy ng perfume sa hoodie niya. At doon na tuluyang bumuhos ang luha ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD