Chapter 4

2960 Words
“APPROACHING U.N Ave. station, Salamat po.” sabi ng driver sa LRT. Nang may bumaba na pasahero ay saka lang ako nakaupo na. Hindi naman masiyadong siksikan pero puno pa rin ang mga nakalaan na upuan. Agad kong kinuha iyong cellphone ko at nagtext. Ako: Masiyadong malaki ang 1.5 million bru, humihingi sila ng pang collateral. Wala kami nun bru Napabuntong hininga ako pagkatapos kong i-send ang message sa kaibigan. Hero: ‘Wer na u ba? pauwi ka na? daan ka muna ng dito sa salon Ako: LRT pa ko..okay, I’ll drop by. Pagkatapos ay nilagay ko na agad ang cellphone ko sa bag at napabumuntong hininga ulit. What to do? I’m helpless--ang hirap pa lang maging mahirap. PAGDATING KO sa salon ni Hero ay pinapunta niya ko sa kusina nila. Inaya na niya ko roon Mananghalian. Kasalo namin si Anastacia. Habang naiwan sa counter si Beauty at may kausap. Iyong ibang staff naman ay busy sa mga customer. “E, sino naman ‘yung taong sinasabi niya sa’yo?” tanong ni Hero habang sumusubo. “Ang sabi niya, for sure raw makakatulong sa akin ‘yon. Tawagan o puntahan ko na lang daw,” kinuha ko naman iyong business card sa bag ko. “Eto..” iniabot ko kay Hero, tumingin din si Anastacia. “Nakakabasa ka ba?” tanong ni Hero sa kaniya pero hindi siya tinitingnan. “Oo naman ‘te! ako pa!” sagot naman niya. Kung iba siguro, malamang napikon na sila. Pero dahil close naman sila rito at sanay na rin sa katarayan ni Hero. “OMG!” halos sigaw na sabi ni Anastacia. “Bakit kilala mo?” sabay tingin ni Hero sa kaniya. Pati ako ay napatingin na rin sa kaniya. Curious. “Hindi ‘te, sino ba ‘yan?” Sinamaan naman ito ng tingin ni Hero. “Ubusin mo na ‘yang pagkain mo bago ko ubusin ‘yang buhok mo! bruha ka!” “Pero infairness ‘te, ang gwapo ng name-sung niya ah!” sabay subo ulit ni Anastacia. “Parang may abs!” “‘Yang mukha mo lalagyan ko ng abs! ‘pag hindi ka pa nanahimik,” sagot ni Hero na pinandilatan pa si Anastacia. “Tatahimik na po, tatahimik na.” at saka pinagpatuloy na ang pagkain. “Reynald De Silva...” sabi ni Hero, habang nakatingin sa business card. Wari ko’y napapaisip siya. “Parang narinig ko na ‘tong name na ‘to,” “Talaga? Saan naman?” tanong ko. Nakatingin lang ako sa kaniya. “Hindi ko rin maalala e, pero parang narinig ko na ‘tong pangalan na ’to somewhere girl,” nakakunot ang noo ni Hero tila ba pilit na inaabot ng utak niya ang pangalang iyon. May kung ano sa isip ko na sana kilala ni Hero ang lalaking ito. “Somewhere? Ah! Somewhere down the road ‘te!” biglang salita ni Anastacia. Dahil do’n ay nawala sa pag-iisip si Hero at ako. May kasama pa kasing palakpak at medyo O.A ang gesture niya. Nabatukan pa siya ni Hero. Kaya naman nangiti na lang ako sa kaniya. “Ikaw na bakla ka, hala tumayo ka na nga d’yan at bumalik ka na do’n sa labas at baka ‘di ko mapigilan ang sarili ko at maubos ‘yang buhok mo!” Hero gave Anastacia a death glare. Iyon bang tingin pa lang iyon ay lulumpasay na siya. Sumimangot naman si Anastacia. “Eto na, eto na ‘te oh, aalis na, aalis na oh,” sabi niya habang nagliligpit ng pinagkainan niya, nilagay niya ito sa lababo at hinugasan bago bumalik na sa labas. “Babuush mga ateng!” paalam pa niya. “Tseh!” sigaw na sagot ni Hero may dagdag pang irap kay Anastacia. Sanay na rin ako sa mga tao rito sa salon, kahit nasusungitan sila ng kaibigan ko ay alam naman nilang mababaw lang iyon. Alam ko kasing pagnangangailangan sila ay agad silang tinutulangan ni Hero. Nakokornihan lang talaga ang kaibigan ko sa pagiging sweet--except sa boys. Bumalik ang tingin ni Hero sa Business card at sa akin. “So ano na bru? Pupuntahan mo ba ‘to?” nguso niya sa card habang nakatingin sa akin. “Base naman sa nakikita ko, eh mukang big time ‘yang De Silva na ‘yan. Isang CEO ng kumpanya!” He said with big round eyes. I heaved out a sigh. “Hindi ko alam, bru..kinikutuban ako e.” “Kinukutuban saan?” napataas pa ang mga kilay nya. Curiosity filled him. “Dito.” At tinuro ko lang card na nakalapag sa harap namin. “Ano’ng gagawin sa ‘iyo niyan, maliit na papel lang ‘yan, bru!” with overacting face. Hindi ko tuloy maiwasang mangiti dahil napapagaan ng kaibigan ko ang tone-toneladang bigat ng problema ko. “Bru naman e! Hindi ko naman kilala ‘yan e..wala naman akong maipangbabayad. Pa’no kung may ibang motibo ‘yan.” I pouted my lips. “Bru, Hindi mo malalaman kung hindi mo pupuntahan. Saka malay mo, sideline niya ang magpa-5-6.” and he made a face saka kinuha ulit kutsara at kumain. “Bru naman e!” Tinignan ko siya at lalong nginusuan. Napa-peace sign na lang sabay subo ng kutsara. PAG-UWI ko sa bahay ay naabutan kong nandoon si Kuya Edwin kausap si Tatay sa sala. “Kuya..” tawag ko at saka naglakad sa upuan para ilapag ang bag ko. Lumapit ako kay Tatay at nagmanong. “O Kris, saan ka galing?” nakataas ang mga kilay na nakatingin sa akin. Nakasaklob ang mga kamay at nakapatong ang mga siko niya sa hita. Habang nakasandal si Tatay sa upuan at nakatingin lang sa lamesita na parang napakalalim ng iniisip. Ito ang iniiwasan ko, ang mag-alala ang mga magulang ko. “Ah..sa school may inasikaso lang.” I lied. Hangga’t maari ayoko munang ipaalam sa kanila ang mga binabalak ko. Lalo’t wala pang kasiguruduhan. “Sina ate Jess?” tipid akong ngumiti sa kaniya. Alam ko kasing alam na ni Kuya ang problema sa bahay. Tiningnan ko rin ang bahay at hinanap sina Nanay at Glenn. “Iniwan ko muna sa bahay. Kabuwanan na niya at medyo nahihirapan na sa laki ng tyan. Kambal e.” bakas sa mukha ni Kuya na masaya siya sa parating nilang mga anak. Lalo pa--kambal. Alam kong masaya si Kuya sa buhay pamilya niya. Tuwing nakikita ko sila ni ate Jess, bakas sa mga mata nila kung gaano nila mahal ang isa’t-isa. Complete. Iyon bang ‘pag may problema basta magkasama sila, chicken lang ang lahat. Come and go, we’re together. Simple lang ang pamumuhay nila pero kuntento. Kaya naman inasam ko rin ang ganoong buhay may-asawa. Hindi ko hinangad ang mala prince charming na may palasyo. Basta mahal niya ko solve na ko ro’n. “Kris bakit hindi mo naman agad sinasabi sa akin ang problema sa bahay?” biglang nawala ako sa pag-iisip nang magsalita si Kuya. Napaupo naman ako single na kahoy naming upuan. Kinakabahan ako, hindi ko balak na sabihin agad kay Kuya ang problema kasi may pamilya na siya at may sariling gastusin. At nagkataon pang manganganak na rin ang asawa niya. Malaking gastos din iyon. Hindi ako makatingin nang deretso kay Kuya. I’m searching for the suitable answer. My lips parted a little. Pinagdikit ko ang mga daliri ko sa ibabaw ng hita ko. Para tuloy akong may mabigat na kasalanan. “Kuya kasi..” halos pabulong na ang boses ko. “May sarili ka ng pamilya Edwin at buntis pa ang asawa mo. Ayaw na naming dumagdag pa sa alalahanin mo. Kaya ‘di na muna namin ipinasabi sa’yo” Sabay kaming napatingin ni Kuya kay Tatay. Hindi tumitingin sa amin si Tatay. Kinuha niya ang remote control sa lamesita at binuksan na lang ang TV. Si Kuya naman ay parang hindi makapaniwala sa sinabi ni Tatay. “Pedro ‘tay naman, hindi lang basta maliit na problema ‘to. Pwede nang mawala ang bahay sa’tin.” may bahid na pagtatampo ang boses ni Kuya. Nakatingin pa rin siya kay Tatay na ngayon nanonood sa TV. Balita ang palabas. “‘Wag ka nang mag-alala, nakapagdesisyon na kami ng Nanay n’yo. Naibenta na rin namin ang Tricycle. Naghahanap na rin kami ngayon nang malilipatan.” sabi ni Tatay pero nakatingin pa rin sa TV. Tumingin sa akin si Kuya. Nagtatanong ang itsura niya at parang pilit na inaarok ang sinabi ng Tatay namin. Makahulugan na lang akong napatingin kay Kuya. Hinahayaan ko na lang na si Tatay ang magpaliwanag sa kaniya. Sandaling namayani ang katahimikan. Nakayuko lang ako at hinihintay ulit silang magsalita. Pero nag-angat ako ng tingin kay Kuya. “Hindi ‘tay, gagawa ho ako ng paraan. Mangungutang ako o baka naman pwedeng makausap ang t’yang?” nakatingin si Kuya kay Tatay at tila naagaw nito ang atensyon ni Tatay. Kahit ako nakaramdam ng kasagutan sa sinabi ni Kuya. Pumasok sa kwarto sina Tatay at Kuya at naiwan kami sa sala ni Nanay. Hinintay namin sila matapos kausapin sa telepono ang T’yang namin. Napagdesisyonan kasi nina Kuya na tawagan ang T’yang sa America. Kung pwedeng pakiusapan na huwag munang ibenta ang bahay. Habang naghihintay ay nagdadasal na rin kami ni Nanay. Kinakabahan at nae-excite ako. Sana mapakiusapan sila ni Kuya. Sana talaga pumayag sila. Sana hindi pa kami mapaalis dito sa bahay. Mayamaya pa’y lumabas na ng kwarto sina Tatay at Kuya. Unang lumabas si Tatay, blangko ang mukha niya, ang hirap basahin. Nang makababa na sa sala si Tatay ay agad ko siyang nilapitan. “Tay, ano po? Pumayag po ba?” hawak ko ang kamay nanlalamig at bumibilis ang pintig ang puso ko. Halos hindi na ko pumipikit masagot lang ni Tatay ang nangyari sa tawag nila. Yumuko si Tatay at umiling. “Hindi anak. Nakahanap na raw sila ng buyer.” Bumauhos ang sakit sa dibdib ko. Hindi dahil sa sinabi ni Tatay, kundi sa panginginig ng boses niya. Ang sakit na nakikita kong pagkabigo sa Tatay ko. Alam kong ayaw niyang ipakita sa amin na sobrang apektado siya. Pero mas kilala ko siya, hindi man niya sabihin, nararamdaman ko siya. Bigla may namuong luha sa mga mata ko. Nilapitan ni Nanay ang Tatay at niyakap siya. Tinapik-tapik naman ni Tatay ang likuran ni Nanay. Para bang sinasabi niyang ‘okay lang’. “Hala sige na, lalabas na muna ako at magtatanong pa ng pwede nating malipatan.” Sabi ni Tatay at kumawala sa pagkakayap kay Nanay, lumabas ng bahay. Nilapitan ako ni Nanay at marahan na hinagod ang braso ko. “Magpahinga ka na muna, Kristina.” Nginitian ako ni Nanay bago pumunta ng kusina. Hindi pa rin ako makapaniwala. Wala na talagang pag-asa? Pinuntahan ko si Kuya sa kwarto. Nakatayo siya sa harap ng bintana habang hawak pa rin nito ang cellphone niya at doon nakatingin. “Kuya,” Mahinang boses ang lumabas sa akin. Lumapit ako sa kaniya. Umiling-iling siya. “Wala. Ayaw nilang pumayag. Ang gusto nila magbigay tayo ng pera kung gusto pa raw nating tumira rito sa bahay. Hindi naman daw tayo ang may-ari. Meron na rin daw gustong bumili nitong bahay. Kaya wala na raw tayong nagagawa, umalis na lang daw tayo.” Nawalan ako ng sasabihin. Wala na raw kaming magagawa. Umalis na raw kami. Pakiramdam ko hindi namin kamag-anak ang nagbitaw ng mga salitang iyon. Parang hindi namin sila kadugo. Hindi man namin sila personal na kilala, masakit pa rin pala. Ang labis na pinag-aalala ko ay ang Tatay. Dito na namulat ang kabataan ni Tatay. Alam kong malaking bahagi ng buhay niya ay saksi ang bahay na ito. “Eh kung subukan ko kaya sa shark loan?” Biglang sabi ni Kuya. “Kuya may pamilya ka na. Baka lalo pang lumala ang problema natin ‘pag nagkautang-utang pa tayo lalo’t wala tayong siguradong pambayad,” Umupo ako sa gilid ng kama. “Kris ayokong mawala ang bahay. Alam mo naman kung gaano kahalaga ‘to kay Tatay ‘di ba? Sinasabi niya lang na okay siya pero hindi naman. Ayaw niya lang magkagulo pa para hindi na mag-alala pa ang Lola.” Tumingin sa bintana si Kuya at tinungkod ang mga kamay. Salubong ang mga kilay niya sa labis na pag-iisip. Alam kong gagawa pa ng paraan si Kuya. Para hindi kami umalis dito pero alam kong mag-aalala ang mga magulang namin kung hahayaan naming si Kuya ang sumalo ng problema. Pamilyado at sapat lang ang kinikita. Dapat may gawin ako. Dapat makatulong din ako. Pumasok sa isip ko ang business card. KINAGABIHAN, pagkatapos naming maghapunan ay pumasok ako sa kwarto ko. Umuwi na rin si Kuya at siguradong nag-aalala iyon sa asawa niyang buntis. Kinuha ko ang business card, umupo ako sa kama at binasa ulit ito. “RDS Group of companies, Reynald De Silva, President and CEO, contact details..” Nang makita ko ang contact number ay agad kong hinagilap ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesita sa tabi lang ng kama ko. Pero bigla kong nabitawan ang business card. Nang naabot ko na ang cellphone ay agad kong pinulot ang card sa sahig. Napahinto ako. Likuran ng card ang nakita ko. May nakasulat na numero sa likod ng card. Hindi lang basta numero kundi cellphone number. Pinulot ko ang card at tiningnan ang harapan kung kapareho ng contact details sa likod. Pero iba. Pinagwalang bahala ko na lang, tumingin ako sa wall clock. 7:24pm na..kung tatawagin ko ‘tong opisina may sasagot kaya? Bahala na nga! Dinayal ko ang numero sa opisina. Habang nanginginig at nanlalamig ang mga kamay ko. Kinakabahan ako syempre, nagdadasal na sana may mapala ako rito. Pero ilang minuto na ang lumipas, nawala na ang kaba ko wala pa ring sumasagot. Puro ring lang. Binaba ko ang cellphone at bumuntong hininga. Kung bukas na lang kaya? Kaya lang sabado bukas malamang walang opisina. Kung sa lunes kaya? Pero hindi naman ako mapapakali ng dalawang araw. Kailangan gumawa agad ako ng paraan. Bawat araw at oras ngayon sa amin ay mahalaga. Binitawan ko ang cellphone at card sa kama. I bit my lower lip. Hanggang mapadako ang atensyon ko sa likod ng card. Kinuha ko at tiningnan ang numero sa likod. “Eto na lang kaya?” Nagdadalawang-isip ako kung tatawagin ko dahil baka nasulatan lang itong card. Pero parang kusang gumana ang daliri ko dahil dinayal ko ang numero. Kinakabahang nilagay ko sa tainga ang cellphone. Nagri-ring! Pagkatapos ng pangatlong ring.. “Hello?” I gasped. Isang baritonong boses ng lalaki ang sumagot sa linya. Napaawang ang bibig ko. Parang kinain lahat ng balak ko at sasabihin ko sa isang simpleng ‘hello’ lang? Kristina gising! Pero hindi ko napigilan ang taksil kong puso dahil parang mawawarak ang dibdib ko sa kalabog nito! Anyare? “Hello, who’s this?” He sounds irritated Doon ako nagising. “H-hello..” s**t! Bakit ako nagsstutter? “Yes, who’s this?” “Ahm..hello, G-Goodevening po. May I speak to Mr. Reynald De Silva, sir?” Para akong tangang nanginnginig ang boses ko sa pagsagot. Huwag ngayon Kris, huwag ngayon! He sighed. “Who’ this?” Ramdam kong parang naiinip na siya dahil paulit-ulit na sagot sa akin. “Please kindly tell him this is--this is Kristina Marie Clemente. I got his business card from Matteo De Silva of De Silva Financing,” Kabang-kaba ako. Baka babaan ako nito. Tumahimik sa linya. Tinignan ko ang screen ko pero naka-connect pa naman. Sa network kaya ang problema? “Hello, Sir? Are you still there?” Paniniguro ko. Baka Hindi niya ko naririnig na. But I heard his breath. He’s still there. Para bang ninanamnam niya ang sinabi ko. O baka naman naiinis ‘to kasi tinawagan ko siya? Balak ko sana nang sumagot uli nang magsalita siya. “This is Reynald.” He said with an authoritative voice. Napalunok tuloy ako ng sarili kong laway--It’s him! Hindi kaya personal niya itong number? Kaya siguro medyo iratado siya kanina. Pero heto na ang chance ko para makausap siya kaya nang atrasan ‘to! “Hello! Good evening po Mr. De Silva, ah..ano po kasi, pa’no ba ‘to..” Nagpalinga-linga ako sa kwarto ko. Para akong sira--parang may hinahanap ng kung ano. Napatayo na ko. Nagpalakad- lakad. He sighed again. “Miss Clemente, sorry but I still have a meeting to attend with. So if you have something important to tell me, kindly see me in my office written there on my business card. Is that fine with you?” Still sounded with an authoritative and baritone voice. Why does it feel so good? “Ah, okay po sir. Sa Monday po?” Lalo pa yata akong kinabahan ah. Napahinto ako sa paglalakad. “See you in Monday then.” He said with finality tone. “Si--” I was cut off by the beep of end call. I glanced to my phone. “Ano ‘yon? Binabaan ako? Parang may pagkaarogante rin ‘yun ah,” Pero hindi ko pa ring naiwasang mangiti. Para akong nakakita ng liwanag sa madilim na paligid. A thin line of hope. Baka rito, makakuha ako ng pambayad sa bahay. Baka ito na ang sagot sa problema namin. Hindi ko na tuloy mahintay ang lunes. “Okay, dapat paghandaan ko ‘to sa Monday!” With pure determination tone. Pero halo pa ring kaba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD