NATE’S POV Labas dito, labas do’n. ‘Yan lang ang ginawa naming dalawa ni Nathan kapag magkasama kaming dalawa. Actually, hindi ko rin alam kung paano nangyaring ganito na kami ka-close samantalang dati lang ay nagbabangayan kaming dalawa. Well, ako naman ang may gusto kung bakit naging ka-close ko na siya hindi ba? Ako naman kasi ang may pakana. Pero hindi ko naman sinasadya na maging ganito kami ka-close sa isa’t-isa. Basta na lang nangyaring ganito kami naging kadikit sa isa’t-isa. “Nat, gusto mo Star city tayo?” tanong ko sa kanya. “Um…” napaisip naman siya muna. “Alam ko na naman ang nasa isip mo,” I said. “Oh ano?” tanong niya. Magkasama kami ngayon sa building nila dahil nag-over the bakod na naman ako

