LAST CHAPTER (PART 3) RUSH'S POV "So, see you later. I'll just go do something," pagpapaalam ni Cosmos sabay labas ng silid na 'yon. Naiwan akong parang ewan na nakaupo lang do'n at hindi makaalis. Napatitig nalang ako sa pintuan na pinaglabasan ni Cosmos. Hindi ko maiwasang isipin na bakit ang ayos ng trato niya sa akin? She just said na prisoner n'ya ako but why is she treating me properly? Hindi ba ang kadalasan sa mga bihag pinapahirapan kagaya ng sinasaktan ng paulit-ulit? Bakit naman kay Cosmos hindi ko naranasan yung mga 'yon? Inaasar-asar pa nga niya ako, opposite sa akala ko na gagawin niya dahil nga do'n sa ginawa n'ya sa Eulogia. She even threatened me that she'll kill me pero ni ang saktan ako ay hindi n'ya nga magawa? "Or she's just waiting for a perfect timing?" tan

