Chapter 2

1901 Words
PAGKATAPOS naming maghapunan ay agad ko munang pinuntahan si Hero sa salon niya. Isang sakay lang ng jeep iyon mula sa bahay. Dahil sa gabi na rin iyon ay iilan na lang ang customer niyang nadatnan ko at kasuluKuyang binu-blower ng staff niya. Ako naman ay prenteng naupo at humarap sa malaking salamin nila. Si Hero naman ay nasa harap ng counter niya at tila nagbibilang ng kinita sa salon. “Naku bru, kung milyunaryo lang ako tulad ni Ricky Reyes, solve na ‘yang problema mo,” sabi niya habang busy pa sa ginagawa. “Pero kahit ibenta ko ang puri ko, hindi pa rin yata aabot sa halagang kailangan mo ‘te!” Tumingala ako sa kaniya “Ateng, wala ka no’n.” sabay tawa naman ng mga staff niyang nagbu-blower, nagwawalis at nagbabasa ng magazine. “Ay, ang saya ‘no?! Ang saya-saya ‘no?!” nakakatawang sabi ni Hero sa mga staff niya. At siya namang tigil ng mga ito sa tawa. Umayos ako ng upo. “Eh, ano nang gagawin ko? Ayoko namang lumipat kami ng bahay..” nakasimangot na sabi ko. “E’di, maghanap ka ng Papang mayaman ‘te!” sabat ni Beauty na nagbabasa ng Magazine. Si Beauty ang nagsisilbing kanang kamay ni Hero sa salon. Mahaba ang buhok nito at blonde pa. “Tumpak ‘te!” sabat naman ng nagwawalis na si Anastacia na huminto pa at tiningnan ako, mula ulo hanggang paa. “Maganda ka rin naman, makinis at teacher pa! tiyak ‘yan may maaakit..sayong Papang..” Malanding litanya niya. “Matanda? Biyudo? Pulitiko? kung sa gano’n na rin lang ako mapupunta, ‘di bale na! Mangungupahan na lang kami.” pagpuputol ko sa sinasabi niya. “Ano ka ba! Hindi ka ba naniniwala kay Prince Charming, Kris? ‘Yung gwapo, matipuno, matalino at higit sa lahat malaki..” “Ang alin?” curious kong tanong nang ipa-suspense pa niya ang sasabihin. “--malaki ang pera sa bangko! ano ka ba!” at sabay tawa. “Wala nang gano’ng lalaki ‘no!” sagot ko sa kaniya. “‘te, think positive! malay mo nasa tabi-tabi lang ‘yon. Inaantay ka na--hay! kinikilig ako!” biglang sagot ni Beauty. “Bakit naiihi ka?” sabat ni Hero na nagliligpit na ng mga gamit sa counter. “Kung ano-ano ‘yang sinisiksik niyong kalokohan sa ateng ko. Manahimik na nga kayo!” “Eh kung ayaw mo sa suggestion namin, mag-isip pa tayo ng iba--ah! Magturo ka sa Harvard! Malay mo malaki sweldo do’n! Dollars pa!” sabat ni Anastacia. Pero agad naman itong binato ng papel na nilukot ni Hero. “E kung ikaw ang papuntahin ko do’n at ‘wag nang pauwiin, bet mo? Kanina ka pa nagwawalis d’yan ah, bilisan mo d’yan! baklang ‘to,” nakapameywang sagot ni Hero. “Eto na nga ‘te oh, patapos na o,” pagmamadaling sagot ni Anastacia. Natawa naman ako sa kanila. Kahit papaano ay napapagaan nila ang mabigat kong problema. “Ah, Miss..” tawag sa akin nu’ng kaninang inaayusan at binu-blower. Nakatayo na ito at lumapit na pala sa akin. May nilabas namang siyang business card mula sa shoulder bag niya. “Eto, baka sakaling makatulong sa problema mo.” nakangiting sabi nito. Dahan-dahan ko namang kinuha ang iniabot niya sa akin. “S-Salamat?” sabi ko Pero ngiti na lang sinagot niya. Pagkakuha ko ay agad naman siyang tumungo sa counter at saka nagbayad. “Thanks for coming! Come back again, Ma’am!” nakangiting sabi ni Hero. Pagkalabas ng babae ay sabay-sabay namang nagtanungan at lumapit sa akin ang mga baklita! “Ano ba yan ‘te?” unang tanong ni Beauty. “Tseke?!” Sunod na tanong ni Anastacia. Binasa ko naman ang nakasulat sa card.. “De Silva Financing Corporation..” nagtataka naman ay hindi ko na napigilang ma-amuse sa binigay sa akin nu’ng babaeng nakikinig n pala sa usapin namin. Sabagay, ang lalakas ng mga boses namin. KINABUKASAN, kahit bakasyon na ang mga estudyante ko ay busy pa rin ako sa pagko-compute sa mga grades nila. Infairness sa hawak kong klase, walang bumagsak at matataas ang mga grado nila. Lalo ko tuloy mami-miss ang mga estudyante kong masisipag mag-aral. Nasa kwarto lang ako, may maliit akong lamensa rito at habang nagsusulat ako ay saka biglang bumukas ang pinto at sumilip si Glenn. “Ate, may buyer na raw ‘yung tricycle ni Tatay!” Excited na sabi niya. “Kukunin na yata mamaya.” “Ang bilis naman..” “‘Pag daw nakuha ‘yon, maghahanap na raw sina Tatay at Nanay ng malilipatan nating bahay!” sabay alis at sara ng pinto. Binalik ko naman ang tingin ko sa ginagawa ko. Nalungkot ako. Bumuntong hininga ako. Binuksan ko ang drawer ko at kinuha ang Business card na binigay nu’ng babae sa salon, tiningnan ko uli iyon. PADILIM na nang pagpasiyahan kong bumaba muna. Nakita kong wala tao sa sala. Pumunta ako sa kusina, pero wala pa rin. Nasaan kaya sila? Pumunta ako sa likod ng kusina. May isang pinto doon at nakita kong nakabukas iyon. Nandoon nga sina Tatay at Nanay sa likod-bahay. Nag-uusap, tumayo ako sa tabi ng pinto pero alam kong hindi nila ako napansin. “Wala na ang tricycle..” Panghihinayang na sabi ni Tatay. Nakatalikod sila sa Akin ni Nanay. Si Nanay naman ay agad hinagod ang likod ni Tatay na tila kinu-comfort ito. “Ger, napag-usapan na natin ito ‘di ba? Akala ko ba okay na sa’yong ibenta ang tricycle?” malumanay na tanong ni Nanay. “Alam ko naman ‘yon, pero syempre hindi ko maiwasang malungkot dahil ang tricycle na ‘yon ang tumulong sa akin para mapagtapos ko sina Edwin at Kristina. Kahit papaano ay napamahal na sa akin yung tricycle ko.” “Ano ka ba, may jeep pa naman tayo oh, mas malaki ang naitulong nito sa’tin..Ito ang maghahakot ng mga gamit natin.” pilit na pinasasaya naman ni Nanay ang usapan nila ni Tatay. “O siya-siya, baka hanggang dito na lang kami ng tricycle ko. At sa huling pagsasama namin e, natulungan pa rin tayo.” “Natulungan saan?” nalilitong tanong ni Nanay. “Sa pambayad sa uupahan nating bahay!” Sabay tawa ni Tatay, gano’n din naman si Nanay. Pero bago pa nila ako makita ay tahimik na akong bumalik sa kwarto at naupo ulit sa tapat ng mesa ko. Kinuha ko ulit iyong Business card sa drawer ko. Tinitigan ko ito. “Wala naman sigurong masama kung i-try kong puntahan.” sabi ko sa sarili. KINABUKASAN ay gumising ako nang maaga, naligo at nag-ayos. Sinuot ko iyong favorite kong skinny jeans, red polo shirt na tiniklop ko hanggang siko at red flat shoes. Matapos kong maglagay ng konting powder at kaunting pahid ng lipstick ay kinuha ko na ang shoulder bag ko. Ngunit nang palabas na ko ng kwarto ay napahinto ako. Tinungo ko ang lamesa ko, binuksan ang drawer at kinuha ang Business card at nilagay sa bulsa ng bag ko. “O, anak sa’n ka pupunta?” tanong ni Tatay na nagbabasa ng dyaryo sa mesa. Lumapit ako kay Tatay para magmanong. “Ah, ‘tay may importante lang po akong pupuntahan, si Nanay po?” “Nasa tindahan, may binili lang.” “Sige ‘tay, alis na po ako.” paalam ko na para hindi madagdagan pa ang tanong sa akin. “O sige, mag-iingat ka.” At agad na rin akong lumabas ng bahay. PAGBABA ko ng bus, ay agad kong nilibot ang mga mata ko sa mga buildings na nakikita ko. Ang De Silva Financing ay sa Ayala, Makati ang opisina. Hawak-hawak ko ang Business card habang naglalakad para hanapin ‘yong building nila. Hindi naman sa inosente ako pero talagang nakakalula ang mga nakikita ko sa paligid. Tila ba ako nasa ibang bansa pero puro pinoy din naman ang nakikita ko. Nasanay kasi ako sa maliit na lugar. Nang makita ko ang building na hinahanap ko agad akong lumapit sa guard at nagtanong. “Manong, dito ba ang office ng De Silva Financing?” Tinanguan niya kaagad ako. “Opo Ma’am, pasok po kayo. Lumapit na lang po kayo du’n sa reception.” nakangiting sabi ni Manong. “Salamat po,” Agad ko namang nilapitan iyong tinuro ni manong. Ang reception area ay tapat lang ng mismong elevator. “Yes, Ma’am?” magalang na tanong ng babaeng receptionist .Naka-corporate attire ito. “Goodmorning po, Sa De Silva Financing,” nakangiting kong bungad sa kaniya. “May I.D po ba kayo?” “Ah, meron,” agad ko namang nilabas ang ID ko na nasa wallet at saka ko binigay sa kaniya. “Pakisulat na lang po ‘yung name n’yo po rito sa log book. Purpose at time in.” tinuro nito iyong nakabukas na logbook. Agad ko namang sinulatan iyon. Kristina Marie Clemente/Inquire/9:46am Pagkababa ko ng ballpen ay agad nyang binigay sa akin ang visitor’s pass. “4th floor Ma’am.” “Thank you. “ pagkakuha ko ng visitor’s pass ay dumeretso na ko agad sa tapat ng elevator. Pinindot ko ang arrow up button. Ilang saglit pa ay bumukas na ito, walang tao. Agad akong pumasok. Pinindot ko ang 4th floor button pagkatapos ay may narinig akong boses ng lalaki. “Wait!” Sigaw nito. Hinold ko naman agad ang pinto ng lift. “Thanks..” sabi ng lalaki na nasa tapat na ng pinto nito. Pero nang nakita niya ko tila ay rumehistro ang gulat sa mukha nito. Napatitig sa akin--ngunit agad din nag-iwas ng tingin at pumasok na. Nang sumara na ang pinto ng lift ay nagtaka naman ako kung bakit hindi man lang nito pinindot ang floor na pupuntahan nya. E baka naman 4th floor din siya? Okay. O baka naman rapist? Oh my--pero teka..palihim ko itong sinulyapan. Tamang-tama nagse-cellphone siya. Matangkad, may kaputian, mukhang may tinatagong abs! Tumigil ka Kristina! Pero pinagpatuloy ko ang suri sa lalaki. Mukhang mayaman. Naka-leather black shoes, black semi-fitted pants at blue polo shirt na nakatiklop hanggang siko. Natural-brown din ang kulay ng buhok nito, clean cut! Ang linis lang tingnan. May matangos na ilong, mapupungay na mga mata na may mahahabang pilikmata. At..ang pula-pula ng lips niya! Natural na pagkapula! Sa madaling sabi--gwapo! Kalma lang Kristina Marie, relax, easy. Ewan ko ba, pero bumilis ang t***k ng puso ko! Ano’ng dahilan? Ngayon lang ba ako nakakita ng gwapo? Correction, saksakan at ubod ng kagwapuhan! Nang tila napansin niyang nakatingin ako sa kaniya ay agad kong tiningnan kung saang floor na kami. Nang makarating ay nauna itong lumabas ng lift. Dere-deretso lang ang lakad na para bang siya ang may-ari ng building. Teka mukhang masungit ito ah! Karamihan nga naman sa mga gwapo at mayaman ay masusungit. Lumabas na rin ako ng elevator at iniwas na ang tingin sa kaniya. Ngunit pahinto ako sa paglalakad. Parang..parang..nakita ko na siya noon.. Binalingan ko ang dereksyong ttinungo nito. Nakita ko na lang malapad niyang likuran at pilit na inaararok ang isip kung saan at kailan ko ba nakita ang ganoong itsura.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD