Tumakbo ako papunta sa malapit na CR ng girls para magtago dahil hindi ko na kaya ang kahihiyan na nangyari kaninang umaga. Alam kong mali ang mga nagawa ko ngayon dahil, una, late na akong pumasok. Pangalawa, nabugahan ko ng tubig si Matt, and what's worse is, sa mukha niya lahat napunta. At lastly, dapat sa klase ako pumasok, hindi sa CR.
I frustratedly pinched the bridge of my nose as I looked at my reflection on the big mirror in front of me. I took a deep sigh and washed my hands, then closed the faucet after, when I heard someone calling my name.
"Swan!" Tawag ng isang boses lalaki mula sa labas. Inayos ko ang aking bag at isinuot ito, agad naman akong lumabas para tignan kung sino ang tumatawag sa'kin.
Laking gulat ko nang makita ko ang lalaking tumatawag sa'kin ay si Paul pala. Medyo matagal na rin na hindi kami nagkausap dahil siguro busy siya at marami rin siyang ginagawa dito sa school.
"Paul? Bakit ka nandito?" I asked as I squinted my eyes because of the sunlight reflecting on my face.
"I was just worried. Ano ba ang nangyari sa'yo? Bigla ka kasing tumakbo," pag-aalalang tanong nito.
"Ah, 'yon? Wala 'yon, don't mind me. Alam mo namang ganyan ako pag ninerbyos," I denied at first, but then di ko napigilan na isabi ang totoo sa kanya.
"Nerbyos? Bakit ka naman ninerbyos?" he asked and slightly tilted his head in confusion.
"Miss Sanna." That voice...
Sabay kaming tumingin ni Paul sa kung saan nanggaling ang boses na iyon, and as we both looked in the direction, it revealed the guy. Bakit napapunta dito ang kuya ni Zaire?
"Sir, what can I do for you?" Inunahan ako ni Paul.
"I need to talk to Miss Sanna," walang gana niyang sagot. Napatitig ako sa kaniya, para kasi siyang na-bo-bored sa taong kausap niya.
"Yes po?" I answered, and suddenly, he looked alive.
"Here. You dropped this in my car." Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang panyo ko sa kamay niya.
Tinignan ko si Paul, may pagtataka sa mukha niya, pero agad akong umiwas ng tingin sa kaniya. Lumapit ako sa kuya ni Zaire at inabot ang panyo. Napatingin ako sa kaniya nang hindi niya binitawan ang panyo. He's so handsome, to the point na mapapatitig ka talaga sa kagwapuhan niya. Stop it, Aphrodite!
"You two know each other, Swan?" Kagat-labi at nanlalaki ang mata kong tinignan si Paul.
"Ah, yes... kuya kasi siya ni Zaire," I explained. Hinila ko ang panyo at binitawan niya naman ito kaagad, kaya naglakad ako pabalik sa kaninang pwesto.
"Thank you dito, at pasensya ka na. Hindi ko namalayan na naiwan ko pala 'to," pagpapasalamat ko sa kaniya.
"Sir, it's good to see you again, and I'm sorry about earlier. Bigla akong umalis, nag-alala kasi ako dito sa kaibigan ko," may paggalang niyang sabi.
"Excuse us, sir. We need to go."
Hinawakan ni Paul ang siko ko at sabay kaming naglakad paalis.
"Swan, don't talk to him," biglaang pagsabi ni Paul, at nagtaka ako kung sino ang tinutukoy niya na 'wag kong kausapin.
"Sino? Ang kuya ba ni Zaire?" tanong ko.
"Yes. Wala akong tiwala kay Zaire, at nang nakita ko ang kuya niya, mas lalo akong hindi mapagkakatiwalaan ang mukha niya."
"Pero nagkita na ba kayo dati? Ang formal mo kasi sa kaniya. Eh, hindi ka naman ganong tao."
Sasagot na sana siya nang tinawag ako ni Kim sabay.
Tinignan ko si Kim. Magkasama sila ni Zaire, at nang muli kong tinignan si Paul ay masama na ang timpla ng mukha niya. Halata naman na may gusto siya kay Kim, hindi ko lang maintindihan kung bakit ganito niya ito kung itrato.
Nauna siyang naglakad at sumunod ako sa kaniya dahil iisa lang naman ang patutunguhan namin—'yun ay kung saang pinto nakatayo si Kim.
Nakita ko ang pag ngiti ni Kim kay Paul. Binati niya rin ito, ngunit hindi siya pinansin ni Paul at patuloy lang sa pagpasok.
"Ano ang ginawa niyo?" May paghihinala sa mata niya, pero tinawanan ko lang. Alam ko naman kasi na nagbibiro lang siya.
"Secret, baka malaman mo pa eh," sabi ko at agad namang pumasok sa classroom, at ramdam ko ang pagsunod nila sa likod ko.
"Andiyan na si Ma'am!" sigaw ng isa kong classmate na nagtatatakbo mula sa labas. Agad naman silang nagdali-daling pumunta sa kanilang upuan, pati si Kim ay napatakbo rin. Akala mo naman kung sinong mga mababait dahil pagdating ng teacher ay tahimik na silang nakaupo.
"Kanina pa talaga ako nagugutom," reklamo ni Kim sabay kuha ng aking bag at pinagtitingnan ang mga dala kong baon. As if naman na hindi iisa ang baon namin; si Mommy Belle naman yung nagbigay nito. Malaki talaga ang pasasalamat ko sa mga na binigay ni Mommy kanina noong pinuntahan ko si Kim sa kanila.
"Tapos ka na ba? Hindi lang kasi ikaw ang nagugutom dito." She looked up to face me, and when our gaze met, she smiled at me while returning the bag like nothing happened.
After she handed the bag, we took the food out from our own bags and carefully laid it on the table. I silently prayed and thanked for today's food, and as soon as I opened my eyes, revealing the girl in front of me na parang hindi pinakain for years.
"Thank you!" sabi nito na pinaliit pa yung boses. Ang ham ko...
Bago pa ako makapagsalita ay kinain na nito ang kalahati. Wala na akong magawa kundi ibigay na lang sa kanya. Akala ko may chance pa ako. Hintay ka lang, Kim, may araw ka rin sa'kin.
Pagkatapos kong kumain ay inilabas ko yung strawberry-flavored juice mula sa bag ko. Itinapik ko yung kamay ni Kim na akmang kukuha pa sana ng juice ko. Masakit niya akong tinignan na parang nagmamakaawa at the same time. Pasensyahan na lang tayo dito, Kim, dahil hindi ko 'to ibibigay sa'yo.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Kim habang hawak-hawak ko ang kaniyang kamay at hinihila siya kung saan ako pupunta.
Naalala ko yung sinabi ni Matt kanina na pupunta raw ako sa principal's office. Hindi ko alam kung bakit parang nae-excite ako na makita siya.
Masaya akong pumasok sa loob ng principal's office, nawala lang nang nagsalita si Sir Lerio.
"Salamat at pumunta din kayo. Eto ang ipapagawa ko, linisin niyo ang court at yung library. 'Yan ang parusa ko sa inyo. Pasalamat kayo at mabait ako," sabi nito na sinabayan pa ng tawa na kung akala mo ay hindi principal.
"Anong mabai—" Hindi ko pinatuloy ang sasabihin ni Kim at agad ko na siyang inapakan sa paa.
Iniabot ni Sir Lerio sa akin yung nakatuping puting papel. Laglag-baga ko itong tinanggap at pilit na ngumiti kay Sir. Nawala sa isipan ko ang sinabi noon sa'min ni Sir Lerio.
"Bakit hindi mo 'ko sinabihan na doon tayo sa principal's office pupunta? 'Yan tuloy!" Nagmartsa si Kim papuntang second period.
Ang sabi ni Sir Lerio ay mamayang uwian pa kami maglilinis, pagkatapos gamitin ng mga estudyante ang court at library. Sumunod ako sa likod ni Kim palabas ng principal's office habang hawak-hawak ang papel.
Nasa labas na kami nang makita ko ang kuya ni Zaire. Bakit pati yung mga hakbang niya ay napaka-cool tingnan? Am I just hallucinating? Na parang sinasadya niya pati yung pagsuklay ng kanyang buhok gamit ang mga daliri para magmukhang mas gwapo.
"Swannie, 'di ba sabi mo kanina nagugutom ka na?" Nilakasan pa nito ang boses at halatang pinaparinggan. "Oh, andiyan ka pala, Mr. kuya ni Zaire?"
Napairap ako sa sinabi ni Kim, na akala mo ay hindi talaga alam na nandoon ang kuya ni Zaire.
"Good afternoon." At akmang hihilahin ko si Kim dahil parang wala namang balak magsalita ang kuya ni Zaire, nang hinawakan niya ang bag ko at pinatigil ang akmang pag-alis.
"Have you eaten your lunch?"
"Wala pa po," agad na sabi ni Kim. Hindi man lang ako pinagbigyan na magsalita.
Parang Rated SPG si Kim—Super Patay Gutom. Kakakain lang namin, ginutom agad. Saan niya kaya nilalagay ang mga pagkain sa liit niyang 'yan?
"Hindi po—"
"Marami pong pagkaing pagpipilian sa canteen," pagputol ni Kim.
He looked at Kim and shifted his gaze to me after; parang 'di niya alam kung sino ang pakikinggan. But then,
"Let's go."
Malaking ngumiti at tumango si Kim na kung akala mo ay wala kaming second period, at agad niya akong hinila at pinagdikit sa kuya ni Zaire. Hindi ko alam kung totoo ba ang nakita kong ngiti niya noong pagdikit ng mga balat namin o namamalikmata lang ako.
Dumating kami sa canteen na hanggang tenga ang ngiti ni Kim. Patakbo siyang pumunta sa counter para kumuha ng menu, at nagtinginan kami ng kuya ni Zaire. Sa ginawa kong pagtingin sa kanya ay sinisi ko pa ang sarili dahil biglang tumibok na naman nang mabilis ang aking puso. Napapaso akong umiwas ng tingin.
Sabay kaming humakbang at nabunggo ang kamay ko sa balat niya. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakaramdam na parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko. Dahil sa nangyari ay hindi ko namalayan ang pagbabalik ni Kim.
"306 po lahat, kuya ni Zaire. Inorderan ko na rin po kayo. Thank me later," ngingiti-ngiti pa ang loko.
Umigham ako at naghanap ng pwedeng mauupuan. Diretso akong naglakad sa pinakadulo at doon umupo. Alam ko namang sumunod ang kuya ni Zaire at si Kim, kaya hindi ko na sila nilingon o tinawag pa—baka kasi bigla akong himatayin dahil sa bilis ng t***k ng puso ko. Kung hindi lang talaga dahil kay Kim, hindi na siguro ako makakalakad ngayon.
Dumating ang napakaraming order ni Kim. Hindi na ako nabigla, pero nahiya pa rin ako dahil sa asal niya.
"Swannie, kung ako sa'yo, mag-a-'I do' na 'ko pag itong lalaking kaharap natin ay yayain ka magpakasal." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Kim. Hindi ko siya katabi dahil ang kuya ni Zaire ang katabi kong umupo, kaya hindi ko natigilan ang pagbukas ng bunganga niya. Kahit na puno ang bibig, nakuha pa ring magsalita.
Umubo ako at kukunin na sana ang basong may tubig nang inunahan akong abutan ng kuya ni Zaire. Ang duwende kong kaibigan ay parang sumabog dahil sa nakita, tumili siya kaya tumingin ang kuya ni Zaire sa kaniya. G*ga talaga.
"Ang cute n'yong tingnan. Promise," namumula pa nitong sinabi. Kinuha ko na ang binigay niya sa'king baso at masimpleng uminom.
"Kuya ni Zaire, hindi pa po nagkakaroon ng boyfriend 'yan."
"Hoy, Kim! Bunganga mo nga!"
Napalingon ako sa kuya ni Zaire nang marinig ko siyang mahinang tumawa. Hindi ko alam kung kilig ba ang naramdaman ko nang marinig ko ang panlalaki niyang tawa–basta bigla na lang pumitik ang puso ko at parang gusto kong tumalon sa tuwa.
"Bakit, totoo naman ah," pagpipilit niya.
"Totoo nga, pero hindi mo naman kailangan ipamukha sa'kin. Marami rin kayang nanliligaw, hindi ko lang pinapansin," proud kong pagkakasabi.
"Good!" rinig kong sabi ng katabi, at muling tumili si Kim na parang may uod ang puwet kung humiyaw.
"What did you do in the principal's office?" tanong nito habang humihiwa ng karne.
"Ano pa ba, edi yung key of succession in life na parati kong kinukuha. Hoy, Swannie, nandiyan pa ba ang demerit paper? Mas mahalaga pa 'yan sa buhay natin kaya ingatan mo."
"The principal gave you what?" parang galit ang pagkakasabi niya, at hindi lang ata ako ang nakaramdam noon dahil nag-excuse si Kim dahil naiihi raw ito.
"Wala 'yon."
"Tell me the truth. Is Paul one of your suitors?"
Natigilan ako sa pagsubo ng pagkain sa sinabi niya.
"No, just a friend," sagot ko dahil totoo naman.
"Then don't be so close with him. Some people might misunderstand," sabi nito.
"Hindi puwede 'yon dahil pareho kaming nasa top. Parati kaming magkasama." Maingay niyang binitawan ang kubyertos nang matapos niyang marinig ang sinabi ko.
"Tell me his full name," he demanded. Nagdalawang-isip pa ako kung susundin ko ba ang sinabi niya; ni hindi naman kami close.
"Hey, guys! Why so serious?" Kim said in a cheerful tone.
Masungit na tumayo ang kuya ni Zaire at may nilagay siyang five hundred pesos sa table. Parang nasisiyahan pa ang mukha ni Kim nang umalis ito.